•SARAH•
Nakatulala lang ako sa mahimbing na mukha ni Daniela na natutulog.
Naaawa ako sa kanya, pero hindi dapat ako nagpapadala sa isip at puso kong naaawa.
Dahan dahang nagmulat siya at dumapo ang tingin sa akin. "A-ate.. S-sorry." What now? "Huwag mo 'ko tawaging ate. Kumain ka na" Kaya niya mang umiyak sa harap ko pero hindi ko kayang hindi umiyak pero kinakaya ko.
Tumayo at iniwan sya doon, umupo ako sa sofa at iniisip ang sikretong nabunyag na ngayon nila Tita Keesha at Daniela.
Mahal nila Daniela at Oliver ang isa't Isa. Well they are childhood friends, sali na dun si Denise.
Actually kasintahan sina Denise at Oliver noon pero nakipagbreak si Oliver kasi mas mahal niya si Daniela kaya naging sila.
Pero nang malaman iyon ni Denise ay hindi na sya nakakaayos sa pagtatrabaho. Hindi sya kumakain sa tamang oras, umiiyak gabi-gabi, at mahal na mahal niya si Oliver.
Halos papatayin niya na ang sarili nang malaman ni Daniela ang mga pinanggagawa ni Denise ay napagpasyahan ni Daniela na puntahan si Denise para mag usap sila.
Nang magkita na sila ay nag usap nga sila at hindi inaasahan ni Daniela na plano ni Denise na patayin ang sarili sa harap ni Daniela. Gulong gulo si Daniela nang matapos ang pag uusap nila, nagsisisi syang minahal niya pa si Oliver at hindi alam ni Daniela na naging sila din ni Denise at Oliver kaya pinagsisihan niya ng buong- buo ang pagiging kasintahan nina Oliver at itinago kay Keesha ang pagkamatay ng kapatid.
Nung kay Tita Keesha naman ay noong panahong pinatay nya si mom ay halos mabaliw sya dahil sa ginawa niya at may nagsabi sakanyang magkasintahan ang anak niya at si Oliver ay wala sa sarili niya itong napatay at inilihim iyon kay Daniela.
Ubod ng sikreto ang nangyayari. Alam na alam ko ang sikreto dahil nagmamanman ako, may mata ako kahit saan.
Napabuntong hininga ako bago napasyahang puntahan muna si Yvann. Nang makarating ako sa kwarto ko ay walang Yvann ang bumugad sa akin.
Napakamot ako sa batok saka napasyahang puntahan si tita Keesha.
Lumabas ako at ni-ock ang apartment nang makaramdam ako ng may humahawak sa binti ko saka ko humarap at diretsong nasipa ang mukha niya.
"Shit.. Ang sakit Sarah" halos maiyak nitong sabi, napaikot ako sa mata at nakitang pumutok ang bibig nito. "Jerk, get out of here." Malamig kong sabi bago umupo sa motorbike at hinayaan na sya doon.
Agad akong nagtungo sa mansion nila Tita at agad umasang wala sana sya doon at mabuti't wala nga sya ay madali akong nakapasok at napuntahan si Tita Keesha sa basement na ngayon ay umiiyak na nakaupo.
"Tsk." Agad niyang pinunasan ang luha niya nang marinig ako. "Tahan na." Mahina kong sabi pero tama lang para marinig niya ako.
"Kill me already." Matabang niyang sabi. "A Sarah Mae Arciela don't take orders, so just shut the fuck up." Inikot ko ang mata ko at napanganga ito na parang ngayon niya palang ako narinig na sabihin iyon.
"I-I'm sorry.. I really a-am." Nanginginig ito habang hawak hawak ang baril at tinutok sa sariling dibdib.
Para ko syang hininiptotyze dahil sa titig lang ng mata ko ay napalunok Ito at sinabing.
"Mahal ko kayo Sarah. Lalo na sila Denise at Daniela at ang mom mo. Paalam." Naninikip ang dibdib ko sa mga salitang 'yon.
Isang malakas na putok ng baril ang narinig ko at hinayaang bumagsak ang isang butil ng luha sa mata ko.
YOU ARE READING
𝙁𝙖𝙠𝙚 • 𝙟.𝙟𝙠 × 𝙡𝙡.𝙢 • (𝘾𝙊𝙈𝙋𝙇𝙀𝙏𝙀𝘿)
Fanfiction"𝘚𝘩𝘦 𝘸𝘢𝘴 𝘱𝘰𝘸𝘦𝘳𝘧𝘶𝘭 𝘯𝘰𝘵 𝘣𝘦𝘤𝘢𝘶𝘴𝘦 𝘴𝘩𝘦 𝘸𝘢𝘴𝘯'𝘵 𝘴𝘤𝘢𝘳𝘦𝘥 𝘣𝘶𝘵 𝘣𝘦𝘤𝘢𝘶𝘴𝘦 𝘴𝘩𝘦 𝘸𝘦𝘯𝘵 𝘰𝘯 𝘴𝘰 𝘴𝘵𝘳𝘰𝘯𝘨𝘭𝘺, 𝘥𝘦𝘴𝘱𝘪𝘵𝘦 𝘵𝘩𝘦 𝘧𝘦𝘢𝘳." ©𝘈𝘭𝘭𝘪𝘳𝘢𝘎𝘪𝘳𝘭 2018