•Chapter 5•

132 5 0
                                    

YVANN

Nagpahatid nalang ako kay kuya Ten patungong apartment ni Sarah para makitang mahimbing syang natutulog.

I smiled for I don't know what reason? Kasi nakapanlakad na sya o ang cute nya dahil nakalapat ang pisngi nya sa kama na mas nagpapa cute sa kanya pero what!?

What the fuck Yvann.

Hindi ko muna sya ginising at pumasok sa kwarto at hindi ako makatulog kasi kanina, nakatulog ako dahil pagod ako.

I hope when the day come. Kung kailan makikita niya ang ugat ng lahat ay matanggap niya parin.

I sighed, tumingin nalang ako sa tv hanggang sa mawalan ako ng gana at pumasok ulit sa kwarto at nag iidlip idlip sakaling makatulog pa ako at hindi naman ako nabigo dahil agad akong nilamon ng antok.

•°•°•°•°•°

Nagising ako at agad ikinamot ang mata, pumasok ako sa kwarto ni Sarah at makitang may kausap syang babae.

"S-sino sya?" Tanong nito habang nautal at blangko lang akong nakatingin ng diretso sa kanya. Hindi sumagot si Sarah at wala din akong planong magpakilala at napatingin nalang ako sa wristwatch at alas kwatro na sa madaling araw.

"Aalis na tayo." Mahina kong sabi at sumabay na doon ang lamig ng boses ko. Tinapunan ko ng tingin ang babae na ngayon ay nag iiwas ng tingin sa akin. Kinuha na ni Sarah ang maleta niya at ganun din ako.

Lumabas na kami ng apartment ng tahimik agad tinawag si kuya Ten, para sunduin kami papuntang airport. Agad naman itong sumagot at sinabi ko na ang address.

Ilang minuto lang at agad nakarating ito at naunang sumakay si Sarah at sumunod ako. Nang nagbabyahe at nakatuon ang atensyon ni Sarah sa labas na medyo madilim pa.

Nang makarating na kami ay agad naman kaming nakasakay sa Private airplane ni dad. Kaming dalawa lang ang narito at tahimik lang kami kasi parehong may nakataod na earphones sa tainga naming dalawa.

•°•°•° Time Skipped •°•°•°

Nakarating kami ng England nang maayos at blangko si Sarah na nakatingin sa paligid namin.

Malapit na kaming makarating sa mansion ni Tito and I know she'll feel home, since pinaghandaan ito ni dad.

•SARAH•

Nakatuon ang atensyon ko sa paligid at kanina pa kami ni Yvann hindi nag iimikan, wala akong plano makipag kwentuhan sa isang 'to.

Bakit kailangan dito pa? At isa pa. Kabisado ko na ang paglalaban kaya pakiramdam ko'y madali lang ito sa akin.

Napabuntong hininga ako bago ituon ang tingin ko kay Yvann na nasa labas ang mata.

Saan ba kami pupunta? May bahay sya dito? Kasi wala ako. Napatawa ako sa aking isipan sa iniisip.

Nang makapasok kami sa isang malaking brown na gate at pormal na pormal ang body guards parang secret agent na may earpiece sa tainga.

Mansion ito pero hindi lang ordinaryong mansyong katulad sa Tita ko kasi malaki ito, may pang 4th floor ata eh. Nang makalabas ako ay may naglahad pa sa akin ng kamay and it's Yvann.

Hindi ko iyon tinanggap at bumaba sa aking sarili at napatingin ito sa akin na humaba ang nguso at napakunot ang noo. Problema nito? May pa red carpet pa?

Ewan ko basta sinundan ko nalang sya at may naghihila na sa maleta ko at kay Yvann kaya wala na kaming problema sa maleta.

Tuluyan na kaming nakapasok sa mansion at agad nagsalubong ng parang mag asawa? Well yeah, I guess. "Tita, Tito. She's Sarah Mae Arciela." Bahagyang napalunok ang babae na nakatingin sa akin bago ako binigyan ng malapad na ngiti.

𝙁𝙖𝙠𝙚 • 𝙟.𝙟𝙠 × 𝙡𝙡.𝙢 • (𝘾𝙊𝙈𝙋𝙇𝙀𝙏𝙀𝘿) Where stories live. Discover now