Kabanata 33

1K 25 0
                                    


Said

Umalis din si tita Kristine pagkatapos namin mag usap. Sadya ba talagang mabagsik ang buhay? O ang nakaraan ang tunay na mabagsik? Maraming nangyari sa nakaraan na hanggang ngayon ay hinahabol ako. Tama nga si tita Kristine hindi dapat ako magpadalos dalos ng desisyon. If I give tita Lorna the company all the hardship of Papa will be nothing at ayaw kong mangyari yun.

Hindi ko namalayan ang oras, buong araw akong nasa ospital at binabantayan si papa. At alam ko sa sarili ko na sa buong araw na ito iniintay ko ang pagbabalik nya. Tiningnan ko ang oras at nakita ko na alas syete na ng gabi. Kita ko rin sa bintana na madilim nasa labas.

Biglang bumukas ang pintuan at iniluwa nun ang isang tauhan ni tito Mateo, may inilagay syang mga pagkain sa lamesa. Lumapit ako doon.

"Salamat po" sabi ko ng palabas na sya. Tumango lamang ito sa akin. Sinimulan ko na itong ayusin. Hindi ko alam kung nakailan na akong lingon sa pintuan anticipating Matthew will come in. Natapos na lang akong kumain wala pa rin sya.

Tumingin ako sa orasan at halos alas dies na ng gabi. Nakapalumbaba akong nakatanaw mula dito sa bintana. Hindi ko alam kung bakit may kumikirot sa dibdib ko. Bakit ako umaasa na babalik pa sya dito? His duty is done with me. Nakabalik na kami at hindi nya na ako kailangang bantayan. Atsaka marami syang responsibilidad sa buhay. He's the first born.

Kaya bakit  umaasa akong babalik sya? Dahil ba sinabi nya? You can't expect all those promises to be true. Binuksan ko ang bintana, bumungad agad ang hampas ng malamig na hangin sa labas. Then suddenly I remember Hacienda Reàl. I missed that place.

Nakikita ko sa labas ang mga sasakyan at mga taong naglalakad patungo sa kanilang mga destinasyon. Minsan talaga hindi ko maintindihan ang buhay. Minsan bibigyan ka ng kasiyahan at hihilingin mo na huwag na itong matapos pero sa oras na mahiling muna ito syaka ito matatapos. Lahat mawawala sayo, at nakakatakot muling humiling dahil baka sa oras na gawin mo ito ulit mawalan ka na ng pag asa.

Gusto kong umalis sa buhay na ito at ipagpatuloy na lang kapag maayos na ang lahat. I want to skip the problems and sadness. Pero alam kong mali ito. Dahil hindi mo masasabing buhay ito kung walang problema at kalungkutan.

Napatingin ako sa madilim na kalangitan, kakaunti lamang ang mga bituin ang iba ay mukhang nagtatago at ayaw magpakita. Noong bata ako kapag tumitingala sa langit at nakikita ang bituin lagi kong hinihiling na maging kagaya nila ako. Isang bituin na kumikislap sa tuwing sasapit ang gabi. Dahil ang bituin may kalayaan, kung gusto nitong kumislap kikislap ito sa kadiliman ngunit kung ayaw na nito mawawala na lang ito sa kalangitan ng hindi mo namamalayan.

Kinaumagahan dumating si tita Kristine para bisitahin ako.
"Nakatulog ka ba ng maayos?" Tanong nya habang nililigpit namin ang aming pinagkainan.
"Opo" maikli kong tugon.
"Bumisita ba si Matthew?" Napatigil ako sa kanyang tanong.
"O-Okay lang na hindi na sya bumisita. Alam kong marami syang trabaho" sabi ko. Tahimik si tita Kristine habang pinagmamasdan ako. Hinugasan ko sa sink ang mga pinggan na ginamit namin. Tinulungan ako ni tita Kristine.

"Birth month mo di ba?" Napatingin ako sa kanya. How did she know?

"Opo" sabi ko.

"I don't know what the exact date" she said with a smile.

"September 24" sabi ko. Tumango sya at nagpatuloy sa gawain.

"Your turning 17 right? Do you want to continue your study? I know its complicated but you can homeschooled you are just high school anyway" sabi nya.

"Okay na po sa akin ang homeschooled, I just want to graduate" i said.

Nang matapos kami sa ginagawa ay nagpaalam na sya na aalis. Pero bago sya umalis inabot nya sa akin ang aking cellphone.
"Messeah, its your phone. I saw it in your bag" she said. Tinanggap ko ito at nagpaalam na sya.

Wrath Of The Past (UNEDITED)Where stories live. Discover now