•Chapter 59•

63 2 1
                                    

•MICAELLAH•

Napatingin ako sa salamin at inayos ang buhok ko, today is the day.

"Mimi" tawag ni Zyril kaya nilingon ko ang pinto at naroon sya nakatingin sakin na nakangisi, "Tara?" Tumango ako at nauna syang lumabas at kinuha ko na ang shoulder bag na may lamang mga damit.

"This mission will be a success." Salubong ni Jullian, "papunta na dito si Zoey, may inasikaso lang daw saglit." Tumango kami at hinintay nalang si Zoey.

-----

30 minutes ang lumipas nang makarinig kami ng busina, nagsitayuan na kami at dumiretso palabas ng apartment. Ni-lock ko na ang bahay at ibinulsa ang susi, nauna na ang dalawa sa sasakyan at hulihan akong sumakay sa tabi ni Zoey na nagda-drive.

"I heard Yvann and the dudes are searching for Sarah." Anang Jullian, nakatingin lang ako sa labas ewan ko ba parang lutang ako sa ngayon.

"A month and 17 days of Sarah's absence is disturbing." Sabat ni Zoey. "Yeah. Ang daming nawawala." Si Zyril naman, tahimik lang akong nakikinig sa kanila at napapikit na muna.

Nang makarating kami sa airport, lumabas kami isa-isa at nagtaka naman ako kung sinong uuwi ng sasakyan ni Zoey. "Si Eric na bahala sa sasakyan ko." Parang nabasa nya ang iniisip ko dun.

"Jim is in Manila." Jullian sighed, "pero kailangan nating mag-ingat. Maaaring may iba pa syang kasama doon at kung maaari ay huwag muna natin tuldokan ang buhay nya. May kailangan pa syang ipagtapat sainyo, sa atin." Anang Zoey.

Natahimik na kami nang tuluyan na kaming makapasok sa eroplano, katabi kong umupo si Zoey habang magkatabi naman sa likod sina Zyril at Jullian.

Umidlip na muna ako hanggang sa nag take-off na ang eroplano.

-----

Nagising nalang ako nang makaramdam ako ng kiliti sa tyan ko, pababa na pala kami nilingon ko sina Zyril at Jullian na nasa likod nakatingin sa bintana.

"Let's do this." Bulong ni Jullian.

' Let this mission be a success. '

Nagsilabasan na ang mga tao at nauna samin tatlo si Zoey, "welcome to Manila." Hindi ko na pinansin ang flight attendant at dumiretso palabas. "We're staying at my place." Tumango ako, sinabihan na kami ni Zoey nung mag plano kami kung saan kami mananatili sa mga araw na dadaan.

I sighed nang makaramdam ng kirot sa puson ko, fuck this! Why now!? Nilingon ko sina Jull at Zyril. "May extra kayong dala?" Bulong ko habang patuloy na naglalakad, tumango naman si Zyril kaya gumaan ang loob ko dahil dun.

"Zoey let's stop by sa rest room." Anang Jullian at tumango nalang si Zoey at nang tuluyan nga kaming makapasok ay agad hinanap ng mata ko ang rest room nila at agad naman nahagip ng mata ko ang sign ng rest room ng babae.

Nauna akong pumunta doon at sumunod naman silang tatlo. Pumasok na ako at nakiramdam muna kahit ramdam kong sakit na sakit na ang puson ko.

Pakiramdam ko naman na walang tao kaya dali-dali akong pumasok sa isang cubicle at tinignan at tamang meron nga. "Mimi?" Rinig kong boses ni Zyril, "hm?" I just hummed.

"Here." Inabot nito galing sa baba ang pads kaya kinuha ko yun at sinuot.

Nang matapos ko na yung suotin agad na kong lumabas at hinarap silang abala sa cellphone si Jullian, "Tara na. Someone's waiting." Anang Zoey kaya nakakapagtakang nilingon ko ang dalawa na mukhang wala ding kaalam-alam.

Tuluyan din kaming nakaalis sa airport at dumiretso sa kung saan namamalagi si Zoey. Medyo lutang ako magdamag sa biyahe dahil madaming pumapasok sa isip ko. Mas lalong naiisip ko ang maaaring nangyari sa misyon na 'to.

𝙁𝙖𝙠𝙚 • 𝙟.𝙟𝙠 × 𝙡𝙡.𝙢 • (𝘾𝙊𝙈𝙋𝙇𝙀𝙏𝙀𝘿) Where stories live. Discover now