•SARAH•
Tinabingi ko ang ulo ko sa lalaking hawak-hawak ko ngayon , hinigpitan ko ang pag-ipit sa kanya at apak-apak ko ang dalawang paa nya at nakaluhod sya ngayon , nakadiin sa leeg nya ang hawak kong silencer.
"Bitawan mo sya."
"Bitawan mo muna sya." Aniya , I smirked when I saw how she gulped.
"Ilang tama na ang natamo nitong kasama mo at hindi mo pa nga nagagalaw ang emperor , pero sabagay.. Galawin mo ang emperor tuluyan ko nang babawian ng buhay 'tong lalakeng 'to." Mas diniian ko ang baril sa leeg nito.
Nakita ko naman kung paanong nagdalawang-isip na siya. Hawak-hawak nya ang emperor na nakatali sa isang upuan at nakatakip ang bibig ng duck tape.
Walang ekspresyon ko sya tinignan , ang sama ng tingin nya sa akin. "Zoey. Gumagalaw ang oras , wag mong sayangin ang oras ko." Binaba ko ang silencer at susugod na sana si Zoey sa 'kin at tatayo na sana si Jim nang paputukan ko ang tuhod ni Zoey.
Napadapa naman ito at natigilan pa , binitawan ko si Jim at hinayaang magkanda sigaw sa ngalan ni Zoey na ngayon ay nagtitiis ng sakit. "Banggain nyo muna ako , bago kayo makibangga sa iba." Kinuha ko ang pocket knife sa bulsa ko ang pinutol ang lubid na nakatali sa kamay at paa ng Emperor , tinanggal nya na din ang duck tape sa bibig nito.
"TARANTADO!" Humugot si Jim ng baril nya at biglang iniwan si Zoey at humarap sa aking ang bilis ng hinga nya at parang umuusok na nga ang ilong at tenga nya.
Nanatili ako sa kinatatayuan ko , tingnan natin kung kaya nya. Pero alam ko namang kaya nya.
' ano bang pinag-iisip ko!? '
"Iputok mo." Mahina pero rinig nyang sabi ko , "Sarah." Rinig kong tawag ng Emperor pero hindi ko sya pinansin. "Umalis ka na ho." Sabi ko habang nakatingin parin kay Jim na ngayon ay nanginginig na ang kamay kung nasaan ang baril nito.
"Hindi kita iiwan dito." Anang emperor , "iputok mo Jim" Sabi ko pero napapikit ito at ang bilis pa din ng paghinga nya , "J-Jim.." rinig kong tawag ni Zoey at nakita kong namumutla na ito kahit naka sideview ko lang nakita ang mukha niya.
' aray... May kumirot sa loob-looban ko't nakita ko sya sa ganyang sitwasyon. '
Naalis na sa amin ang atensyon ni Jim at saka na ako hinila ng Emperor palabas ng apartment KO. OO SA LUMANG BAHAY KO LANG NAMAN.
' weird.. Ano ba 'tong nararamdaman ko? '
Sumakay ako at medyo weird pero sumakay na din ang emperor sa likod ko , at binigay ko na din sa kanya ang helmet at saka ako nagdrive patungo sa mansion ng Ceñez.
Pagkarating at pagkarating ko doon ay bumaba agad ang emperor at lumabas naman si Yviee sa mansion at niyakap ang tatay.
Biglang humagulgol si Yviee kaya saka na nalamang umiiyak na ito. "A-akala ko a-ano na a-ang mangyayari s-sainyo.." utal-utal niyang sabi at pinupunasan naman ng tatay ang luha ni Yviee.
Nung pumasok na kami saka na sila sumalubong at hindi na nakakapagtaka kung naabutan agad ni dad ang nangyare dahil nandito si Hans sa labas ng mansion nakabantay at may dala itong 15 na guwardya ni dad at dagdagan mo pa ng 20 na guwardya ng Ceñez.
Pumunta agad akong kusina at nakaramdam ako ng hapdi sa kanang bahagi ng tiyan ko at uminom na muna ako ng tubig at saka tinignan ang malaking sugat doon.
' Si Jim lang naman ang tumusok at ang sakit parang ramdam ko pa tuloy yung kutsilyo. '
"Sinong may gawa nyan?" Agad ko narinig ang boses nya , pagtingin ko sakanya walang ekspresyon ang mukha nya pero galit naman ang mga mata nya. "Wala---"
YOU ARE READING
𝙁𝙖𝙠𝙚 • 𝙟.𝙟𝙠 × 𝙡𝙡.𝙢 • (𝘾𝙊𝙈𝙋𝙇𝙀𝙏𝙀𝘿)
Fanfiction"𝘚𝘩𝘦 𝘸𝘢𝘴 𝘱𝘰𝘸𝘦𝘳𝘧𝘶𝘭 𝘯𝘰𝘵 𝘣𝘦𝘤𝘢𝘶𝘴𝘦 𝘴𝘩𝘦 𝘸𝘢𝘴𝘯'𝘵 𝘴𝘤𝘢𝘳𝘦𝘥 𝘣𝘶𝘵 𝘣𝘦𝘤𝘢𝘶𝘴𝘦 𝘴𝘩𝘦 𝘸𝘦𝘯𝘵 𝘰𝘯 𝘴𝘰 𝘴𝘵𝘳𝘰𝘯𝘨𝘭𝘺, 𝘥𝘦𝘴𝘱𝘪𝘵𝘦 𝘵𝘩𝘦 𝘧𝘦𝘢𝘳." ©𝘈𝘭𝘭𝘪𝘳𝘢𝘎𝘪𝘳𝘭 2018