•Chapter 44•

39 6 0
                                    

YVANN

Nilingon ko ang nasa likod ko at hinampas sakanya ang bat nang walang kahirap-hirap , si unggoy pala yun. Hinarap ko ulit yung baboy at tinabingi ko muna ang ulo ko upang makita silang isa-isang nagsilapitan sa akin.

Hindi na ako nag aksaya ng oras at hinampas ko ang bat sa ulo ni baboy 2 at si baboy 1 Naman ay walang awa kong inapakan ang pagkalalaki at nagsilapitan na naman sa akin ang iba na ngayo'y tubo ang hawak , umilag ako nang sunod-sunod nila akong hampasin at pinagsusuntok , sipa , hampas na din ang ginawa ko.

Hingal na hingal man at nang makakuha ako ng dalawang tubo , medyo nasusuntokan na din ako sa mukha pero hindi ko na yun pinansin at pinaghahampas ko na sila ng tubo.

Nang matapos ay ang lalaking 'to nalang ang naiwan at habol ko ang hininga na nakatingin sa kanya nang walang emosyon. Di niya naman yun makikita dahil sa maskara suot ko , at kahit maskara ko nga ay halos sira na.

Lumapit ako sa kanya at halos mataranta naman ito nang may huhugutin sana ako sa bulsa ko "h-huwag. Huwag!" Tinutok ko sakanya ang hintuturo ko at pinuwestong parang baril kaya hindi ko mapigilang matawa sa inakto nya , nakatakip sa ulo nya ang dalawang braso at nakataas ang tuhod sa tiyanan at nakapikit pa.

Umayos naman ito at sinamaan ako ng tingin , sinuntok ko sya sa mukha kaya halos matumba na din sya mamumudmod na nga mukha nya eh.

Umalis na ako doon at nang biglang magring ang cellphone ko ay nakita ko si Lance doon , inalis ko ang maskara sa mukha ko at sinagot ang tawag at nagtungo sa motor ko.

Sumakay na ako doon at itinapat ang cellphone sa tenga ko , "Asan ka na? Gising na mahal m---" binaba ko ang tawag , binulsa ang cellphone at pinaandar , pinaharurot ang motor ko pauwi.
Nang makarating ako sa mansion ay halos hindi na naparada ng maayos ang motor ko at si Yaya Nita , alalang-alala sa nangyare sa mukha kong madaming pasa. Wala akong pake sa sarili ko ngayon nagtungo ako agad sa kwarto nya at nakita nga syang nakaupo.
' Hindi ko na naman maintindihan ang biglang pagbilis ng tibok ng lintek kong puso. '

"BUTI NAISIPAN MO NG MAGISING?"

Out of nowhere bigla nalang lumabas sa bibig ko at dahan-dahan naman syang lumingon sa akin.

' p*ta nasasaktan akong nakikita syang ganito. '

Bahagyang umalis na muna yung tatlo at lumapit naman ako sa kanya at hindi ko maiwasang mag-alala sa kanya , ' this woman just saved my old man. '

Bumuntong-hininga ako , walang ekspresyon ang mukha niya pero ang mga mata nya... Nakatingin sa akin , nag-aalalang tingin.

"Staring is rude."

Sabay naming sabi at natawa naman kami , "kumain ka muna." Sabi ko dito pero wala na naman itong ekspresyon nakatingin sa kung saan.

Kinuha ko ang tray ng pagkain na nakalagay sa bed-side table at kinuha ang mini table sa gilid ng kama at binuksan ang stand nito at nilagay sa harap ni Sarah , nilagay ko naman doon ang tray at ramdam ko naman ang tingin ni Sarah sa akin. Tinignan ko naman sya , "oh?" Sabat ko.

"Bakit ang dami mong pasa?" Seryoso nitong tanong , at ang boses nya.. Biglang naging cold , I sighed as I felt an excruciating pain on my back.

' oh damn! '

Pinipigilan ko ang sakit at binabalewala , umupo ako sa gilid ng kama ni Sarah. "Sagutin moko Yvann." Aniya , nakatingin sa pagkain na kaharap nya. "Wala 'to." Sagot ko naman , ayoko na sabihin kilala ko na 'tong babaeng 'to.

𝙁𝙖𝙠𝙚 • 𝙟.𝙟𝙠 × 𝙡𝙡.𝙢 • (𝘾𝙊𝙈𝙋𝙇𝙀𝙏𝙀𝘿) Where stories live. Discover now