Kabanata 39

996 24 1
                                    

Tears

Humahangos akong tumakbo patungo sa kwarto ni Papa. Nakaramdam ako ng kasiyahan. Sa wakas makikita ko na ang pagmulat ng mga mata ni Papa.

Nang buksan ko ang pintuan nadatnan ko si tito Mateo na seryosong kausap si Papa na ngayon ay may malay na!

"Papa!" Sigaw ko sa galak. Bumaling silang dalawa sa akin at nakita ko ang pag ngiti ni Papa na matagal ko ma ding hindi nakikita. Tumakbo ako kay Papa at mabilis syang niyakap. Kasabay nun ang pagtulo ng aking mga luha. My loneliness, sadness and happiness is on my tears.

"Papa..." bulong ko habang humihikbi. Naramdaman ko ang pag hagod nya sa buhok ko. Matagal din kaming nagyakapan at ng humiwalay ako wala na si tito Mateo kami na lang ni Papa ang nasa kwarto.

"How are you?" Malambing nyang tanong. How I miss is his voice! Pinunasan nya ang aking mga luha.
"I-I'm okay" mahina kong tugon.
"I'm sorry." Nag angat ako ng tingin sa kanya. His eyes is so soft. Malambing nya akong tiningnan.
"I make you worried. And left you" he said.
"It's okay Papa. The most important now is you're awake." Sabi ko.

Niyakap ko ulit sya ng mahigpit. Gusto ko ngayong mag open kay Papa sa lahat ng nangyari sa akin nung wala pa syang malay pero alam kong kagagaling nya lang sa coma and I think it's a bad thing to tell him.

Ramdam ko ang pangungulila namin sa isa't isa. Kaya bakit ako maghihinala na hindi nya ako tunay na anak!? He is my father!

Humiwalay ako sa yakap at tinitigan si Papa. Bagama't gising na sya, maputla pa rin at parang mahina pa si Papa.
"Are you okay now? May masakit pa sayo?" Tanong ko.
"Wala naman anak" ngumiti ako.

Hindi ako umalis sa tabi ni Papa buong oras din kaming nagkwentuhan ngunit di ko sinabi ang mga nangyari sa akin noong wala pa syang malay.

Maya maya lang dumating sina tita Kristine at tito Mateo. Hindi ko alam kung bakit kinabahan ako ng pumasok sila sa kwarto ngunit naibsan din ito ng wala silang kasama na ang pangalan ay Matthew.

Ngunit ang pinagtataka ko bakit may namumuong tensyon sa pagitan nilang tatlo? Nag uusap sila ng ibang bagay pero ang mga mata nila iba ang sinasabi?

"Messeah.." tawag sa akin ni Papa. Lumapit ako, ramdam ko ang pagsunod ng tingin nila tita Kristine.
"Bumili ka muna ng pagkain sa baba." Sabi ni papa. Tumango ako at lumabas na. Alam kong mag uusap silang tatlo na dapat ay hindi ko alam kaya ako inutusan ni Papa. Wala ako sa sariling naglakad patungo sa elevator. Tulala akong nagiintay na bumukas ang elevator.

Ngunit bumalik ang aking ulirat ng magtama ang mata namin ni Matthew dahil sa pagbukas ng elevator ay nandun sya sa loob. Dumagundong na naman ng malakas ang aking puso nanglamig din ang aking katawan. Nakapako na rin ang paa ko sa aking kinatatayuan ng may na realize ako. Kasama nya sa elevator si Ruth Guevarra.

Gumuho ang buong mundo ko. Nanghina ang mga tuhod ko. At hindi ko alam kung anong nababasag na kung anong bagay sa dibdib ko. Sabay silang naglakad palabas kaya naman tumabi ako ng kaunti para makadaan sila. Tumungo ako para hindi na magtama ang mata namin ni Matthew. Papasok na sana ako sa lift ng naramdaman ko ang kamay ni Matthew na pumipigil sa braso ko. Hindi ko namalayan na nag angat na pala ako ng titig sa kanya.

Hindi ko alam kung bakit may nakita akong pagsusumamo sa kanyang mga mata.
"Where are you going?" Tanong nito. Lumunok ako ng isang beses bago ko sya sinagot.
"May bibilhin lang." Sabi ko. Hindi nya ako binitawan.
"Matthew, come on. You're father called you" sabi ni Ruth sa kanyang likod. Nang marinig ko yun, inalis ko ang pagkakahawak nya sa braso ko at mabilis na pumasok sa elevator at isinarado yun. Bago ito sumarado inangat ko ang mata ko at nagtagpo ang aming mga mata ni Matthew hanggang sa hindi ko na sya nakita dahil sa pagsarado ng elevator. Kasabay nun ang pagpatak ng aking mga luha. Ngunit pinalis ko kaagad ito. Pagod na akong lumuha.

Wrath Of The Past (UNEDITED)Where stories live. Discover now