•Chapter 20•

49 3 0
                                    

SARAH

Batid kong narito na ang kaibigan ni Yvann dahil nasa balkonahe ako ngayon at nakikita ko ang sasakyan nilang papasok sa gate kaya pumasok na ako at isinarado ang pinto palabas sa balkonahe.

Kinuha ko ang cellphone at in-on ito at ang dami ngang miss calls ng ama ko pero wala akong balak na tawagan sya.

Hinayaan ko nalang iyon at humiga sa kama.

' Ano ba ang kailangan mo? '

Nakakainis ding isiping anong posibleng rason na dapat kailangan nya pa akong tawagan.

Tumayo ako at nagtungo sa pinto pero narinig ko ang yapak ng paa ni Yvann pababa ng hagdan kaya hinayaan ko iyon hanggang sa wala na akong narinig saka dahan dahang binuksan ang pinto at lumabas umupo ng angel seat malapit sa railings ng hagdan at doon ko sila kitang kita sa salas, nanatiling nakatingin ako sa kanila at binabantayan ang mga kilos nila.

Bigla ay nawalan ako ng gana kaya pumasok ako at kinuha ang cellphone "susunod nilang patayin ay si Daniela." Mahina pero nag echo iyon sa buong sulok ng mansyon, batid kong si Jullian iyon kaya hindi ko maiwasang lumabas.

"Si Daniela?" Seryoso ang tono ng boses ko, Hindi ko malaman kung anong kirot ang naramdaman ko sa dibdib ko. Kitang-kita ko ang pag lunok ni Yvann kaya mas napatitig ako sa kanya.

' Sa sobrang katangahan ko ay hindi ko man lang magawang hindi masaktan sa sinabi ni Jullian. '

Bumaba ako patungo sa pinakababa at hinarap silang tahimik at nakababa ang tingin. "Sinong Daniela ang binanggit mo?" Walang emosyong tanong ko kay Jullian at nagtaas sya ng tingin at nagawa kong ipag-krus ang kamay ko.

"Ang kaibigan mo." Hindi na ako nagtaka nang makaramdam ako ng kirot sa dibdib. Ilang minuto pa bago ako nag angat uli ng tingin kay Jullian, "kailan?" Alam kong hindi nila inaasahan ang biglaan kong tanong at bago ko pa maramdamang kunot na kunot ang noo ko at sobrang salubong ng kilay ko.

"Sila lang ang nakakaalam" Hindi ko maiwasang hawakan ng mahigpit ang cellphone ko at nilingon ko si Yvann na nakahilamos na ang kamay sa mukha.

Dali dali akong dumiretso sa kwarto ko para tawagan si Daniela at agad namang sinagot.

"Daniela, makinig ka. Umalis ka na dyan sa apartment ko. Pumunta ka sa mansion ni tita sa lalong madaling panahon." Dali dali kong sabi "bakit? A-anong---"

"Ano ba!? Makinig at gawin mo nalang ang sinasabi ko!" Tapos nun ay ibinaba ko na ang tawag at bumaba ulit para harapin silang lahat na kunot na kunot din ang mga kilay sa akin.

"Ngayon na natin gawin ang labanan." Seryoso at walang emosyong sabi ko kaya mas kumunot ang noo ni Yvann. "Bakit? Ano na naman ba ang gagawin mo?" Kunot noong tanong nya pero tinitigan ko lang sya. "Sabi ko.." Naiinis na ako, ayoko ng ganito.

"Ngayon na natin gaganapin ang laban Yvann." Lumunok sya pero nanatiling salubong ang kilay kaya mas sinalubungan ko ang sa akin. "Yvann.. Pagbigyan mo na" dinig kong sabi ni Earl kaya tumango sila bilang sang ayon liban nalang kay Jullian.

"Tara.. Sa training room." Bumuntong hininga ako saka sumunod sa kanila. Inaayos ko ang buhok ko habang patungo sa kwarto ko at magbibihis muna kami ni Jullian at tutungo na sa training room pagkatapos.

Nang matapos ay lumabas na ako at nasa labas si Yvann at sya lang ang naroon. Lumapit ako sa kanya. "Seryoso ka ba?" Maririnig ang inis sa boses nya, nilingon ko sya na masama ang tingin. "Mukha ba akong nagbibiro?" Seryoso kong sabi at diretsong nakatingin sa mga mata nya.

𝙁𝙖𝙠𝙚 • 𝙟.𝙟𝙠 × 𝙡𝙡.𝙢 • (𝘾𝙊𝙈𝙋𝙇𝙀𝙏𝙀𝘿) Where stories live. Discover now