•SARAH•
Nang makalabas ako sa opisina ni tito ay dumiretso ako sa kwarto ko at biglang nag ring ang cellphone ko na nasa bulsa ko na ikinatigil ko.
Nakita kong si Daniela ito at sinagot ko naman. "H-Hello?" Dinig ko ang kabadong boses nya at hindi na ako nagtataka doon. "Napatawag ka?" Tanong ko at pumasok sa kwarto nang nakakunot ang noo."A-Ahh , hindi b-ba kita n-naaabala?" Utal utal na tanong nya , "Hindi. Baket may kailangan ka?" Malamig kong tanong. "Nais k-ko lang s-sanang mangumusta." Napataas ang kilay ko sa nadinig na pagkakarat ng boses nya. "Ayos lang naman." Hindi ko na inabalang kumustahin sya at umupo na ako ng kama. " A-Ahh , sige s-sa susunod n-na lang ulit." Kahit na-weirduhan ay pinatay ko agad ang tawag at nagbihis ng damit upang makalabas ako , nang matapos ay agad na lumabas ako at tamang tamang paglabas ko ay lumabas din si Yviee s kwarto ni Yvann na may dala dalang tray ng ubos na na pagkain.
"Nasaan ang kuya mo?" Tanong ko at bigla syang nakakalokong ngumiti na ikinagulat ko at agad namang ilang na nginitian syang pabalik. Kumibit balikat sya "biglang nag walk-out tinanong ko lang na may pagtingin ba sya sa'yo." At tapos nyang sabihin iyon ay nauna nang bumaba at hindi agad iyo pumproseso sa isip ko ngunit wala sa sariling napailing na nakangiti dahil sa inasal nya.
' Tangina mo '
Napangiti ako sa naisip saka dali daling bumaba at naplanuhang pumunta sa mall o kung saan may mabibilhan ng tanginang napkin dahil ramdam kong kumikiot ang puson ko sa dumadaang araw at dahil wala akong napkin na dala noong panahong nasa Pilipinas pa dahil akala ko madali lang kami dito pero hindi pala.
Sumakay nalang ako ng taxi at nagtungo sa isang convenience store malapit sa park. Pumasok ako at agad naghanap ng napkin , "ayun." Mahinang sabi ko nang makita ko ang section ng napkin at kumuha ako ng tatlong pack ng napkin at tutungo na sana ako sa cashier nang huminto ako at binasa ang content ng napkin at wala pala iyong wings at sa hindi inaasahan ay may nakabangga sa akin. At syempre hindi ako ang natumba pero nahulog ang isa sa pack ng napkin na hawak ko.
"Shit I'm so Sorry." Naka cap sya mataas ang buhok , naka-sweater na gray at babae , kinuha nya ang pack ng napkin at ibinalik sa akin at hindi na ako nag abalang magpasalamat at nginitian nalang sya.
Nginitian nya ako pabalik. "My apologies again miss." Nag-bow sya at umalis na at iniwan ako at saka na ako pumunta ng cashier at pinabayaran ang napkins at nilingon ko ang babae kanina at naroon sya sa section ng pagkain at agad akong lumabas matapos mabayaran at nagtungo na muna ako ng park at nakita kong may swing doon.
' Na saan ka na naman ba nagsuot Yvann? '
Wala sa sariling napangiti ako sa isiping iyon at saka bumaba sa swing at ipinasok muna ang cellophane kung saan nandoon ang napkin sa loob ng bag ko at saka nagtungo sa bermuda at sumandal malapit sa malaking puno at Ito ang pinakasulok na parte ng park kaya tahimik at wala masyadong tao.
Napapikit ako sa mata at dinamdam ang hangin , breathed in and out. "Hi there!" Dinig kong boses ng isang pamilyar na babae pero hindi ako dumilat.
Nanatiling tahimik at walang kahit anong galaw kundi ang paghinga ang ginawa ko. Naramdaman kong tumabi sya sa akin at saka ko na idinilat ang mata ko at nilingon sya at tama nga ang hinala ko.
"Can we be friends?" Tanong kaya biglag ko nalang sya tinaasan ng kilay. "I'm not forcing you to be friends with me." Ngiting aniya.
"I'm Zyril by the way" iniabot nya pa sa akin ang kamay niya pero tinitigan ko lang iyon at tinanggap naman bago matapos ang ilang minuto. "What's your name?" Tanong nya pero Hindi ako sumagot subalit ipinikit ko ang mata at nag headset nang biglang mag ring ang cellphone ko ay nakita kong si Yvann ito , sinagot ko naman.
YOU ARE READING
𝙁𝙖𝙠𝙚 • 𝙟.𝙟𝙠 × 𝙡𝙡.𝙢 • (𝘾𝙊𝙈𝙋𝙇𝙀𝙏𝙀𝘿)
Fanfiction"𝘚𝘩𝘦 𝘸𝘢𝘴 𝘱𝘰𝘸𝘦𝘳𝘧𝘶𝘭 𝘯𝘰𝘵 𝘣𝘦𝘤𝘢𝘶𝘴𝘦 𝘴𝘩𝘦 𝘸𝘢𝘴𝘯'𝘵 𝘴𝘤𝘢𝘳𝘦𝘥 𝘣𝘶𝘵 𝘣𝘦𝘤𝘢𝘶𝘴𝘦 𝘴𝘩𝘦 𝘸𝘦𝘯𝘵 𝘰𝘯 𝘴𝘰 𝘴𝘵𝘳𝘰𝘯𝘨𝘭𝘺, 𝘥𝘦𝘴𝘱𝘪𝘵𝘦 𝘵𝘩𝘦 𝘧𝘦𝘢𝘳." ©𝘈𝘭𝘭𝘪𝘳𝘢𝘎𝘪𝘳𝘭 2018