•Chapter 26•

40 4 0
                                    

YVANN

"Xavier." Tawag ni Jullian , nilingon nya ito. "Sorry for interrupting the both of you." Malumanay nyang sabi at tumango lang ako.

Kasalukuyang nag uusap kami nina Xavier tungkol sa mga bagay bagay lalo na sa darating na labanan sa magiging empress kasama ko.

Hindi ako magdadalawang isip na sumunod sa aking ama lalo at hindi ko naman gagamitin sa kasamaan ang Gangster Clan , at ang clan na 'to ay kadalasan dahil sa mga problema at pumasok sila dito nang may ensayong pinapasok maski si Sarah at ako ay may napakahirap na ensayong naharap.

"Yvann , mauna na muna kami." Si Xavier at tumango lang ako , ngayon ay nasa kwarto lang ako nakatunganga sa kung saan at kung ano-ano nalang ang iniisip. Naglalayag ang isip ko , humiga ako at napapikit sa mata inaalala noong unang ako ang pinapaensayo ni dad at dahil sa pagkamatay ni mom ay saka nya lang ako tinuruang makipaglaban o paggamit ng mga patalim , baril , bomba at iba pang gamit panlaban.

I sighed , I can't even imagine how tired and sad full of anger I am. Remembering those days is heartbreaking for me but I still stayed strong.

Iminulat ko ang mga mata at umupo , tumayo at nagtungo sa balkonahe , naupo ako sa bench ko doon at muling naglayag ang isip ko , mainit man ngayon ay nagawa ko paring isipin ang sa buong maghapong walang tigil na ensayo ay nagawa ko ay para pa akong hindi makapaniwalang buhay pa ako.

Nakapagtataka lang at parang mas mahirap para kay Sarah ang danasin ang kanyang ensayo , kilala ko na sya noon pa lang nang pagkapasok at pagkapasok nya sa Gangster Clan , lagi syang nakakunot noo dati habang nag eensayo , seryosong-seryoso , walang humpay ng kalungkutan ang nakikita pero puro galit.

Lumalim ang paghinga ko , Hindi nya din ako nakikita noon at dahil ayaw ni dad na may nakakakita sa amin ay dahil sa panganib ng mga nauunang Mafia noon. Hindi ko din nakikita ang mukha nya noon nang ganoon nga ka lapit mula sa malayo ko lang syang nakikita.

Nagpatuloy pa sa paglayag ang isip ko hanggang sa makaramdam ako ng antok.

' Lagi nalang kapag walang nagagawa. ' pag iisip ko.

Pumasok ako sa kwarto at sinarahan ng pinto ang balkonahe at tinakpan ng kurtina ang pinto niyon. Lumapit ako sa kama at doon gumulong gulong dahil sa lamig ng aircon ay muling tumayo at nagtungo sa bandang aircon at doon ni-lower ang aircon.

Bumalik ako sa kama at doon humiga at tinabunan ng kumot ang kalahati ng katawan ko at doon na nagpalamon sa antok.

•°•°•°•°•°

Nagising ako dahil sa narinig na katok , napakamot ako sa batok "pasook!" Sigaw ko dahil na din sa katamarang gusto ko pang matulog. "Kuya , woy!" Si Yviee.

' Nak ng! Ano na naman ba ang kailangan mo!? '

Sinagot ko sya sa pagkakunot ng aking noo habang patuloy na nahihimbing nang biglang--- "T*angina!" Sigaw ko nang biglaang tinalunan ako ni Yviee sa tiyanan at nakakasakit no'n. Nagising ako at nahihirapang umupo dahil sa sakit na nararamdaman. "Wahahahaha!" Tawa nya kaya mas sumama ang tingin ko sa kanya , madaling tumayo ako at kinarga syang parang sako at inikot ikot.

"Ahhhhhhhh!" Sigaw nya dahil sa hilo pabagsak na inupo ko sya sa sofa ko at napakamot ako sa ulo ko nang maramdaman pa rin ang pagod sa akin. "Puta 'to nananahimik na yung tao!" Galit kong sabi.

"Anuba! Kanina ka pa nakatulog dyan 5:37 na hindi ka pa din gigising!? Kakain na woy." Umayos ako ng upo at nakapikit ang mga mata hindi ko maiwasang ngumuso dahil nawala ang antok ko dahil sa ginawa nya at talagang ayaw kong binibitin ang tulog ko.

𝙁𝙖𝙠𝙚 • 𝙟.𝙟𝙠 × 𝙡𝙡.𝙢 • (𝘾𝙊𝙈𝙋𝙇𝙀𝙏𝙀𝘿) Where stories live. Discover now