•Chapter 41•

37 4 0
                                    

ZOEY

"It's her graduation." Anang Jim , Tumango lang ako. "Hmmm , nananahimik na ata tayo ah? May plano ka ba mamaya Z?" Si Eric.

Hindi ko sya sinagot pero oo , meron nga...

I smirked not knowing it , "that smirk means yes for sure." Anang Jim , tinignan ko naman sila , uminom na muna ako ng kape saka naisipang maligo na muna at isagawa ang mga plano ko ngayong araw.

"Get ready.. Ihanda ang lahat pagkatapos kong maligo Jim." Utos ko at umalis na sa hapag-kainan at nagtungo sa kwarto ko.
' this day is exciting I should say. '
Naligo na ako at nag-ayos , nang matapos ay nagtungo ako sa arena at naroon na silang lahat , tinipon ko muna si Jim at Eric , kaming tatlo muna ang nag usap sa magiging plano ko at sumunod naman sila.

"It's payback time.." anang Jim at nagsimula ng pagsabihan ang mga tauhan nito sa mga dapat na gawin at ganun na din si Eric.

Welp. Ilang araw din kaming nanahimik ah? Not having any updates about them.

' Yviee... Yvie... Yvie... '

Napapailing pa ako sa isip ko nang maisip ko ang mangyayari mamaya , wala eh advance akong mag-isip.

Naghanda na din ako , suot ko na ang earpiece ko at umalis na ako doon sama ng mga gamit na kailangan ko.

Hmm.. Ang alam ko'y 10 mag uumpisa ang program kaya minabuti ko munang magmanman sa mansyon nila.

Bumaba ako sa hindi kalaayuang gate ng mansyon na 'to , Ang dami lang namang nakapalibot na guwardya ng Ceñez sa labas.

Bigla namang nag ring ang cellphone ko at nakita kung sino ito , sinagot ko naman habang nakatingin pa din sa paligid-ligid.

"Oh? May binabalak ka na naman daw?" Bungad nito , "hell yeah." Mahinang sagot ko , "hmm.. That's good , hindi pa din nila binabalik ang mga tauhan ko. May I join the game?" Napangisi naman ako.

"Felizco , do what you want as long as hindi papalpak. Mahirap na kung ganun." Nanlaki ang mata ko nang makitang patungo na ang ilan sa mga guwardya sa kinatataguan ko kaya hindi ko na hinintay ang sagot nito at pinatay ang tawag saka dahan-dahan per nagmamadaling umalis doon para hindi halatang doon ako galing pumasok ako sa sasakyan ko saka nagtungo na muna sa tinitirahan ni Felizco sa ngayon.

' Badtrip. '

Napapailing ako , "Zoey.. Asaan ka ngayon?" I heard Jim's voice in the earpiece. Pinindot ko ang button ng earpiece saka nagsalita , "on the way she bahay ni Felizco , bakit?" Nakatuon ang tingin ko sa daan at mabuting hindi traffic ngayon at medyo malayo layo din ang tinitirahan ng lalaking yun.

•°•°•°•°•°

Nang makarating ako ay nagdoorbell agad ako saka pinapasok naman agad ako ng tauhan nya dahil nakilala din naman ako agad.

Dumiretso ako sa opisina nito at nandoon ang dalawang bantay nito sa labas at kumatok lang ako. "Code name!" Sigaw nito galing sa loob , "ZJ Mafia" sagot ko at bumukas naman yung pinto at ayun sya sa upuan nya at nakatalikod pa ang swivel chair nya sakin.

"Pfft. Humarap kang gunggong." Pinagkrus ko naman ang kamay ko at naupo sa sofa na nasa harap lang ng table nya.

Humarap naman sya and surely nainis ko sya base sa kilay nitong nakasalubong , I rolled my eyes. Ang bilis nya naman ata maubusan ng pasensya. Sabagay stressed na yan sa mga alaga nya lalo na at baka mapahamak pa sya sa pagsasabihan ng mga halipurot nyang tauhan.

𝙁𝙖𝙠𝙚 • 𝙟.𝙟𝙠 × 𝙡𝙡.𝙢 • (𝘾𝙊𝙈𝙋𝙇𝙀𝙏𝙀𝘿) Where stories live. Discover now