•YVANN•
Wala akong kahit anong maintindihan sa sinabi ni Jullian , kanina pa ako isip ng isip sa posibleng sinabi ni Jullian.
' Anong abala siya sa isang bagay na si Sarah lang ang nakakaalam. '
Anong ibig sabihin non? Halos manakit na ang ulo ko kakaisip sa kung ano iyon. Bigla ay may kumatok sa pinto , "pasok." Sabi ko, bumukas iyon at kahit hindi ko pa man ibuka ang mga mata ko ay nakiramdam ako at batid kong si dad iyon.
"Dad." Habang sinasabi iyon ay bumuntong hininga ako. "What's with you son?" Dinig ko ang yapak ng paa nya palapit sa akin.
Idinilat ko na ang mga mata at nakatingala sa kisame. "I have something to ask." Sabi ko , nanatiling nakatingala sa kisame. "About Zoey. Sabi ni Jullian ay may pinag aabalahan siya sa isang bagay na si Sarah lang ang nakakaalam." Nilingon ko sya at kunot ang noo nya at nakatingin sa kung saan , "Wala akong alam dyan Jaze." Diretsahang sabi nya.
Bumuntong hininga ako at saka nag isip. Bumalot ang katahimikan sa buong sulok ng kwarto ko. "I'll get going. May gagawin pa ako." Sabi niya at lumabas.
Lumabas ako sa kwarto ko pero pupunta na sana ako sa guest room kung saan nandoon ang kwarto ni Sarah pero nakabukas iyon at saka palang ako dali-daling pumasok at nakita ko silang lahat doon at si Yviee na din.
Problemadong problemado ang mga mukha. "Yvann." Si Zyril , "saan si Sarah?" Halos mag init na ang ulo ko nang hindi agad sila nakasagot. "Control your temper , hindi din namin alam we tried to find her." Si Earl , "I searched for her GPS pero off Ang cellphone nya." Anang Rex.
Napakamot ako ng batok at saka lumabas sa kwartong yun at pumunta sa kwarto ko. Kinuha ko ng cellphone ko at tinawagan ang numero nya , baka sakaling i-on niya ang cellphone niya.
Pero nakatatlong tawag na ako pero out of coverage sya kaya halos matapon ko na ang cellphone pero bigla kong naisip kung saan maaaring pumunta sya.
"Huwag na muna natin syang abalahin Jaze." Si Greg na nasa pintuan na ng kwarto ko , "Paano mo nasisigurong ligtas sya ? Ha?" Hindi ko maitago ang inis.
Nilingon nya ako "si Sarah yun. Isipin mong mabuti." Bumuntong hininga ako.
' Sana ay tamang paniwalaan si Greg, at sana ay nasa mabuting kalagayan ka. '
•SARAH•
Nang makabalik ako sa kwarto ay dali-daling nagbihis at pi-nower off ang cellphone ko , at Hindi na ako nag abalang magdala ng baril.
Lihim na lumabas ako sa veranda at dahil walang guard na nakabantay sa backyard gate dito ay don ako lumabas , pumara ako ng taxi at sinabi ang address sa mansyon ng tita ko.
Nakatingin Lang ako sa labas ng bintana buong benteng minuto at saka nakarating sa mansion na lutang.
Hindi ko pinansin ang mga nambati at dumiretso sa opisina ni Tita. "Sarah." Gulat na sabi nya nang nanatili ako sa glass door sumandal sa pader at nakatingin lang sa kanya.
Agad na tumayo sya sa kinauupuan at lumapit sa akin. Pumasok ako at umupo , "*sighs* how have you been? ... All alone" halos marinig ko ang pagkabiak ng boses nya dahil naiiyak.
Kinagat ko ang labi at tumingin sa kung saan. "Eto , Tao paren. Saan si Daniela?" Walang ekspresyong sabi ko. "Nasa guest room. Mabuti naman at ayos ka lang." Ngiting aniya at tumango lang ako. "Mauna na ako , si Daniela ang kailangan ko." Ngumiti lang sya.
YOU ARE READING
𝙁𝙖𝙠𝙚 • 𝙟.𝙟𝙠 × 𝙡𝙡.𝙢 • (𝘾𝙊𝙈𝙋𝙇𝙀𝙏𝙀𝘿)
Fanfiction"𝘚𝘩𝘦 𝘸𝘢𝘴 𝘱𝘰𝘸𝘦𝘳𝘧𝘶𝘭 𝘯𝘰𝘵 𝘣𝘦𝘤𝘢𝘶𝘴𝘦 𝘴𝘩𝘦 𝘸𝘢𝘴𝘯'𝘵 𝘴𝘤𝘢𝘳𝘦𝘥 𝘣𝘶𝘵 𝘣𝘦𝘤𝘢𝘶𝘴𝘦 𝘴𝘩𝘦 𝘸𝘦𝘯𝘵 𝘰𝘯 𝘴𝘰 𝘴𝘵𝘳𝘰𝘯𝘨𝘭𝘺, 𝘥𝘦𝘴𝘱𝘪𝘵𝘦 𝘵𝘩𝘦 𝘧𝘦𝘢𝘳." ©𝘈𝘭𝘭𝘪𝘳𝘢𝘎𝘪𝘳𝘭 2018