Kabanata 1

2.4K 52 2
                                    


Dilim

Sobrang rangya ng paligid dito sa mansyon! May chandelier na malaki sa gitna ng mansyon, may marangya ding hagdanan pataas. Parang napakagandang lakadan nun. Meron ding mga figurines na alam mong hindi basta basta ang halaga. Aguas is so rich! Bumitaw ako sa pagkakapit ni papa hindi nya ako napansin dahil busy sya pakikipag usap kay tito Mateo. Naglakad ako papunta sa lagayan ng mga pictures.

Nakita ko si tito Mateo sa isang wedding picture kasama ang mukang amerikanang babae. Ito siguro ang asawa nya. Sobrang ganda nito, abo ang mga mata at may blonde na buhok. Tapos may nakita din akong picture na kasama si papa, tito Mateo, yung amerikana, at tita Lorna? Kaibigan din nila si tita Lorna? Tita Lorna papa's half sibling. Lola had two children but they have different dad's. Tinitigan ko pa ang ibang picture pero tumigil ako sa isang pamilyar na mukha. Sya yung anak ni tito Mateo! Sa pangalawang beses napatitig ako sa kulay tsokolate nitong mga mata, kahit sa kamera ay malamig ang pagkatitig nya.

Maputi, matangos ang ilong, mapupula ang mga labi at may lubog at mapilantik ang kanyang brown na mata. I wish I have those eyes, napaka ganda ng mga mata nya! May kasama itong morenong lalaki ngunit gwapo din ito. Sino kaya ito?

"Messeah!" Tumingin ako sa likod nakita ko si papa
"Why?" Tanong ko
"Let's eat?" Aya nya sa akin. Tumango ako at sumunod sa kanya. Bumungad sa akin ang engrandeng dinning area. 10 seater ang lamesa napakalawak at ganda ng lamesa nila. Marami ang nakahanda sa lamesa. Maunti lang naman kaming kakain pero ang daming nakahain. Umupo ako sa tabi ni papa.
"Ito na ang anak mo Jairus?" Tanong nung amerikana. Magaling syang magtagalog bagama't may accent na maririnig sa kanya. Umupo ito sa tapat ko.
"She's pretty! She looks like a doll!" She said. Tumawa si papa.
"Ofcourse I am handsome. San pa ba magmamana?" Biro ni papa. Tumawa sina tito Mateo.
"Hambog ka pa rin talaga Jairus!" Tawa ni tito Mateo.
"Anong hambog dun? That's the truth" natatawang sagot ni papa. Umiling lamang si tito Mateo habang nangigiti.

"Kamusta ang kompanya mo?"tanong ni tito Mateo. Ang tinutukoy nya ay ang aming jewelries company. Sikat yun dito sa Pilipinas, magaling si papa na businessman.
"It's fine. Maganda ang takbo nito. Balak ko ngang mag karoon nito sa buong south east asia, sinimulan ko na sa Singapore."sabi ni papa. Nagsimula na akong kumain habang sila ay nag kekelwentuhan about business.
Nang matapos akong kumain ay nilingon ko ang labas. I want to go outside. Hinigit ko ang damit nito. Tumingin sya sa akin.
"I want to go outside" i whispered. Tumango lamang sya at bumalik na sa kwentuhan nila. Naglakad ako palabas ng mansyon. Humampas ang malamig na hangin pagtapak ko sa labas. It's so peaceful parang ang ganda ditong manirahan. Yapos ko ang aking manika ng pumunta ako sa dalampasigan. Palubog na ang araw mag sisimula na ang dilim. I hate darkness, pakiramdam ko pag nilukob ng paligid ang dilim, wala kang pagkakatiwalaan kundivamg sarili mo because you can't see everyone even their deepest secret. Huminga ako ng malalim, lagi kong pinapanalangin na sana maging 18 na ako, i want to explore and know the world and i can do that when I am finally 18. Only child ako, i am a little bit spoiled.

Tumingin ako sa araw na unti unti nang lumulubog. Sa lugar na to una kong nakita ang sunset, so i want to make a wish. After a minute of wishing napadilat ako dahil sa malakas na halinghing ng kabayo. Napaupo ako sa gulat! Gumulong ang manika ko sa buhangin, nakita ko ang kabayo nakasakay dito ang isang lalaki na pamilyar ang mukha. Tumayo ako at muling tumingin sa kanya and anger filled me. How dare he do that to me?! Nang bumaba ang lalaki sa kabayo nakita ko ang kabuan nya, nakasuot sya ng pang horse riding na damit. Napagtanto ko din ang katangkadan nya. He's so tall, hanggang dibdib nya lang ako, then I realize, sya yung nasa portrait na anak ni tito Mateo!

Masama ang tingin ko sa kanya. Kahit gwapo sya wala akong pakielam sinira nya ang mood ko dahil sa pangit nyang kabayo! Yumuko sya at hinagilap ang manika ko na nasa buhanginan tumingin muli sya sa akin, napansin ko ang kanyang malamlam at brown na mga mata. Humakbang sya palapit sa akin ngunit umatras ako.

"How dare you!" Galit kong sigaw sa kanya. Kumunot ang noo nya. Ngunit hindi sya nagsalita, mariin syang tumitig sa akin, nakakapanghina ito, ngunit pinapalakas ako ng galit ko sa kanya.
"Why did you do that?!" Galit ko muling tanong. Kunot na ang noo nyang nakatingin sa kin.
"As far as i know i didnt do anything" he said. Ang lamig ng boses nya, nangilabot ako ngunit mas malakas ang galit ko.
"Kahit na! Just shut the mouth of your fucking horse,! Nakakainis! Bakit ba dito pa nag ingay ang kabayo mo?" Sunod sunod pagsasalita ko.

He look directly into my eyes at hindi ko maintindihan kong bakit lumakas ang kabog ng dibdib ko. Nakaka intimidate ang presensya nya.
"It's natural it's our place." He coldly said. Nagtagis ang bagang ko.
"And your so young to cuss like that kid" malamig nya ulit na sabi. Tumalim lalo ang mata ko. Kid?
"Kung maka kid ka! Im not very young! Bata ka pa rin naman!" Galit kong sigaw. He smirked. Tumaas ang kilay ko.
"I am 5 years older than you kid. So dont try me" may iritasyon na sa boses nya.
"Tseh! Wag mo kong kausapin!"sigaw ko hinigit ko sa kanyang kamay ang manika ko at mabilis na umalis dun. He is 15 years old? Pano nya nalaman ang edad ko? Unti unting huminahon ang pagtibok ng puso ko. Shit! What was that?!

Wrath Of The Past (UNEDITED)Where stories live. Discover now