Wakas

1.7K 33 2
                                    

*Ito na po ang Wakas ng ating Matthew and Messeah. This is not a perfect story, merong typo error and wrong grammars but I really appreciated the readers who still reading my story or this story. Thank you for the priveledge but yet this story is my first and also not my only. Hanggang sa susunod!!!*

With him

Sa lahat ng mga nangyari sa aking buhay, hindi ko na inasahan ang maging masaya. Umasa na akong habang buhay na akong magiging malungkot. At ngayon ko lamang na laman na ang buhay ko ay hindi para maging malungkot, ito ay para maging masaya sa kung anong tatahakin o pipiliin kong desisyon.

Hindi sapat na mag magmahal ka lamang ng hindi nya alam. It's important that the someone you love knows your feelings. Hindi sapat na magmukmok ka lang sa isang tabi at hayaan ang oras na lumipas. You need to move just for you to be happy and contented.

Ang salitang sapat ay kulang pa pagdating sa pagmamahal. Hindi sapat ang oras na magiging kasama mo sya. Hindi sapat ang minuto o kahit ang mga segundo. Patuloy akong hihingi ng marami o higit pa. Dahil kahit ang habang buhay ay hindi sapat para mahalin ang isang Matthew Kier Aguas.

"Akala ko uuwi ka na noong nakaraang buwan." Sabi ni tita Lorna. Katawagan ko sya ngayon sa skype. Halos isang buwan na din ng sabihin ko sa kanya na babalik na ako ngunit hindi na natuloy yun.

"May nangyari kasi." Sabi ko habang nakangiti. Tumaas ang kilay nya sa akin.
"Parang may nagbago sayo, anak." Maligaya ang kanyang tono. Masyado bang obvious?

"Ano kasi-" I stopped when I felt Matthew's arms snaked on my waist. Shit! Hindi pa to alam ni tita Lorna! Nakita ko kung paano manglaki ang mga mata ni tita Lorna dahil kay Matthew na ngayon ay nakapatong na ang ulo sa aking kanang balikat habang ang mga braso ay nakayapos sa aking bewang.

"What....is..the meaning of.....this?" Paputol putol nyang sinabi.
"Uhm, tita ito po ang dahilan kung bakit hindi ako nakauwi." Sabi ko. Hindi nagbago ang kanyang gulat na mukha hanggang sa matapos na ang tawag. Nang namatay ang laptop ay bumaling ako kay Matthew na ngayon ay nakayapos pa rin sa akin mula sa likudan.

"I told you to hide first! Ayan tuloy! She looks so shocked!" Sabi ko habang natatawa. Nakita ko ang pagngisi nya.

"Nainip ako eh." He said. Napairap na lang ako. Naramdaman kong hinalikan nya ako sa aking pisngi na nagdulot sa akin ng munting kiliti.

"Stop that! Come on! Stand up, pupunta pa tayo kay Papa." Pinilit ko syang tumayo pero ang bigat nya hindi ko sya kayang buhatin kaya nanatili sya sa aking likod habang nakayakap.

"Inaamad ako. Can we go tomorrow instead? Nakapunta na naman tayo doon nung isang linggo." He said in a lazy tone.

Naalala ko nung nalaman ni Papa ang tungkol sa amin.

"Hindi na ako magugulat. Matagal ko ng alam na may nararamdaman kayo sa isa't isa." Sabi ni Papa. Humalakhak si Matthew sa tabi ko.

"Papa naman." Nahihiya kong sinabi feeling ko kasi ako yung pinariringgan nya.

"Kailan ba ang kasal hijo?" Bumaling sya kay Matthew na ngayon ay nakangisi na sa akin. Nag init ang pisngi ko sa sinabi nya.

"After the year ends maybe?" Sabi ni Matthew. Nanglaki ang mata ko sa sinabi nya. What?!

"What?!" Pahisterya kong tanong. I didn't know that! Kumunot ang noo sa akin ni Matthew.

"Why? Doon din naman ang punta nun di ba?" Sabi nya. Is he serious?

Hindi na ako nagkachance na magsalita ng humagalpak na si Papa ng tawa.

Bumalik sa huwisyo ang aking isipan ng naramdaman ko ang halik ni Matthew sa aking likod ng tainga. Napapitlag ako dahil sa kiliting dulot nito.

Wrath Of The Past (UNEDITED)Where stories live. Discover now