•YVANN•
Gusto ko man syang pagalitan pero wala kami sa tamang lugar para pagalitan ko sya. Ako parin ang dapat masusunod at ayaw ko sa lahat ay baka mapahamak pa sya doon at kung ano pang magawa ni Z sa kanya. Hindi nya kilala si Z.
' Hindi ko alam ang iniisip mo pero kung may plano ka mang maglihim na sumali ay hindi kita hahayaang makalakad nang hindi ko alam. '
Bumuntong hininga ako saka ipinagkrus ang braso sabay ang pagsalubong ng kilay ko. "Come in please." Anang Earl sa waiter , "here's your order , Sir. Can I get you anything more?" Tanong ng waiter saka iniayos ang mga pagkaing in-order nya.
"No that's all , thank you Klen." Agad namang tumango ang waiter at bumigay galang sa amin at saka sya lumabas at isinara ang pinto. "Eat up." Nagsimula na kaming kumain at magpatuloy sa usapin. "Sarah?" Tawag pansin ni Earl kay Sarah na diretsong nakatingin sa Diamond fruitcake nya. "Mm?" She just hummed.
Napailing ako sa isip ko dahil sa ugali nya.
' Talagang walang galang. '
Lumingon muna sa akin si Earl bago bumalik ang tingin kay Sarah na nagsimula ng kumain. "Are you sure?" Alam kong tinutukoy ni Earl ang tungkol sa planong pagpapanggap na isang parte ng JM. Napahinto ako sa pagkain at si Earl ay patuloy na kinakain ang dessert nya habang nakatuon kay Sarah ang atensyon. Natigilan naman si Sarah at blangko ang matang tumingin kay Earl at hindi agad kumibo, bumuntong hininga sya saka pekeng ngumiti.
"Oo" tipid na aniya at muling nagpatuloy sa pagkain. Agad namang lumingon sakin si Earl at agad akong lihim na bumuntong hininga.
' Kung ganun. Hindi kita hahayaang lumayas ng mag isa. '
"Sasamahan---"
"Huwag na Earl. Hayaan mo sya." Pigil ko kay Earl at agad namang nag alala ang mga mata nyang nakatingin sa akin at agad na natigilan si Sarah sa pagkakain ngunit hindi sya kumibo o kumilos. At binigyan ko si Earl ng makahulugang tingin at agad syang tumikhim. "Sige." Agad na naisagot ni Earl.
Ilang minutong pagkain ay natapos din kami at pinauna ko na si Sarah sa baba at nag usap muna kami ni Earl.
"Mag iingat kayo. Huwag mo hayaang may mapahamak sa inyong dalawa Yvann." Tinapik nya pa ako sa balikat at agad sumeryuso. "Sige. Ikaw din" tumango nalang sya at saka ako nagpaalam sa kanya at agad na umalis at pagkababa ko at pag labas ay nakita ko syang nakasandal sa motorbike at nakapandikwatro ang paa at nakakrus ang kamay , nakapikit ang mga mata at naka headset.
"Andyan ka na pala." Biglang usal nya pero nanatiling nakapikit sya , lihim akong napangiti sa lakas ng kutob nyang malamang nasa harap nya na ako kahit hindi nya ako tingnan.
Idinilat nya ang mata at agad na tumikhim , tinapon sa akin ang helmet at sinalo ko naman at lalo akong nagpipigil ng ngiti dahil sa mukha nyang gustong gusto ng matulog. Sumakay sya at sumakay nalang din ako sa likod at agad nyang pinaandar ang motorbike kahit hindi pa ako tuluyang nakaupo.
' Damn it! '
Nang ti-trip na sya. Ayoko non. "Tss. Ang chick mo" agad ko syang nginiwian at agad naman nyang tinahak ang daan pauwi at napakabilis nyang mag drive. Mabilis na mabilis.
Ilang minuto lang ay narating na agad namin ang mansion , "Yvann." Agad na salubong ni Tito kaya agad na bumaba ako at inalalayan ko pang makababa si Sarah kahit tatanggihan nya na naman ako. Nang tuluyan na kaming makalapit sa kanya ay agad kaming sumunod na pumasok sa elevator papuntang salas.
Nagtungo kami sa opisina ni tito at naupo sa sofa. Naupo na din si Tito sa swivel chair nya. "How's your trip?" Tanong niya at agad namang nangunot ang noo ko. "Great." Tipid na sagot ko. "That's nice to hear. By the way , Sarah you'll be fighting with someone tomorrow and that's final , kase hindi natuloy noon. Yung sinabi ni Yvann sayo. Sya Yun" agad na tumikhim si Sarah , "Kung sinasabi nyo Ito dahil sa kailangan kong mag ensayo ay hindi na kailangan Mr. Ceñez salamat." Bumuntong hininga ako at isinandal ang likod ko sa sofa at pinagkrus ang kamay ko.
YOU ARE READING
𝙁𝙖𝙠𝙚 • 𝙟.𝙟𝙠 × 𝙡𝙡.𝙢 • (𝘾𝙊𝙈𝙋𝙇𝙀𝙏𝙀𝘿)
Fanfiction"𝘚𝘩𝘦 𝘸𝘢𝘴 𝘱𝘰𝘸𝘦𝘳𝘧𝘶𝘭 𝘯𝘰𝘵 𝘣𝘦𝘤𝘢𝘶𝘴𝘦 𝘴𝘩𝘦 𝘸𝘢𝘴𝘯'𝘵 𝘴𝘤𝘢𝘳𝘦𝘥 𝘣𝘶𝘵 𝘣𝘦𝘤𝘢𝘶𝘴𝘦 𝘴𝘩𝘦 𝘸𝘦𝘯𝘵 𝘰𝘯 𝘴𝘰 𝘴𝘵𝘳𝘰𝘯𝘨𝘭𝘺, 𝘥𝘦𝘴𝘱𝘪𝘵𝘦 𝘵𝘩𝘦 𝘧𝘦𝘢𝘳." ©𝘈𝘭𝘭𝘪𝘳𝘢𝘎𝘪𝘳𝘭 2018