•YVIENELLE•
Another day ended.
"Yvann?" Pumasok ako sa kwarto niya at naroon siya nakatalikod ng higa sa akin, "Kumain ka na oh." Nilapitan ko siya at nilagay sa bed side table ang tray na may pagkain.
"Ate.." Mahina nitong tawag sa akin kaya nilapitan ko siya ng tuluyan at naupo sa tabi niya, kinapa ko ang ulo niya at medyo bumaba na naman ang lagnat nito, "nasaan si D-dad?" Nauutal nitong tanong, nanghihina pa ngang talaga siya. "He's busy lately. Gusto mo tawagan ko?" Umiling naman ito at bumangon.
"Eat." Inabot ko sa kanya ang tray. "Thanks." Nagsimula na siyang kumain, "saan si Yviee?" Mahina pa din ang boses niya, napapaos. "Tulog pa, alam mo ba? Ang tagal niyang natulog kagabi." Nangunot ang noo nito at nagtatanong ang mukha kaya ako na mismo sumagot agad.
"Binabantayan ka, nakatulog pa nga sa sofa eh. Kung 'di ko lang naabutan." Nag-iwas sya ng tingin at patuloy na kumain, "I need to talk to her." Naging seryoso ito. ' siya na nga 'tong nagkasakit, iniisip pa din ang kapakanan ng iba. ' "okay, sasabihan ko siya." Umalis na muna ako doon at pumunta sa salas at naupo sa sofa.
Napapikit ako at naisandal ang ulo sa headrest, lately ang dami kong iniisip talagang nakakasakit ng ulo. Hinilot ko ang sentido nang bigla akong nakarinig ng yapak pero hindi pa din ako nagmulat. "Hija, ayos ka lang ba?" Rinig ko ang boses ni nanay Nita. Nagmulat na ako saka sya nginitian ng tipid, tumango ako at naupo naman siya sa tabi ko.
"Pasensya na anak, 'di na masyado kitang naaalagaan." Aniya sa malumanay na boses, I smiles softly and caressed her shoulder, "Ang pagsisilbi niyo noong bata pa ako ay sapat na nanay sobra-sobra pa nga eh noong dumating si Yvann at Yviee." I chuckled, she did too.
"Hija, desisyon ko namang mag tagal sainyo eh tsaka hindi na ako nakakapag kamusta man lang sa'yo ng pormal noong bumalik ka." My face painted into a sad smile, "Yeah, sorry doon nanay pero pwede naman ho tayong mag-usap eh, anytime alam ko po ayaw nyo lang akong maabala." She smiled.
"Oh sya, sa susunod na lamang tayo mag-uusap at baka pagod na pagod ka." Tumango ako, "kukuha lang ako ng makakain mo at gamot na rin, magpahinga ka muna sa kwarto mo." Tumango ako at umalis na doon, dumiretso sa kwarto at nahiga sa kama.
"Fuck. My head hurts." Hinilot ko ulit ang sentido at napapikit at tiniis na muna ang sakit niyon.
Naghintay ako kay nanay ng ilang minuto hanggang sa dumating na sya at pinakain ako, hindi nya ako iniwan hangga't di ko matapos ang kinakain. "Busog ka na ba?" Tanong niya, I just nodded in response. "Inumin mo 'to." Inabot nya sakin ang gamot at tubig na maaligamgam. "Salamat nanay." Tinanggap ko iyon at ininom.
"Mauna na muna ako at may gagawin pa ako, Hija." Tumango ako at tuluyan na umalis si nanay Nita at nag-idlip-idlip na.
-----
Nagising ako at tinignan kung anong oras na, 11:48 am. Bumangon na ako at di na nag-abalang magsuklay o manghilamos man lang nakaupo pa din ako sa kama at lutang na nakatingin sa tv screen sa harap ko.
Nakiramdam ako sa sarili ko kung masakit pa ba ang ulo ko pero mabuti naman at hindi kaya umalis na ako sa kama at lumabas na sa kwarto. Sumalubong sa akin si nanay Nita na naglilinis pala. "Oh mabuti at gising ka na anak. May naghahanap sayo sa salas." Nagtaka man ay tumango ako at nginitian si nanay bago umalis at bumaba papuntang salas.
Nang makita ko kung sino iyon ay 'di na ako nagtaka. "Maddy. What's up?" Tuluyan na akong nakababa at seryoso siyang nakatingin sa akin. "Sanford." Aniya, nangunot naman ang noo ko at sinenyasan siyang sundan ako at nagtungo kami sa kwarto ko at doon sa basement ko.
YOU ARE READING
𝙁𝙖𝙠𝙚 • 𝙟.𝙟𝙠 × 𝙡𝙡.𝙢 • (𝘾𝙊𝙈𝙋𝙇𝙀𝙏𝙀𝘿)
Fanfiction"𝘚𝘩𝘦 𝘸𝘢𝘴 𝘱𝘰𝘸𝘦𝘳𝘧𝘶𝘭 𝘯𝘰𝘵 𝘣𝘦𝘤𝘢𝘶𝘴𝘦 𝘴𝘩𝘦 𝘸𝘢𝘴𝘯'𝘵 𝘴𝘤𝘢𝘳𝘦𝘥 𝘣𝘶𝘵 𝘣𝘦𝘤𝘢𝘶𝘴𝘦 𝘴𝘩𝘦 𝘸𝘦𝘯𝘵 𝘰𝘯 𝘴𝘰 𝘴𝘵𝘳𝘰𝘯𝘨𝘭𝘺, 𝘥𝘦𝘴𝘱𝘪𝘵𝘦 𝘵𝘩𝘦 𝘧𝘦𝘢𝘳." ©𝘈𝘭𝘭𝘪𝘳𝘢𝘎𝘪𝘳𝘭 2018