GameLahat ng galit ko nawala. Lahat ng pinlano ko pumalpak. And it's because hindi ko kaya. Hindi ko kayang makita si Matthew na tuluyang lumalayo sa akin. Hindi ko muna iisipin ang tingin ng ibang tao. Hindi ko muna iisipin kung ano ba talaga ang tunay na problema. Hindi muna ako ngayon mag iisip, hahayaan ko muna ngayon manguna ang puso ko.
"Bakit ka nakangisi ng ganyan?" Nakataas kilay ko sa kanyang tanong. Nandito kami sa isang restaurant kung saan sya ang pumili. Maganda ang restaurant na to, halatang mayayaman lang ang nakakakain. Noong bata ako kahit hindi naman kami masasabing mahirap pangarap ko ang makapasok dito.
Tinitigan ko si Matthew na nakangisi sa akin ngayon, kumunot lalo ang noo ko.
"I'm thinking." Smirked is still plastered in his face. Uminom ako ng juice.
"And what are you thinking?" Tanong ko.
"Ang ganda mo pala." Natutuwa nyang sambit. Dumagundong ang puso ko, naramdaman ko din ang pag init ng pisngi ko ngunit pinanatili ko ang kunot sa noo ko.
"A-At bakit? P-Pangit ba ako noon?" Medyo galit kong sabi. Humalakhak sya.
"Nope. Iba kasi ayos mo ngayon." Tapos tiningnan nya ang suot ko. Umayos ako ng upo.
"And you're cute when you blush." He said. Nanglaki ang mata ko.
"What?! I'm not blushing!" Tanggi ko.Tumaas lang ang kilay nya sa akin at nagsimula na syang sumubo ganun din ako.
"Nasan nga pala si Ruth?" Walang emosyon kong tanong. Bumaling sya sa akin habang umiinom ako ng juice.
"What about her?" Umirap ako. Lalong kumunot ang noo nya.
"Lagi kayong magkasama di ba? Nasan sya ngayon?" Hindi nakaalpas ang mapait kong tono.
"Hindi kami laging magkasama, Messeah." Seryoso nyang tugon."As if maniniwala ako sayo. Sabi nya bestfriend kayo." Balewala kong sabi. Tumigil sya sa pagkain at buong atensyon na tumingin sa akin, pero magpatuloy ako sa pagkain.
"We're not bestfriend. Why are we talking about her anyway?" Mariin nyang tanong.
"Aww. Pag nalaman nyang tinanggi mo sya it will be hurt by her side. Atsaka masama bang pag usapan sya? Syempre di ba MAS pinili mo sya noong nasa elevator tayo? Kaya bakit hindi natin sya pag uu-"What?!" He cut me off. Madilim na ulit ang mga mata nya. Tss. Bakit ba sya magagalit? Di ba dapat ako ang galit? Tumahimik na lang ako at nagpatuloy kumain.
"I'm not choosing her that time. It's just that my father called me-" tumingin ako sa kanya."Dapat talaga kasama sya?" Mataray kong tanong. Kumunot ang noo nya.
"Her dad is a doctor of your father. At nagkasabay lang kami papunta dun." He said. Hindi na ako umimik. Kahit na nalaman kong doctor pala ang tatay nya ng tatay ko. Hindi pa rin ako kumbinsido kay Ruth. Halata naman na may gusto sya kay Matthew, at talagang napakamanhid lang nitong lalaking ito."Teka nga, are you jealous?" Halos mapatayo ako sa tanong nya. What? Jealous? Tss. Tanga ba sya? Syempre Oo! At hindi ko sasabihin yun sa kanya.
"What? Of course not!" Tanggi ko. At ngumisi na naman ang hinayupak.
"Ayaw ko na! Aalis na ako." Tumayo ako at kinuha ang sling bag ko.
"Hey! Wait." Hindi ko na sya inintay at diretsong umalis sa restaurant.Maya maya lang naramdaman ko na sya sa likod ko.
"You should learn how to wait." Malamig na sabi nya. Lumingon ako sa kanya.
"Bakit ako mag iintay?" Tanong ko.
"Kasama mo ako."
"Ohh sorry, I'm not informed" nakita ko ang pagtagis ng bagang nya. Umiwas ako ng tingin. Bakit lalo syang gumagwapo pag galit sya? Maglalakad na sana ako papuntang taxi nang naramdaman ko ang pagdausdus ng kamay nya mula sa braso ko papunta sa aking pulso. Napatigil ako dahil nakaramdam ako ng kakaibang kuryente na dumaloy sa akin. His touch gives shiver down my spine. Walang sabi sabi hinila nya ako papunta sa sasakyan nya.Nang makapasok kami ay wala kaming imik parehas. Hindi pa ako nakakamove on sa naramdaman ko kanina.
"Where we going next?" Tanong nya. Pinigilan ko ang sarili ko na tumingin sa kanya.
"May kasunod pa?" Nagtataka kong tanong.
"Of course we're having a date." Sa sobrang gulat ko sa sinabi nya hindi ko napigilan ang paglingon sa kanya kaya naman nagtama ang aming mga mata. What did he say?!
"D-Date? Pinaglololoko mo ba ako, Matthew?" Tumaas ang kilay nya.
"Mukha ba akong nagloloko?" Balik nyang tanong. Sa huli sumuko na ako.
"O-Okay. Ikaw na mag isip kung saan pupunta." Sabi ko. Tumango sya at nagsimula ng magmaneho.
YOU ARE READING
Wrath Of The Past (UNEDITED)
RomanceMesseah Jade Benosa was sheltered her whole life. Her life was just evolving around his father but when a man named Matthew Kier Aguas was introduced to her she knows that her life will never be the same again. --- Messeah, wished to grow faster so...