•ZYRIL•
"Aish!" Singhal ko nang pitikin ni Earl ang noo ko. I pouted , nagtawanan naman sila dahil hindi ko ginawa ang naging dare ni Rex sa akin.
"Ows , pano yan? Kay Earl pa nga Lang nasasaktan ka na." I rolled my eyes on what Greg just said. Lumapit si Lance at sumunod na pumitik sa noo ko , napapikit ako sa sakit.
Nagmulat ako at si Jullian na naman ang lumapit para pumitik , gaya ng una kong ginawa ay napapikit ako. "I'm next." Anang Rex at lumapit sa akin at panandaliang pinitik ang noo ko. "Tama na yan." Rinig kong anang Micaellah. Nginitian niya ako habang nakakunot noo naman ako , para na ngang dudugo na ang noo ko kapag patuloy pa nilang pitikin ang noo kong ang sakit na.
Kinuha ko ang isang basong nasa tray at nagsalin ng wine habang hawak-hawak parin ang noo ko. Lalagok na sana ako nang alisin ni Earl ang kamay ko sa noo ko , Nag-iwas agad ako ng tingin and I rolled my eyes as I drink the wine. "Ayos ka lang?" Gusto kong matawa hindi dahil sa lasing na ako kundi sa naging tanong niya , sya pa nga ang pinakalakas na pumitik.
Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy na din kami sa paglalaro. Hinawakan ni Jonathan ang bottle na nasa gitna at inikot ito , tamang-tama at huminto ito sa tapat ni Lance na syang napangisi. "Dare." Sagot niya kaya mahina kaming napatawa , "I dare you to..." Pagbibitin ni Jonathan bago nilingon si Mimi na tulala sa bote. Lumapit si Jonathan kay Lance at doon bumulong , kumibit-balikat si Lance at tumayo at lumapit kay Micaellah. Ngisi-ngising pinagmasdan namin ang susunod na gagawin ni Lance , natauhan naman si Miksha , she rolled her eyes ang crossed her sexy legs.
"May I?" Inirapan na lamang ni Mimi si Lance at hinalikan ang noo ni Mimi , kita-kitang kung paanong mamula at magulat si Mimi sa ginawa ni Lance at bumalik sa kinauupuan nito , "excuse me. Magc-cr lang ako." Paalam ko at tumayo sa pagkakaupo at lumabas sumalubong sa akin ang lakas ng tugtog dito habang nagsisiyawan ang mga tao sa dance floor , langhap na langhap ang mga klase-klaseng alak na narito. Nagtungo ako sa girls restroom at kakapasok ko palang ay may babae akong nakita , nakaupo sa pinakadulong stall at may dalang bote ng alak , I raised an eyebrow when I saw who it is. Ito yung babaeng nakaharap ni Yvann kanina.
Kendra..
Pumasok ako sa isang stall at ginawa ang dapat kung gawin pero natigilan ako nang marinig ko ang paghalakhak niya. "I sweaaar!~ You'll be with me daddy~" pakanta niya pang sambit. Lumabas ako sa stall at nakita niya naman ako , sinandal ko ang likod ko sa pader na narito at pinagkrus ang kamay kong diretsong nakatingin sa kanya.
"Ohhhh?~ Hey theeereee" Nanatiling tahimik at nakatingin ako sa kanya , aakmang hahawakan niya ako nang mapansin kong halos matumba na siya swerte sya agad ko syang naalalayan. Lasing na 'to.
"Oohhh~ two loveeely girrrls!" Nangunot ang noo ko nang marinig ang boses ng lalaki , sinandal love muna si Kendra sa pader na narito at nilingon ang lalaking nagsalita. Sumandal ako sa kinasasandalan ko kanina as I looked at him with a blanket face.
"Who do we have righhht heere!~" I rolled my eyes , tinabingi ko ang ulo ko at nilingon ulit ang babaeng ngayon ay umiiyak habang tumatawa. "Kendraa?" Anang lalaki at nangunot ang noo nang makita ito , "Feliiix! Tagaay!" Bahagya niya pang itinaas ang boteng hawak niya at tinungga iyon.
At dahil wala naman talaga akong pake ay lumabas na ako at bumalik na sana sa Pr nang parang may mali. ' Saan ba nagpunta si Sarah? '
Dahil hindi ako mapakali ay hinanap ng mata ko si Yvann o kaya si Sarah , pero agad ko nakita si Yvann na galing sa labas at nagtungo sa boys restroom. Pero dahil hindi pa din mapakali ang sistema ko't parang may nagtutulak sa aking pumunta sa labas.
YOU ARE READING
𝙁𝙖𝙠𝙚 • 𝙟.𝙟𝙠 × 𝙡𝙡.𝙢 • (𝘾𝙊𝙈𝙋𝙇𝙀𝙏𝙀𝘿)
Fanfiction"𝘚𝘩𝘦 𝘸𝘢𝘴 𝘱𝘰𝘸𝘦𝘳𝘧𝘶𝘭 𝘯𝘰𝘵 𝘣𝘦𝘤𝘢𝘶𝘴𝘦 𝘴𝘩𝘦 𝘸𝘢𝘴𝘯'𝘵 𝘴𝘤𝘢𝘳𝘦𝘥 𝘣𝘶𝘵 𝘣𝘦𝘤𝘢𝘶𝘴𝘦 𝘴𝘩𝘦 𝘸𝘦𝘯𝘵 𝘰𝘯 𝘴𝘰 𝘴𝘵𝘳𝘰𝘯𝘨𝘭𝘺, 𝘥𝘦𝘴𝘱𝘪𝘵𝘦 𝘵𝘩𝘦 𝘧𝘦𝘢𝘳." ©𝘈𝘭𝘭𝘪𝘳𝘢𝘎𝘪𝘳𝘭 2018