•SARAH•
Natapos kaming mananghalian ay bigla tinawag ako ng Emperor sa opisina nito.
Nagtungo naman ako doon at nakita kong nagtatawanan sina dad at ang Emperor. "Napatawag kayo." Pag-aabala ko sa kanila.
Sumenyas sya na maupo ako , sinunod ko naman pero naging mabastos din ako sa pag upo dahil nakapandekwatrong panlalaki ang pagkaupo ko.
Bigla naman ay mahinang natawa ang aking ama , at napangiti si Mr. Ceñez , "i saw that you're already comfortable with Zyril and Jullian?" Ngiting aniya pero nakinig lang ako. Bakit nga ba naparito ako?
"That's a good start then." Tumango tango pa si dad "Get dressed and we'll be enjoying the whole afternoon." Aniya sa napakagandang ngiti nya.
' Na miss kita , pero ayaw kong ipahalatang nasasaktan ako sa mga desisyon ninyo kahit na bente na ako ay hindi ko pa din kayo maintindihan. '
Nginitian ko sya ng tipid , Hindi ko iyon gawain pero dahil inuunahan ako ng pagka miss sa aking ama ay ginawaran ko sya ng maski maliit man lang na ngiti. "Sige." Tumango ako at lumabas muli sa opisinang iyon.
Malungkot isiping talagang hindi ko maintindihan , hindi ninyo pinapaintindi sa akin. Ayaw kong magmula iyon sa ibang tao , gusto ko galing mismo sa mga labi ninyo. Importante kayo sa akin pero talagang kulang ako sa pagpapaintindi kahit na kaligayahan niyo naman ang nakaabang at kasawian naman ang sa akin.
Mapait akong napangiti nang marating ko ang kwarto ko at nagbihis ng polo na white , red , at black at tiniklop tiklop iyon at nagsuot ng black leather jacket at black ripped jeans. Ginulo ko ang buhok ko nang maramdaman ko ang antok , nag wisik ako ng perfume pero kaunti lang , kinuha ang wallet at cellphone , headset.
Yun lang at bubuksan ko na sana ang pinto nang bigla ay buksan iyon ni dad , sinalubong ako ng napakaganda nyang ngiti at nginitian ko nalang din sya pabalik , ginulo nya ang buhok ko at sinasabing pupunta na kami.
' Ngayon ko lang uling naransan ang paggulo mo ng buhok ko. '
Gusto ko iyong sabihin sa kanya pero may parte sa aking nagpipigil din. Nang makarating kami sa baba ay naroon sina Mr. Ceñez at si Yvann na abala sa cellphone , "aalis na muna kami" ngiting sabi ni dad kay Mr. Ceñez. Tumango naman ito. "Keep safe and enjoy" ngiting aniya.
Lumabas na kami , pinauna akong pumasok ni dad at sasakyan niya din iyon isang limo. "Saan mo ba planong pumunta?" Tanong ko , nilingon nya ako. "It's a surprise , dear." Saka nya ibinaling ang atensyon sa harap , Hindi ko intensyong magtanong ng Kung ano ano pero dahil kami na lang dalawa ang narito ay todo na din ang pag iisip ko.' Hindi mo ba naiisip si mom? Ganoon mo na ba kadaling kalimutan sya. '
Bumuntong hininga ako , "Sarah..." Tawag nya , nasa labas ang atensyon ko pero napataas lang ako sa aking kilay. "If you feel uncomfortable , please tell me. Ako na ang magsasalita para sa'yo , I'm not forcing you if you won't tell me." Sabi nya , matagal bago ako makatango.
Hanggang napamilyaran ko ang daan ay patungo kami sa sementeryo kung saan doon namayapa si mom.
Gusto kong maluha pero wala ako sa sarili sa sobrang pag iisip. ' Akala ko ay hindi mo na syang muling pupuntahan kahit namayapa na sya. '
Nang marating namin ang lapida ni mom ay saka sya naunang lumabas at iniabot pa ang kamay sa akin at napatingin pa ako doon , napapalunok , dahan-dahang iniabot ko iyon at dahan dahan din akong pinatayo ni dad upang tuluyang makalabas sa limo , lumabas din ang driver at binuksan ang pinakalikod at naroon ko lang nakita ang mga purple Daisy na naroon , madami iyon at naka bouquet din.
YOU ARE READING
𝙁𝙖𝙠𝙚 • 𝙟.𝙟𝙠 × 𝙡𝙡.𝙢 • (𝘾𝙊𝙈𝙋𝙇𝙀𝙏𝙀𝘿)
Fanfiction"𝘚𝘩𝘦 𝘸𝘢𝘴 𝘱𝘰𝘸𝘦𝘳𝘧𝘶𝘭 𝘯𝘰𝘵 𝘣𝘦𝘤𝘢𝘶𝘴𝘦 𝘴𝘩𝘦 𝘸𝘢𝘴𝘯'𝘵 𝘴𝘤𝘢𝘳𝘦𝘥 𝘣𝘶𝘵 𝘣𝘦𝘤𝘢𝘶𝘴𝘦 𝘴𝘩𝘦 𝘸𝘦𝘯𝘵 𝘰𝘯 𝘴𝘰 𝘴𝘵𝘳𝘰𝘯𝘨𝘭𝘺, 𝘥𝘦𝘴𝘱𝘪𝘵𝘦 𝘵𝘩𝘦 𝘧𝘦𝘢𝘳." ©𝘈𝘭𝘭𝘪𝘳𝘢𝘎𝘪𝘳𝘭 2018