Kabanata 29

1.1K 26 0
                                    


Ramdam

Nagising ako dahil sa isang katok sa pintuan ng kwarto ko. Siguro ay si Manang Rosie na ito. Ngunit napakunot ang noo ko ng maalala na wala nga pala si Manang Rosie. Dire diretso ako sa pintuan. Hindi ko inayos ang buhok ko, at wala akong naging pakielam sa itsura ko. Pero ng buksan ko ang pintuan ay halos gusto ko na lang tumakbo papasok sa banyo at doon ay magtago.

What the hell? Bakit nandito si Matthew?!

Nagugulat akong tumingin sa kanya. Samantalang sya ay nakangising nakatingin sa akin. Halos mahiya ako sa itsura nya dahil maayos na syang nakadamit. He's wearing a white v-neck and a maong pants na pinaresan nya ng boots. Amoy na amoy ko din ang humahalimuyak nyang pabango. Kita ko din ang kunting basa sa kanyang buhok, tanda na kaliligo nya palang.

Dumapo agad ang kamay ko sa buhok ko at alangan na hinawi ito para maging maayos ang itsura.

"A-Anong kailangan mo?" Nauutal kong tanong. Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya dahil nahihiya ako sa maaaring itsura ko ngayon. Ngunit parang nasisiyahan pa sya sa nakikita nya.

"We're going to horse ride." Sabi nya. Kinakabahan ako sa mga titig nya. Shit! Bakit ba kasi hindi ako nag ayos. Nakakahiya
"Ah. O-Okay. I-I will just change." Sabi ko. Mapaglaro nya akong tiningnan at lalo akong nahiya.

Isasarado ko na sana ang pintuan ngunit pinigil nya ito. Napatingin ako sa kanyang malalalim ngunit mapaglarong mga mata.
"I like your morning face" humalakhak sya. Uminit ang pisngi ko sa sinabi nya.

"Wag mo kong lokohin! I'm sure I look like a rag doll now" singhal ko. Umirap ako sa ngiti nya.
"Atleast you still a doll" lalo syang ngumisi. What? So mukha nga akong rag doll? What the heck?

"Tsss. Umalis ka na. Magbibis ako" umirap ako sa nakangisi nya pa ring mukha.
"Okay" pero hindi pa rin sya umaalis at nanatili dun.

"Matthew!" Sigaw ko. Tumaas ang kilay nya.
"What?" Natatawa nyang tanong.
"I sad get out-" hindi nya ako pinatapos.
"Kanina ko pa inalis ang kamay ko sa pintuan. You can now close it kahit nandito pa ako." Nakangisi nyang sinabi. Uminit ang pisngi ko. Shit!

"Tse!" Padabog ko itong sinara. Hindi ako mapakali habang nagbibihis. Ano kayang susuotin ko? Nakita ko ang isang puting polo na may mahabang manggas at kulay asul na jeans meron din akong nakitang boots na kulay brown. Yun na lang ang sinuot ko, pagkatapos ay tiningnan ko ang sarili sa salamin. Napangiti ako sa itsura. Even when I'm still 16 matangkad at may kurba na ang aking katawan ko. Hindi nga lang sobrang halata dahil medyo payat ang pangangatawan ko. Pero hindi naman ako buto't balat. I'm slender.
Matangkad din ako, kaya't minsan talaga ay napagkakamalan akong bente na o kaya naman ay 18 na.

Bumaba ako sa engrandeng hagdanan ng mansyon. Nakita ko agad si Matthew na nakatayo sa malaking pintuan ng mansyon. Nang maramdaman nya ang pagdating ko ay agad nya akong nilingon. Pinasadahan nya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Uminit ang pisngi ko sa ginawa nya pero nanatili syang nakangisi.

"You should eat first" he said while walking towards me.
"Ikaw ba nagkain ka na?" Tanong ko.
"Yeah" kumunot ang noo ko. Pinagsalikop nya ang aming mga kamay. Napatingin ako dun ngunit tinaas ko agad ang tingin sa kanyang mga mata.
"W-Why don't you join me?" I asked. Umiling sya.
"I want to watch you eat. Let's go" hinigit nya ako papuntang dining. Nakita ko dun ang mga pagkain. Iniupo nya ako kung saan lagi akong umuupo. Umupo sya sa harap ko. Kunot noo ko syang tinitigan.
"Hindi ako komportable kapag nay nakatingin sa akin habang kumakain" sabi ko. Humalumbaba sya sa aking harapan at malalim akong tinitigan.
"Then we'll make it comfortable" sabi nya habang tinitigan ako.
"Matthew!" Protesta ko. Tumaas ang kilay nya.
"This is what I want, Messeah. and you can't do anything about it. Just eat" he said. Umiling lamang ako at nagsimula ng maubos ngunit binilisan ko lamang ito. Dahil pakiramdam ko bawat subo ko ay talagang tinitigan nya. Ano ba kasing kahibangan itong ginagawa ni Matthew?

Wrath Of The Past (UNEDITED)Where stories live. Discover now