•SARAH•
Di ko na alam ilang oras akong nakatunganga sa labas, kakaisip ng kung ano ano.
"Sarah." Tawag sa'kin ng pamilyar na boses. Di ko sya nilingon at naupo sa sya sa tabi ko, "I've checked the cameras, tsaka may kailangan kang makilala. Arciela is having a grand reunion ahead this coming Saturday, sasama ka ba?" Anang tita Savannah. I sighed, "pag-iisipan ko tita, tsaka sinong kailangan kong makilala?" Tanong ko, nakatuon ang atensyon sa labas ng bahay.
Wala rito si Matteo, may kung ano itong inaasikaso ngayon kaya't madaming oras din na di ako nakakapagtrabaho. "Just check the clips na dinownload ko para makita mo kung sinong nagmamanman sayo last Friday." Aniya saka tumayo, "luluto muna ako ng makakain natin at bumaba ka nalang pag gusto mo na kumain o may kailangan ka." Tumango ako bilang tugon, "salamat" tipid kong sabi saka umalis si tita at naiwan na naman akong mag-isa.
Tiningala ko ang langit na nagdidilim na.
' I miss you, Bun. '
Biglang pumasok sa isip ko si Yvann, kumusta na kaya yun? Alam nya kayang narito ako ngayon at naghahanap sa kuya ko? I guess.
Natuon ang atensyon ko nang biglang nagring ang cellphone ko kaya sinagot ko yun at tinapat sa tainga ko.
"Hello?" Bumilis ang kabog ng dibdib ko, "Sino ka ba at nagsesend ka ng messages sa'kin?" I miss his voice. Di ako kumibo at hinayaan syang mag salita. "Hello! What the fuck." Pagalit na aniya, bahagya akong napangiti. Still such a red head. "Whoever you are please introduce yourself. I'll end this call now." Tinignan ko ang screen ng cellphone nya ng ilang segundo pero di nya parin binababa ang tawag.
"Sarah?" May biglang kumatok sa pinto kaya't tinignan ko iyon saka agad na binaba ang tawag at pinower off ang cellphone ko, tumungo ako sa pinto at binuksan iyon. Si Matteo ang bumungad sakin may inabot itong sandamakmak na paper bags. "Para san to?" Kunot-noong tanong ko rito, "I don't even fucking know Sarah. May nagbigay nyan sa'kin Sabi ipabigay daw sayo." His face was serious while speaking.
Pumasok sya sa kwarto ko at nilagay ang mga paperbags sa kama ko at muling bumalik sa pagtayo sa pinto, "whoever he is, I think he's your admirer or something." Tinaasan ko sya ng kilay, "at kelan pako nakipag kita sa mga lalaki lalo't wala nga akong ideya sa kung sinong nagbigay nyan." Turo ko sa paper bags.
He shrugged, "kung gusto mo alamin sino yun. Here" may inabot syang papel, "I could take you there if you want. But I know you for a short period of time." Aniya, I just sighed. Kinuha ko ang inabot nyang papel at tinignan yon.
Ridon Village, Ursalin st. Blk 21 lot 6.
Nilagay ko yun sa bedside table at naupo, nilingon ko ang mga paperbags saka tinignan kung anong nilalaman niyon.
"Clothes? Books? F-food? C-chukie?" Napapikit-dilat ako nang may maalala, walang kahit sinong nakakaalam ng paborito ko ang inoming chuckie. Patago akong umiinom.
Napangiti ako dahil ilang buwan na din ako hindi nakakainom nito dahil sa madami akong ginagawa. Kinuha ko ang paperbag na may lamang pagkain, may stick-o din doon, I sighed. Dala-dala ko ang paperbag palabas sa kwarto ko at pumunta sa kusina, sumalubong sa'kin si Kira na kausap si Tita Savannah na parang katatapos lang magluto.
"Hey Sarah" bati nito sa'kin at nginitian ko nalang sya, so alam nya na totoong pangalan ko? Hmm, "di nako magtataka tita." I chuckled, "I'm sorry, dear. Di ko naman nisasadya ih." Tita said pouting like a kid.
"How are you?" Aniya at lumapit sa'kin habang kumakain ng brownies. Umupo ako sa counter at bumuntong-hininga. "I've been good." Nilingon ko sya, "how 'bout you?" Ngumiwi sya at bahagyang lumingon sa daan papuntang sala at sa sulok kung nasaan si Tita Savannah.
YOU ARE READING
𝙁𝙖𝙠𝙚 • 𝙟.𝙟𝙠 × 𝙡𝙡.𝙢 • (𝘾𝙊𝙈𝙋𝙇𝙀𝙏𝙀𝘿)
Fanfiction"𝘚𝘩𝘦 𝘸𝘢𝘴 𝘱𝘰𝘸𝘦𝘳𝘧𝘶𝘭 𝘯𝘰𝘵 𝘣𝘦𝘤𝘢𝘶𝘴𝘦 𝘴𝘩𝘦 𝘸𝘢𝘴𝘯'𝘵 𝘴𝘤𝘢𝘳𝘦𝘥 𝘣𝘶𝘵 𝘣𝘦𝘤𝘢𝘶𝘴𝘦 𝘴𝘩𝘦 𝘸𝘦𝘯𝘵 𝘰𝘯 𝘴𝘰 𝘴𝘵𝘳𝘰𝘯𝘨𝘭𝘺, 𝘥𝘦𝘴𝘱𝘪𝘵𝘦 𝘵𝘩𝘦 𝘧𝘦𝘢𝘳." ©𝘈𝘭𝘭𝘪𝘳𝘢𝘎𝘪𝘳𝘭 2018