•SARAH•
Agad akong bumangon dahil gising na ang diwa ko at may pumasok sa isip kong mag ensayo sa sariling paraan kaya naligo ako , Nagbihis , Kumain lang ng boiled egg uminom ng tubig at nagsipilyo at kinuha ko ang cellphone at headset ko mabuti at na charge ko Ito. Kumuha nalang din ako ng dalawang mineral water sa ref , kinuha ang sports geer bag ko at kinuha ang coat ko.
Lumabas ng mansion ng walang paalam at dahil sa balkonahe ako lumabas kaya naging mahirap sakin ang bumaba kasi nasa ikatlong palapag lang naman ang kwartong ito.Pero hinulog ko ang bag ko sa mga mahalamang banda para wala akong nagising sa ingay. Sumunod akong bumaba at mabuti ay abot ko ang dingding sa mansion na to at doon ako tumalon at malapit lang naman akong ma-slide dahil ang nipis ng kataasan ng dingding pero agad akong bumaba para kunin ang bag ko at sinuot iyon at lumabas sa dingding ng mansion.
Tinignan ko ang relos ko at ang aga aga pa. 4:05 am. Kaya kumibit balikat ako at naglakad papalayo sa mansion at dahil may alam akong malapit na medyo mapuno at may dagat at bundok dito ay doon ako nagtungo.
Ramdam ko ang lamig lalo na at alas kwatro pa sa madaling araw , merong kakaunting mga sasakyan ang dumadaan , matahimik ang paligid habang nakapasok lang ang dalawang kamay ko sa coat ko. Nilingon ko ang langit at naroon parin ang buwan pero papalapit na din ang araw sa gawi kong pupuntahan Kaya ramdam kong na re-relax nang tingnan sa unahan ang nag o-orange at yellowish na mga ulap.
Napaisip nalang ako habang tinatahak ang daan patungo sa pupuntahan ko.
' Huwag sanang madagdagan ang poot sa dibdib ko ang mga sumusunod ko pang malalaman. '
' Ayoko nang magtanim pa ng galit sa puso ko pero may nagkukusang dapat ko lang iyon maramdaman. '
Nakatingala ako sa mga ulap kung saan bubukas na ang araw.
' Hindi ako handang paniwalaan ang susunod na malalaman ko pa.. Hindi ko alam anong magagawa ko, lalo na ngayong nag iisa ako. '
Ramdam ko ang pagsikip ng dibdib ko at pag iinit ng mata ko pero para akong baliw na pait na napangiti sa kung saan.
' Ayokong may madamay pa sa mga mangyare.. Gusto ko lang sarilihin kahit anong klaseng sakit pa ang datnan ko.. '
Napayuko ako at napahinto sa paglakad pero bumalik naman sa paglalakad nung malapit na pala ako doon pero nanatiling nakayuko ako habang patuloy na nag iisip ng kung ano.
' Psh. Ang sarap ng buhay. '
Ilang minuto pang paglalakad ay nakarating ako doon Kaya bumuntong hininga ako nang makaramdam ako ng malakas na simoy ng hangin.
Ipinikit ko ang mata ko at dinaramdam ko muna ang hangin hanggang sa imulat ko ang mata ko at may malakas na kutob na may nararamdaman may nagmamasid sa akin.
Nanatiling blangko ang mukha ko at nakatingin parin sa dagat at sa mga puno at kung ano pa. Umupo ako sa sementong bench na narito at patuloy na niraramdam ang paligid.
Nang maramdaman kong papalapit ito ay patuloy Kong niraramdam. Dining ko ang yapak ng paa nyang patungo sa direksyon ko. Tumayo ako at sabay ng pagtigil ng paglalakad nya.
"Good morning." Kilalang kilala ko na kung sino iyon.
Tahimik lang ako saka ako umupo pabalik sa bench at lumapit naman sya at umupo sa tabi ko. Hindi ko sya pinansin at nakatuon parin ang tingin ko sa dagat at sa I'm pang nagpapagaan ng pakiramdam ko.
' Buhay ang puso at isip ko.. buhay ang ibang parte ng katawan ko pero.. Parang patay na patay na ang kaluluwa ko at susunod na doon ang katawan ko kapag sa isang kwentong hindi ko alam tungkol sa sarili ko ay malaman ko. '
YOU ARE READING
𝙁𝙖𝙠𝙚 • 𝙟.𝙟𝙠 × 𝙡𝙡.𝙢 • (𝘾𝙊𝙈𝙋𝙇𝙀𝙏𝙀𝘿)
Fanfiction"𝘚𝘩𝘦 𝘸𝘢𝘴 𝘱𝘰𝘸𝘦𝘳𝘧𝘶𝘭 𝘯𝘰𝘵 𝘣𝘦𝘤𝘢𝘶𝘴𝘦 𝘴𝘩𝘦 𝘸𝘢𝘴𝘯'𝘵 𝘴𝘤𝘢𝘳𝘦𝘥 𝘣𝘶𝘵 𝘣𝘦𝘤𝘢𝘶𝘴𝘦 𝘴𝘩𝘦 𝘸𝘦𝘯𝘵 𝘰𝘯 𝘴𝘰 𝘴𝘵𝘳𝘰𝘯𝘨𝘭𝘺, 𝘥𝘦𝘴𝘱𝘪𝘵𝘦 𝘵𝘩𝘦 𝘧𝘦𝘢𝘳." ©𝘈𝘭𝘭𝘪𝘳𝘢𝘎𝘪𝘳𝘭 2018