•SARAH•
Ilang minutong pag iisip ay may kumatok sa pinto ko saka ko nabaling ang tingin ko.
"Come in." Tipid kong sabi saka bumukas at nakitang si Manang Ito , tumayo ako at nilapitan sya. "Iha , kakain na" ngiting sabi niya kaya binalikan ngiti ko sya kahit naiilang ako dahil sa iniisip ko kanina.
Ipinagwalang bahala ko muna iyon at dumiretso na kami ni manang sa dining area at naroon na silang lahat liban nalang guro saking ngayo'y narito na.
"Good evening" bati ni Tita nang makaupo ako kaya ngumiti nalang ako "Good evening" bati ko pabalik saka kami nagsikain. Habang nagkakain ay seryoso akong nakatingin kay Tita na nasa harap ko at katabi naman nya si Lexi na ngingiti ngiti sa akin.
Di ko na yun pinansin saka ko nabaling ang tingin kay Tito na kumakain at hanggang sa matapos ay dumiretso ako sa kwarto ko , nagsipilyo , nagpunas , at saka ako nagbihis ng pantulog.
Napaisip ako saan kaya kami pupunta bukas at bakit ganun na lang sabi ni Yvann na may pupuntahan kami ? Strike of 5:00 pm psh. Ewan ko ba.
Nagbasa nalang ako ng Wattpad saka ako nakaramdam ng tulog.
•°•°•°•°•°
Maaga akong nagising at nag unat muna bago ako dumiretso sa banyo para manghilamos , magmugmog at magsipilyo.
Nang magawa lahat ng yun ay lumabas ako ng banyo at kinuha ang roba at towel ko. Bumalik ako sa banyo at naligo.
Ilang minuto'y nagbihis na ako ng fitness gear at kinuha ang cellphone at headset at tamang tamang pagbukas ng cellphone ko ay may kumatok.
Binuksan ko ito at nakita si Yvann na nakaligo at nakafitness gear na rin at halatang antok na antok pa rin sya , pilit akong ngumiti sa kanya.
Seryoso syang nakatingin sa akin. "You ready?" Malamig niyang tanong saka ako tumango at binalik sa seryosong mukha ko at kinuha ang cellphone at headset ko saka kami lumabas ng mansion.
Same spot kami noong unang araw na narito ako at ngayo'y may mga amerikanong nakapaligid at bumabati ng magandang araw sa amin pero nginingitian ko lang sila at mga binatang lalaki iyon at di tulad sa akin , Hindi ni Yvann pinapansin.
At seryoso lang syang nakatingin sa daan. Nagsa-soundtrip kami as usual.
Nang matapos kami ay bumalik kami ng mansion na tahimik at walang nag iimikan. Nadadagdagan na din ang abs ko kaya ayun medyo fit na fit na ako.
Umupo ako sa counter dito sa kusina habang si Yvann ay kumukuha ng maginam na tubig at ininom at binigyan nya na rin ako saka ko ininom.
"Salamat." Malamig kong sabi. Maginam na tubig ang linunok ko pero malamig naman ang boses na lumalabas sa bibig ko.
Umalis sya sa kusina at sinundan ko sya ng tingin at nakaramdam nalang ako ng pagkabahala at dumiretso nalang sa kwarto ko at tinutuyo ang pawis ko sa towel.
Agad namang nag ring ang cellphone ko kaya napahinto ako sa pagpupunas ng pawis at tinignan kung sino iyon at nakitang si Daniela.
Nakatingin lang ako sa cellphone kong nagvavibrate at di na ko umabalang sumagot.
Anong kailangan mo't wala na akong pake.
Nakakainis na pag iisipan ko ang ganitong drama sa buhay , nagsasawa na ako.
Nagbihis nalang ako at nagwa-warm up nalang.
•YVANN•
YOU ARE READING
𝙁𝙖𝙠𝙚 • 𝙟.𝙟𝙠 × 𝙡𝙡.𝙢 • (𝘾𝙊𝙈𝙋𝙇𝙀𝙏𝙀𝘿)
Fanfic"𝘚𝘩𝘦 𝘸𝘢𝘴 𝘱𝘰𝘸𝘦𝘳𝘧𝘶𝘭 𝘯𝘰𝘵 𝘣𝘦𝘤𝘢𝘶𝘴𝘦 𝘴𝘩𝘦 𝘸𝘢𝘴𝘯'𝘵 𝘴𝘤𝘢𝘳𝘦𝘥 𝘣𝘶𝘵 𝘣𝘦𝘤𝘢𝘶𝘴𝘦 𝘴𝘩𝘦 𝘸𝘦𝘯𝘵 𝘰𝘯 𝘴𝘰 𝘴𝘵𝘳𝘰𝘯𝘨𝘭𝘺, 𝘥𝘦𝘴𝘱𝘪𝘵𝘦 𝘵𝘩𝘦 𝘧𝘦𝘢𝘳." ©𝘈𝘭𝘭𝘪𝘳𝘢𝘎𝘪𝘳𝘭 2018