•SARAH•
Nakauwi na kami at palaging nasa isip ko ang magpapagod sa pag ensayo sa sarili ko.
Ayaw kong mapahiya sa anak ng Emperor at mismong Emperor pa ang nagturo sa aking lumaban dati. At hindi ko iyon hahayaang balewalain kasi sya ang kauna unahan kong pinagkatiwalaan nung mawalan ako ng pag-asa sa aking sarili.
"Sarah is something wrong?" Agad akong natauhan sa sinabi ni Tita at agad na umiling. Nasa dining area kami ngayon at nananghalian.
"Nothing, tita" sagot ko na ikinangiti nya at nagpatuloy sa pagkain. "You won't believe how fast, Sarah is hon." pagsusumbong ni tito kay Tita na ikinatigil ko at ni Tita.
"Well that's great. Just continue the good work my dear." Ngumiti ako sabay tango. It's awkward with them tho. Nasa tabi ko si Yvann na tahimik lang si tita at Tito naman ay nasa harap naming dalawa.
Tapos ng tanghalian ay dumiretso ako sa kwarto ko at naisipang matulog at yun nga ang ginawa ko.
Dahil sa pagod ay madali akong nilamon ng antok.
•YVANN•
Tahimik akong nakapasok sa aking silid habang tatak na tatak sa isip ko ang bawat paggalaw ni Sarah.
Parang may kulang eh at ang kulang na iyon ay ang pinaka importanteng parte sa pakikipaglaban.
Napaupo ako sa sofa bago nagring ang cellphone ko at nakitang si dad 'yon. Sinagot ko naman at itinapat sa tainga ko.
"Hello Yvann, How's she doing?" Alam na alam ko na ang tinutukoy niya. "She's fast, umiimprove na din sya pero may kulang eh. Malaking kulang" Sabi ko saka bumuntong hininga.
"Just let her take time to train herself." Napapikit ako at napaisip sa nararating na araw na magkikita sila.
"Oo dad" pagsang ayon ko. "Okay, aalis muna ako, take care son." Ibinaba niya ang tawag at napasandal ako sa pader at pinikit ang mata.
Magpapagod na naman sya. At siguradong magaling ang magiging kalaban niya sa susunod na training sa building ni dad.
Napaisip nalang din ako noong panahong pinipilit ako ni dad na bantayan si Sarah kasi dapat ay ang ate ko dapat ang gagawa nito.
FLASHBACK
"Yvann, come on." Namimilit na wika ni dad. Napabuga ako ng marahas na hininga.
"Bigyan mo ako ng maayos na rason dad, kung bakit kailangan ko syang bantayan" madiin kong sabi.
"Listen. Iba si Sarah eh, hindi sya tulad ng mga babaeng nakikilala mo" napataas ang kilay ko. "eh kung ganun, ano sya?" Tanong ko.
"Basta Yvann Jaze, ikukwento ko sa'yo." Tumango ako. Ayoko na ding makipagtalo kay dad.
Tapos ng di mabilang na minuto ay natapos din sya sa pagkwento at napaisip ako at nakakunot na ang noo kong pinag iisipan ang plano ni dad.
"Fine." Pagsusuko ko. Bahagyang napangiti si dad habang ako ay blangko parin dahil sa kwento ni dad.
Nakakaawa sya, hindi ako ganun kaawain pero iba na yung sa kanya. Di ko maintindihan.
Basta. Iba talaga sya base sa sinabi ni dad sa akin tungkol sa buhay niya. Pauwi na ako sa mansion pero nanatiling nakatatak ang kinwento ni dad sa akin.
YOU ARE READING
𝙁𝙖𝙠𝙚 • 𝙟.𝙟𝙠 × 𝙡𝙡.𝙢 • (𝘾𝙊𝙈𝙋𝙇𝙀𝙏𝙀𝘿)
Fanfiction"𝘚𝘩𝘦 𝘸𝘢𝘴 𝘱𝘰𝘸𝘦𝘳𝘧𝘶𝘭 𝘯𝘰𝘵 𝘣𝘦𝘤𝘢𝘶𝘴𝘦 𝘴𝘩𝘦 𝘸𝘢𝘴𝘯'𝘵 𝘴𝘤𝘢𝘳𝘦𝘥 𝘣𝘶𝘵 𝘣𝘦𝘤𝘢𝘶𝘴𝘦 𝘴𝘩𝘦 𝘸𝘦𝘯𝘵 𝘰𝘯 𝘴𝘰 𝘴𝘵𝘳𝘰𝘯𝘨𝘭𝘺, 𝘥𝘦𝘴𝘱𝘪𝘵𝘦 𝘵𝘩𝘦 𝘧𝘦𝘢𝘳." ©𝘈𝘭𝘭𝘪𝘳𝘢𝘎𝘪𝘳𝘭 2018