•YVANN•
Ilang segundong katahimikan ay nakatingin na ako sa langit at dahan dahang bumaba ang tingin ko sa kanya na may pumatak ng luha galing sa mata nyang nakamulat lang hanggang sa mapupula nyang pisngi.
Ngumiti naman sa pero blangko akong nakatingin sa kanya pero nasasaktan din ako sa loob loob ko at sa mga pinagdaraanan nya.
"Mabuti ka p-pa.." nakatingin na sya sa mga kamay nya at pinaglalaruan ang daliri. "Hindi ka katulad sa k-kanila." Agad nyang pinahiran ang luha nya at agad namang nag blangko ang mukha nya.
Umalis sya sa pagkaupo sa semento at naiwan akong nakatunganga sa langit.
' Ano bang ibig mong sabihin hindi ako katulad sa kanila? '
Binalewala ko na muna iyon nang matapos ang isang minutong pag iisip ko. Lumingon ako sa kanya at nakasandal sya sa motor.
Astigin ang itsura nya at nakapikit sya. Hindi ko alam pero bakit ang sarap mong titigan lalo na't nakangiti ka.
"Huwag mo kong titigan" usal nya bago iminulat ang mata. Umiyak sya kanina , oo pero hindi iyon halata sa mukha nya at mata. Ang nakikita ko lang ang lungkot pero tiniis nyang taguin iyon.
Napakrus ang kamay nya at diretsong tumingin sa akin. "Saan ba tayo pupunta?" Tanong nya. "Dito." Tipid na sabi ko at luminga linga naman sya. Hanggang sa natigilan ang ulo nya sa taas kung saan naroon ang zipline na kung saan napuntahan ko na din noon at iba pang mga aktibididad sa palibot ng mapupunong lugar na 'to.
"Tara." Yaya ko at saka ako nagapaumunang naglakad papunta sa taas ng medyo mapunong parte ng gubat na 'to.
Sa kalagitnaan ng paglalakad namin ay medyo dumidilim ang mga ulap kaya ano mang oras ay maaaring umulan at mababasa talaga kami.
Nang malapit na kami ay nilingon ko ang likod ko at medyo malayo layo pa si Sarah sa akin kaya napasandal ako sa puno at diretsong tinignan sya ng palihim habang ipinasok ang dalawang kamay ko sa bulsa ng jeans ko.
Napalinga linga pa sya sa paligid halatang namamangha at mas lalo lang ako napatitig sa mukha nya nang marinig ko ang huni ng ibong lumalapit ang dalawa sa kanya at pumatong sa balikat nya ang isa at doon sya napangiti.
Nagpatuloy na naghuhuni ang ibon sa balikat nya habang dahan dahan syang naglalakad sa mabatong parte.
Palagi lang kitang nakitang nakabusangot , walang ka emo-emosyong mukha , palaging sumasabak sa labanan , lagi kitang nakikita sa loob ng hall ng gangsters.
Tumatambay ka at kung sino mang lumalapit sa'yo ay lagi mong pinandilitan ng mata. At naninibago ako sa Sarah na nakikita ko ngayon.
Mas gugustuhin kong ganito nalang sya lagi , pero hindi din 'to magtatagal.
Lumapit ako sa kanya para alalayan syang makalakad sa mga mababatong parte.
Nang tuluyan na kaming makarating sa pinakataas at nakahanda na ang zipline. Pinauna ko syang pasakayin nang masuot nya lahat ng mga safety gears sa katawan nya. Nakangiti sya ng tipid nang ayusin ko ang belt nya.
Nginitian ko sya pabalik nang ituon nya ang paningin sa harap. Umupo ako sa upuan at inayos ang seatbelt roon. Nauna si Sarah at medyo malayo layo din pababa kasi mataas ang inakyat namin kaya alam kong ma-e-enjoy nya ito at lalo na sa tanawing nakakabawi ng tingin.
Dinig ko ang pagsigaw nya halatang masaya sya. Kaya hindi ko maiwasang hindi mapangiti. Sumunod na ako sa kanya at na enjoy ko iyon dahil sa dagat at mapupunong lugar na ito kaya naman nang makarating ako sa pinakababa ay nakaayos na ang helmet sa ulo nya at bahid sa mukha nya ang excitement kaya naman isinuot ko ang helmet at lumapit sa kanya.
YOU ARE READING
𝙁𝙖𝙠𝙚 • 𝙟.𝙟𝙠 × 𝙡𝙡.𝙢 • (𝘾𝙊𝙈𝙋𝙇𝙀𝙏𝙀𝘿)
أدب الهواة"𝘚𝘩𝘦 𝘸𝘢𝘴 𝘱𝘰𝘸𝘦𝘳𝘧𝘶𝘭 𝘯𝘰𝘵 𝘣𝘦𝘤𝘢𝘶𝘴𝘦 𝘴𝘩𝘦 𝘸𝘢𝘴𝘯'𝘵 𝘴𝘤𝘢𝘳𝘦𝘥 𝘣𝘶𝘵 𝘣𝘦𝘤𝘢𝘶𝘴𝘦 𝘴𝘩𝘦 𝘸𝘦𝘯𝘵 𝘰𝘯 𝘴𝘰 𝘴𝘵𝘳𝘰𝘯𝘨𝘭𝘺, 𝘥𝘦𝘴𝘱𝘪𝘵𝘦 𝘵𝘩𝘦 𝘧𝘦𝘢𝘳." ©𝘈𝘭𝘭𝘪𝘳𝘢𝘎𝘪𝘳𝘭 2018