Kabanata 38

1K 24 0
                                    

Awake

"Matthew, you need to go now" tinitigan ko syang komportableng nakaupo sa couch. Nilapitan ko sya at hinigit ang kamay para tumayo kaso nga lang ay mabigat sya kaya wala ding nangyari.
"My secretary can handle that" he said. Inirapan ko sya. Kanina kasi tumawag si tito Mateo at pinapatawag sya sa company at kanina ko pa rin sya pinipilit umalis kaso ay ayaw nya.
"Ano ba Matthew, you need to go. Hindi mo dapat iasa yun sa secretary mo. At ano na lang ang sasabihin ni tito Mateo?" Pangungumbinsi ko. Sa halip na sya ang mahila ko ako ang nahila nya paupo sa lap nya. Dumagundong na naman ang puso ko. Hindi na yata ako masasanay. Malaki talaga ang epekto ni Matthew sa akin.

"I want to stay" he whispered through my ears. Huminga ako ng malalim at bumaling sa kanya. Tinitigan ko ang kanyang mga mata na nakatitig lamang sa akin.
"You will. Sandali ka lang naman aalis di ba? Babalik ka naman." Sabi ko. Umiling sya at sinandal ang noo sa aking balikat. Bumuntong hininga ako.
"Ayaw ko" pagtanggi nya.
"Pag hindi ka pa umalis ngayon, ako mismo ang kakaladkad sayo palabas at hindi ka na dito makakapasok pa." Seryoso kong sambit.

Nag angat sya ng tingin at manghang nakatingin sa akin.
"You can do that?" Tanong nya. Halos matawa ako dahil may halong takot na ang mga mata nya. Hmm, only Messeah can do that. Pinag cross ko ang aking mga braso at nagtaas ako ng kilay sa kanya.
"Of course I can" sabi ko. Natahimik sya.
"Ano aalis ka ba o kakaladkadin pa kita?" Tanong ko. Bumuntong hininga sya.
"You can now know how to use that against me huh?" Napangiti ako, tumayo ako sa pagkakaupo sa kanya. Nagkatinginan kami.
"Go now Matthew" marahas syang bumuntong hininga at parang iritado na ang mukha. Lalo akong napangiti. At nang nakita nya akong nakangiti kumunot ang noo nya.

"Why are you smiling?" Iritado nyang tanong. Nagtaas ako ng kilay.
"Bakit masama?" Balik kong tanong. Tumayo sya at dahil hanggang baba nya lang ako tumingala ako sa kanya dahil magkalapit na kami.
"Okay, I go now" pag suko nya. Tumango ako at naglakad na sya patungo sa pintuan sinundan ko sya. Napahinto ako ng huminto din sya sa pintuan. Nagtatanong akong tumingin sa kanya.

"Bakit?" Tanong ko habang nakatingin sya sa akin.
"I forgot this" nanglaki ang mata ko ng bigla nya akong hinalikan ng mabilis sa labi.
"I'll be back, so wait for me" then he leave me dumbfounded.

Halos mapunit ang labi ko dahil sa ngiti. Lumingon ako kay papa na mahimbing pa ring natutulog lumapit ako sa tabi ni papa at hinawakan ang kanyang kamay. Pinagmasdan ko ang kanyang mukha at naalala ko na naman ang mga ngiti noon ni papa na hindi ko na ngayon nakikita.
"I love Matthew Papa." Tumingin ako sa kamay naming magkasalikop. Noon pa man sinasabi ko kay Papa lahat ng nararamdaman ko ngunit hindi ko alam ang nararamdaman nya. My father was always secretive.

"I'm happy with him. But I will be more happy if you wake up. I need you to wake up Papa. Don't you miss me?" Naiiyak kong sambit.
"Cause me? I always miss you" sumisikip ang dibdib ko. Seeing how papa sleep and unconscious make me cry.

Hanggang sa nakatulog ako sa tabi ni Papa, iniintay ko pa rin ang paggising nya. Before I sleep I wish that when I wake up, Papa is finally okay and awake. Ngunit hindi pinakinggan ang aking hiling dahil sa paggising ko, ang una kong nakita ay ang walang malay na katawan ni Papa.

Bandang alas kwatro ng dumating si tita Kristine. Nang tumingin ako sa kanyang mata nakita ko ang kaguluhan at lungkot. Mukhang may problema si tita Kristine. Lumapit ako sa kanya na ngayon ay nakaupo sa couch namin. Nakangiti sya ngunit iba ang sinasabi ng kanyang mga mata.

"Tita, are you okay?" Tanong ko.
"Oo naman, hija. Ikaw ba okay ka lang?" Maligaya nyang tanong. Kumunot ang noo ko. Pinipilit nyang maging maligaya sa aking harapan. If she's sad bakit nya tinatago?

"Okay lang naman po." Sabi ko. Timingin sya sa direksyon ni Papa, at nakita ko dun ang lungkot sa kanyang mga mata.
"May problema po ba?" Hindi ko na natiis ang pagtatanong.
"Your Father is a good man" nangilig ang boses nya. Ramdam na ramdam ko ang kalungkutan ngunit hindi ko maintindihan kung para saan.

Wrath Of The Past (UNEDITED)Where stories live. Discover now