•YVANN•
Kinabukasan maaga akong nagising at dahil hindi ko maawat ang sarili ko.
Nagpaalam ako kay dad na doon ako kay Sarah titira.
Nag empake na ako at wala din akong sinabihan isa sa kaibigan ko na doon ako titira upang matyagan ang babaeng yon.
Pinuntahan ko na muna si Yviee sa kwarto nito at mabuti at hindi nakalock ang pinto nito at saka na ako pumasok at dahan dahang lumapit dito.
Napangiti ako nang makita ang postura nito , nakayakap sa malaking unan at nakatanday na din doon.
Hinalikan ko ang noo nya at inayos ang kumot nya. Lumabas na ako at pumunta sa kwarto ni dad at wala sya sa kama nya at nakita ko namang nakabukas ang study room nya kaya pumasok ako doon at naroon nga sya nakaupo , nagbabasa at umiinom ng kape.
"Good morning Dad." Bati ko , nakatalikod ang malaki nyang swivel chair sakin kaya lumingon din ito sakin at nginitian ako , medyo namamaga ang mata at mas malusog pa ata sa kanya yung eyebags nya.
"Dad." Nagbabanta kong tawag , he sighed and forced a smile. "I miss your mother... So much." Aniya , napabuntong-hininga naman ako. ' I do too.. '
"Your mother gave you a box when you were little right?" Tanong nya , tumango ako at umupo na muna sa single sofa na kaharap ng desk nya.
"What did she said?" Tanong nito. Tinignan ko ang malaking picture nina mom at dad dito sa opisina nila. I looked at her.
"Ibibigay ko daw iyon sa babaeng mamahalin ko at ituring ko ng pamilya.." sagot ko, napatango tango naman si dad. "She's such a good wife" base sa boses ni dad halatang nagpipigil ito ng iyak.
He just cried , every man's weakness.. "dad, I miss mom too.. Pero alam nating dalawa na hindi niya gugustuhing magmukmok tayo dahil sa pagkawala niya." Seryoso kong sabi , nakatingin pa din sa picture nina dad.
Napuno ng katahimikan ang apat na sulok ng study room na to. "Dad. Aalis na ko." Paalam ko , tumango ito at bumuntong hininga "mag iingat ka. Kayong dalawa ni Sarah and magkikita nalang tayo sa school ni Yviee mamayang 10:00" tumango ako ,
Saka nagpaalam na.Nang tuluyan na akong makalabas ng mansyon ay ginamit ko nalang ang sasakyan ko patungo doon at nilagay ang bag doon kung saan naglalaman ng mga damit ko , dad gave me the address at di naman yun ganun kalayo kaya agad din naman akong narating doon.
Hmm.. Ang gate sa labas ng bahay nya ay kulay itim at kasamang ginto , nasa isang village din pala tong bahay niya at nakarating na din ako sa village na 'to since dito nakatira si ate noon.
Bumuntong hininga muna ako saka bumaba ng sasakyan at nagtungo sa harap ng gate , nagdoorbell ako at hindi ko inaasahang may guards pala dito kaya bigla namang nagring ang cellphone ko. "Sir Yvann." Anang Isa sa guwardya , I'd expect the guwardya to ng mga Arciela at nakaitim na suit ito , may earpiece at nakaglasses ng itim.
Sinagot ko ang tawag which is from dad. "Dad." Pauna kong tawag "Mr. Arciela just called me , hindi alam ni Sarah na nandyan ang guwardya ng dad nya." Kumunot naman ang noo ko , "sige." Binaba na ni dad ang tawag at pinapasok na din ako ng guwardya.
"Nariyan ba si Sarah?" Tanong ko ,"Tawagin niyo nalang ho akong Hans. Paumanhin ngunit hindi na namin inabala si Sarah at hindi namin alam." Nanlaki ang mata ko at agad na pumasok sa loob at sinara ang pinto.
Kay ganda nga naman ng loob ng bahay at kulay krema ang dingding at may maliit chandelier dito sa sala at may second floor pa pala , hinanap ko ang kwarto ni Sarah at umakyat na ng second floor nang hindi ko sya makita sa unang palapag.
YOU ARE READING
𝙁𝙖𝙠𝙚 • 𝙟.𝙟𝙠 × 𝙡𝙡.𝙢 • (𝘾𝙊𝙈𝙋𝙇𝙀𝙏𝙀𝘿)
Fanfic"𝘚𝘩𝘦 𝘸𝘢𝘴 𝘱𝘰𝘸𝘦𝘳𝘧𝘶𝘭 𝘯𝘰𝘵 𝘣𝘦𝘤𝘢𝘶𝘴𝘦 𝘴𝘩𝘦 𝘸𝘢𝘴𝘯'𝘵 𝘴𝘤𝘢𝘳𝘦𝘥 𝘣𝘶𝘵 𝘣𝘦𝘤𝘢𝘶𝘴𝘦 𝘴𝘩𝘦 𝘸𝘦𝘯𝘵 𝘰𝘯 𝘴𝘰 𝘴𝘵𝘳𝘰𝘯𝘨𝘭𝘺, 𝘥𝘦𝘴𝘱𝘪𝘵𝘦 𝘵𝘩𝘦 𝘧𝘦𝘢𝘳." ©𝘈𝘭𝘭𝘪𝘳𝘢𝘎𝘪𝘳𝘭 2018