Never forget
Tulala ako habang nakatingin sa ceiling ng kwarto ko dito sa hotel. Hindi maalis sa isip ko ang mga nalaman ko kanina...at lalo nasa lahat ay ang mga...mata ni Matthew.
Hindi ko inakala na sya ang nasa likod ng pagkamatay ni Isabella Thomas. Hindi ko man lang naisip na sya ang nag utos nun. Bumaling ako sa aking wrist watch and it's already 10 pm. Actually kauuwi ko lang. Pagkatapos ng pag uusap namin ni Matthew ay inihatid nya na ako dito. At ang kanyang mga huling sinabi sa akin ay talaga namang tumatak sa aking isipan at puso.
Bumangon ako at pinatay na ang ilaw ng buong kwarto. Ang itinira ko lang buhay ay ang lamp shade sa tabi ng aking kama. Muli akong humiga at sinubukang ipikit ang mga mata dahil gusto ko ng matulog ngunit sa pagpikit pa lang ng aking mata si Matthew lang ang aking nakikita. Muli akong nagmulat.
Bakit ang hirap hirap mong kalimutan Matthew? Sinubukan kong kalimutan ka sa loob ng limang taon pero bakit hindi ka man lang nawala? Sa halip ay nanatili ka pa. Ngayong nagkita ulit kami lalong lumala. Dati na akong lunod sa kanya. Pero hindi ko inakalang magiging mas lunod na lunod pa ako. At napakasakit sa akin na alam ko na maaaring hindi nya pa ako napapatwad o baka naman may...mahal na syang iba.
Natigil ang aking pag iisip ng marinig ko ang aking cellphone na tumutunog. Kinuha ko ito at tiningnan ang tumatawag ngunit halos mabitawan ko ang aking cellphone ng makitang si Matthew ang tumatawag. Shit! Nanginginig ang aking kamay ng sagutin ko ito.
Bakit sya tumawag?
Hindi agad ako nagsalita, lumunok muna ako bago ako nagbigkas ng sasabihin.
"Matthew?" Tawag ko.
"You still awake?" Sabi nya sa kabilang linya. Kumunot ang noo ko.
"Yes. Why?" Sabi ko.
"Sleep now." He commanded.
"Matutulog na sana ako, tumawag ka lang." I lied. I heard him chuckled. Lalo lang lumalim ang gatla sa aking noo."Sorry about that. I can't help to call you." He said with a soft tone. Feeling ko tuloy hinehele nya ako sa sobrang lambot niyon.
"W-Why?" Nauutal kong tanong.
"I missed your voice. I want to hear it again. So I called you." Kung kanina malakas na ang tibok ng puso ko, mas lalo na ngayon!
"I-I will sleep now." Sabi ko sa nangingilig na boses. Tumikhim sya sa kabilang linya."Alright. Goodnight." He said.
"Goodnight." And our call ended.Pagkatapos nun nakatulog na din ako ng may ngiti sa mga labi.
Kinabukasan wala naman akong lakad. Yung furniture naman kina Matthew ay kasalukuyan pang pinoproseso kaya wala namang meeting na magaganap. Gusto ko sanang puntahan si Papa ngayon ang kaso lang medyo malayo yun dito sa aking hotel baka gabihin na naman ako. Siguro sa susunod na araw ulit.
Pagkatapos kong maligo nagsuot lamang ako ng maong short at spaghetti strap. Nag order ako ng pop corn at ng makarating yun ay binuksan ko ang tv para manuod ng movie. Siguro ito na rin ang time ko para makapagpahinga. Wala pa ako sa kalahatian ng movie may narinig akong katok sa pintuan. Tumayo ako para pagbuksan ito. Halos mapatalon ako ng makita ko doon si Matthew.
"M-Matthew." He looks amused on something. My mind can't think normally when he's near!
"Can I come in?" He smirked. Bakit biglang ang aliwalas naman yata ng kanyang mukha ngayon.
"Ahh, sure." Sabi ko. Nilakihan ko ang bukas ng pintuan kaya naman pumasok na sya. Ngayon ko lang napagtanto na may dala syang supot. Sinarado ko ang pintuan at sinundan sya sa mini sala nitong kwarto."What is that?" Tanong ko. Nilapag nya ito sa lamesa at inilabas nya ang mga pagkain na galing pa sa isang fast food. Habang inaayos nya ito hindi ko mapigilan na titigan sya. He's wearing a maong pants ang a black v neck tshirt at kahit sobrang simple lang ng kanyang suot nakakaagaw pa rin sya ng pansin sa karamihan.
YOU ARE READING
Wrath Of The Past (UNEDITED)
RomanceMesseah Jade Benosa was sheltered her whole life. Her life was just evolving around his father but when a man named Matthew Kier Aguas was introduced to her she knows that her life will never be the same again. --- Messeah, wished to grow faster so...