•Chapter 47•

41 4 0
                                    

SARAH

Tapos kong makipagkulitan kay Yvann. Nakisayaw nalang din ako sa kanya. He's a good dancer. He even mentioned I am too pero tingin ko naman hindi but I guess let him judge. Sya pa lang ang nakakakita saking sumayaw ng ganito eh. ' like enjoying the beat together with your body flows. '

Kase kapag nagsasayaw ako I don't really mind everything around me... Instead I've been imagining myself out of the place. ' usually sumasayaw ako kapag gusto ko syempre , alangan naman sasayaw akong di ko gusto 'di ba? 'di ba!?

After lahat ng yun nag ayos na din ako para magtungo sa mansion ni dad. ' I've been really thinking through this lately. About Zoey's step dad. '

Bumuntong-hininga ako at kinuha ang black na leather jacket at sinuot yun. Paglabas ko bumungad sakin ang mukha ni Yvann. Nakanguso.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko , ' please stop heart. Makisama ka sa kakalmahan ko. Wag kang marupok. '

I sighed and faced him seriously. "Ngiti ka naman , 'di bagay sa'yong laging seryoso eh. Parang kahit anong segundo pwede kang makapatay." Hindi ko sya pinansin kundi ay nilampasan ko sya at pinagluran ang susi na hawak-hawak at ramdam ko naman ang pagsunod nya sa likod ko.

Yvann had some changes too. Hindi ko alam kung ganito lang talaga sya o talagang nagbago na ewan. "Ang dating Yvann na kilala ko ah? Naiba na." Hinarap ko sya at seryoso na syang nakatingin sa akin.

"It's awkward to tell you all those things , pero pipigilan ko ba?" Tinaasan ko sya ng kilay. He sighed. Kinurot ko ang ilong nya at nakita ko namang paanong matigilan sya at napakurap-kurap , "aalis na ako." Paalam ko. ' nababading ko na yata sya. Sarah tama na. ' napapailing ako sa naiisip.

Bumaba na ako ng hagdan at saka bumaba at dumiretso sa labas , sinalubong ako ni Hans at nagbigay galang sa akin. "Miss Sarah." Hindi ako umimik. "Hans. Tawagan mo ako agad kung may mangyari mang masama. Babalik ako agad." Tumango sya at saka na ako pumunta sa garage at doon kinuha ang motorbike ko. ' Si Dark. '

Kinuha ko ang helmet at sinuot iyon , binuksan naman ng ibang guwardya ang malaking gate at saka ko pinaandar si Dark at sinimulang paharurutin ang motorbike at bumusina pa.

•°•°•°•°•°

Ilang minuto lang ang layo at huminto na ako sa mismong underground garage ng mansion ni dad at bumaba saka hinubad ang helmet at isinabit iyon sa motorbike. Tinanggal ang susi at ibinulsa.

Dumiretso ako sa hagdan patungo sa unang palapag ng mansion na 'to. Ang laki ng mansion ni dad pero minsan lang din naman sya dito. Malapalasyo na nga.

Binabati ako ng maids dito at pati na din kanina sa labas pa lang. Agad na nagtungo ako sa opisina ni dad at doon ko nakitang kausap nya pala si tito Syrus which is dad's older brother.

Napalingon naman si dad sa akin kase nakaharap sa akin si tito habang si dad ay nakatalikod. "Is this Sarah?" Nanlalaki ang matang tanong ni tito. Welp. I remembered the last time I saw him. Ibang-iba. When I was just 10.

𝙁𝙖𝙠𝙚 • 𝙟.𝙟𝙠 × 𝙡𝙡.𝙢 • (𝘾𝙊𝙈𝙋𝙇𝙀𝙏𝙀𝘿) Where stories live. Discover now