•Chapter 42•

42 4 0
                                    

YVIEE

Nang matapos na ako ay lumabas ako ng kwarto at pumunta sa sala nang tahimik , nabibingi po ako -.-

"Uhmm.. Yaya Nita saan po ang mga tao dito?" Tawag ko sa isa sa tauhan na naglilinis ng tv.

"Ahh nasa kwarto ho nila Miss Yviee at pinapatawag din po kayo ng daddy nyo sa opisina nya." Aniya at napapatango-tango naman ako. "Salamat." Sabi ko saka nagtungo sa opisina ni dad at nakatalikod ang malaki nyang swivel chair sa akin.

' okaay? Is this weird? '

"Hey Dad good morning." Bati ko , "good morning Yviee." Umalis ito sa pagkakaupo sa kanyang upuan at nilapitan ako , sinalubong nya naman ako ng yakap.

Yumakap ako sa kanya at hindi mapigilang maging emosyonal , "happy graduation day" he cupped my cheeks and kissed my forehead , hindi ko na napigilang maging emosyonal.

"Shh.. Your mother is so proud of you Yviee.." hindi naman ako ganito ah? Bigla nalang iiyak and mentioning mom is just breaking me into pieces..

' You've succeeded my dear.. ' I heard mom's voice inside my head making me cry more.

Wala lang din namang pake si dad na basang-basa na yung suit nya dahil sa luha ko at patuloy pa din akong niyayakap ng mahigpit.

' Ang aga aga tas ang drama namin noh? '

Kumawala na ako at binilisan ang pagpunas ng luha at tumingin sa baba , Hindi ko makatingin kay dad.

He sighed and caresses my hair. "Your mom's dream for you just came true , sayang naman at wala sya at hindi ka man lang nya macongraculate in person." Tumango ako , yeah.. Mom's dream for me came true.. Ang makapagtapos ng pag-aaral. One of your dreams for me just came true mom..

"Shh.. Tama na okay?" Sya na ang nagpunas ng luha ko at hinayaan ko nalang sya. ' I miss you so much mom.. '

Lumabas kami ni dad sa opisina at pagpunta namin sa dining room naroon na silang lahat pero wala doon sila ate Sarah at kuya Yvann which is nakakapagtataka , "dad?" Umupo na ako sa tabi ni Lexi. "Hmm?" He hummed , "asan po si Kuya?" Tanong ko "nandoon sa bahay ni Sarah." Napataas naman ako ng kaliwang kilay.

Hindi ata natiis ni Kuya si ate Sarah , ayun lumipad. Natawa ako , "congratulations Yviee!" Sigaw nilang lahat at nginitian ko nalang sila , "yieee graduate na Bebe namin!" Si kuya Jonathan.

"Oh sya , kumain muna tayo and we'll wait na dumating ang oras na aalis na tayo." Anang dad at nagsikuhaan na kami ng gustong kainin kaya medyo magulo haha.
•°•°•°•°•°

AAHHHHKK! GRADUATE NA KOOO!

Nagsuot lang ako ng dress na black off shoulder at may tela pa din naman sa may balikat hanggang under-arms ko at ito namang si ate Mimi , inayos na din ang buhok ko. Straight talaga 'to eh pero pinakulot nila ang ibabang bahagi.

"Oh Pak!" Si ate Jullian , hindi ko mapigilang matawa pero pinipigilan ko pa din kase nilalagyan ni ate Mimi ng lipstick ang labi ko at hinayaan ko nalang sya eh hindi ko din naman 'to hilig eh.

"There." Binigay naman sa akin ni ate Zyril ang salamin at waaaa! Ang ganda ko!

"Yieee ala na finish na." Anang ate Jullian at ang lapad ng ngiti sa akin. Tinignan ko naman ang wristwatch ko and it's already 9:00.

Nagsilabasan na kami sa kwarto ko at naroon na pala sila dad sa baba , "pupunta na tayo." Aniya at tumango lang ako , gamit ni dad ang sasakyan at si kuya Ten na ang nag drive habang ang iba ay nasa kani-kanilang sasakyan , si Lexi naman ay kasama namin papuntang school.

𝙁𝙖𝙠𝙚 • 𝙟.𝙟𝙠 × 𝙡𝙡.𝙢 • (𝘾𝙊𝙈𝙋𝙇𝙀𝙏𝙀𝘿) Where stories live. Discover now