•JONATHAN•
Nakatunganga kami nina V, Lance at Earl dito ngayon sa basement at kanina pa walang imik at may sariling pag-iisip matapos sa nangyari kanina.
Maayos na natapos ang party na iyon pero nawawala yung apat na siyang pinoproblema namin ngayon at wala man lang kaming magawa dahil baka kung hindi din namin alam kung anong posibleng mangyari kung may aataki man sa bawat isa sa amin.
"Si Zoey.." natutop ang atensyon ko kay Xavier "we need to tell her about what you heard." Anang V at nakatingin kay Earl "Wala tayong ebidensya na makakapagpaniwala sa kaniya." Kunot-noong aniya, "tungkol saan ba?" Tanong ko kasi parang ako lang naman ang walang alam sa pinagsasabi nila.
Nagkatinginan naman sila saka tumingin sa akin uli, "we found out Jim killed Zoey's mother." Si Lance, kunot ang noo na nakatingin ako sa kanila dahil ngayon ko lang din naman nalaman at hindi nga ako informed.
"Are we on time?" Anang hindi ko kilalang boses ng babae at nilingon ko ang entrance ng basement at ayun ang isang babaeng hindi ko kilala at kasama si Yviee na seryosong nakatingin sa amin, naupo naman sila sa sofa na bakante.
"Here." Tinapon nito ang isang maliit na bagay at nakitang earpiece iyon at hindi lang basta-basta earpiece. ' kay Greg 'to ah? ' "who are you?" Si V pero walang sagot na natanggap sa babae.
"At bakit na sayo ang earpiece na 'to?" Tanong ko sabay pakita sa initials ni Greg. Kumibit-balikat ito and smirked.
"I'll answer that questions soon. Pakinggan mo muna 'yan." Isinuot ko nga ang earpiece at pinindot ng pangalawa ang button ng earpiece at pinakinggan iyon.
"Z shouldn't find out about this, I killed her mother fucking mother because she doesn't want me to marry her daughter and enable for me to take all over Mafias and to get my revenge to the shitty gangsters!"
Hindi agad naproseso sa utak ko ang narinig at natutop ang atensyon sa babaeng di ko naman kilala. "So? That's more than enough of an evidence to make Zoey believe." Tumayo ito at saka tinignan kaming lahat.
"Yviee alis nako." Aniya at tinignan pa namin kung paanong umalis siyang walang imik at hindi tinatapunan ng tingin.
"The hell did I just hear?" I whispered. Sumenyas naman si Earl na ibigay ko sa kanya ang earpiece kaya inabot ko iyon sa kanya at agad naman niyang pinakinggan.
Nilingon naman naming tatlo si Yviee na nakatulala at parang malalim ang iniisip. "Yviee, you know her?" Tanong ni Lance at tinuro pa ang pintong nilabasan ng babaeng di ko kilala. Tumango naman si Yviee nang makabalik ito sa huwisyo.
"But you're not gonna tell us, don't you?" Si V, tumango lamang ito at malapad ang ngiting nakatingin sa amin. "Matutulog na ako kuyas, night!" Aniya at tumayo na saka umalis at iniwan kaming apat.
"Damn. This is more than enough." Anang Earl at pinasa na naman ito kay V at pinakinggan nito.
I checked my wristwatch and saw it's already 10:48 pm, inaantok na ako.
Naisipan kong umalis na muna doon at pumunta ng kusina para kumuha ng mainom dahil kanina pa madaming tumatakbo sa isip ko tulad ng pagkawala ng dark empresses at baka kung ano na ang nangyari sa kanila. "Jon?" I turned to see ate Yvienelle na parang kakarating lang.
YOU ARE READING
𝙁𝙖𝙠𝙚 • 𝙟.𝙟𝙠 × 𝙡𝙡.𝙢 • (𝘾𝙊𝙈𝙋𝙇𝙀𝙏𝙀𝘿)
Fanfiction"𝘚𝘩𝘦 𝘸𝘢𝘴 𝘱𝘰𝘸𝘦𝘳𝘧𝘶𝘭 𝘯𝘰𝘵 𝘣𝘦𝘤𝘢𝘶𝘴𝘦 𝘴𝘩𝘦 𝘸𝘢𝘴𝘯'𝘵 𝘴𝘤𝘢𝘳𝘦𝘥 𝘣𝘶𝘵 𝘣𝘦𝘤𝘢𝘶𝘴𝘦 𝘴𝘩𝘦 𝘸𝘦𝘯𝘵 𝘰𝘯 𝘴𝘰 𝘴𝘵𝘳𝘰𝘯𝘨𝘭𝘺, 𝘥𝘦𝘴𝘱𝘪𝘵𝘦 𝘵𝘩𝘦 𝘧𝘦𝘢𝘳." ©𝘈𝘭𝘭𝘪𝘳𝘢𝘎𝘪𝘳𝘭 2018