ArmsTulala ako habang pinagmamasdan ang mga puno sa buong hacienda. Hanggang ngayon hindi ko pa rin maintindihan ang mga pinag sasabi ni Matthew kanina, ang alam ko lang pinabilis nito ng husto ang puso ko.
Naudlot ang usapan namin kanina ng tumunog ang cellphone nya, hudyat na may tumatawag sa kanya. Kaya naman pumunta agad ako dito sa duyan kung saan ito ang paborito kong tambayan. Maraming bumabagabag sa akin, nalilito ako kung bakit ganon na lamang sya makapagsalita. Kumunot ang noo ko sa sariling naisip. Hindi ko nga ba to maintindihan o ayaw ko lang intindihin ito?
"Hey" natigil ang aking pag iisip ng sumulpot sa aking harapan si Matthew. Kahit isang pasada lamang ng tingin nangingilabot na ako. He squat in front of me para magpantay ang mga paningin namin. Kahit nahihirapan tumitig ako sa mga mata nyang malalalim at may banyagang kulay. Its color brown. Nagtaasan ang balahibo ko ng hawakan nya ang kamay kong nakasalikop sa mga hita ko. Ramdam ko ang init ng kanyang kamay sa akin.
Babawiin ko sana ito kaso ramdam ko ang paghigpit ng kapit nya sa akin, para bang hindi sya makakapayag na hindi mahahawakan ang aking kamay.
"I broke the rules, remember? I can touch you now" kumunot ang noo ko sa bahagya nyang pagtawa.
"Hindi ko alam kung para san ang mga rules. I just know that I need to used the rules just for you to stay.... and to fade the anger and hatred you are feeling towards me" he said while softly massaging my hands. Titig na titig kami sa isa't isa. At nanunumbalik na naman ang marahas na pagtibok ng puso ko.Bumuntong hininga ako.
"Who called?" Iwas kong tanong. Wala akong nakitang pagtataka sa mga mata nya nanatili itong seryosong nakatingin sa akin.
"It's Mom" he said. Nagsalubong ang kilay ko.
"What did she say?" Mahinahon kong tanong.
"She's just asking about you" hindi ko alam kong binubulaan ba ako ng aking tainga o talagang sobrang lambing ng boses nya? Bumagsak ang mata ko ng maalala ko si papa.
"How's my papa?" Tanong ko."He's okay" maikli nyang tugon. Nanatili ang aming ayos. Nakaupo sya sa harap ko habang hawak ang mga kamay ko. Para kaming couple kung pagmamasdan. Bahagyang uminit ang pisngi ko sa iniisip ko.
"I miss papa, how long will I stay here?" Mahina kong tanong. Nagtaas ako ng tingin sa kanya at nanatili syang nakatitig sa akin.
"Just... three months. Okay?" Hindi ako binubulaan ng aking tainga! Talagang malambing ang boses nya! Dahil dun naghuhurumentado nanaman ang puso ko!"Fine" pag sang ayon ko sa kanya.
"I don't want you to avoid me again. Messeah, promise me that you won't do it again" mahinahon nyang sabi. Nabigla ako sa sinabi nya. He's eyes is so serious!
"B-Bakit?" Naguguluhan kong tanong. He's eyes remain calm, samantalang ako ay halos tumalon na dito.
"It's getting me fucking crazy thinking why you were avoiding me" he said in a calm tone. And his voice is getting husky! Damn!
"O-Okay" mahina kong tugon.Nagtataka akong tumingin sa kanya ng tumayo sya.
"Let's go" he said. Hindi pa ako nakakasagot ng hinigit nya ako patayo. Naglakad sya papunta sa mansyon kasama ako. Nag init ang pisngi ko ng maisip na magkahawak pala ang mga kamay namin. Dire diretso kami sa kusina ng mansyon at nadatnan namin dun ang ilang kasambahay na naglilinis."Pahanda ng meryenda... pahatid sa teresa" sabi ni Matthew sa isang babae na tingin ko'y kasing edad lang niya. At hindi makakatakas sa paningin ko ang pagbaba nya ng titig sa aming magkahawak na kamay.
"A-ah sige po" sabi nito. Hindi ko alam kung bakit nairita ako sa babaeng ito. Binalingan ako ni Matthew kaya naman tumitig din ako sa kanya.
"Anything you like?" Tanong nito.
"Wala" iling ko. Tumango sya tapos hinila nanaman nya ako patungo pataas.
"Where are we going?" Tanong ko.
"In the terrace" he said. Hindi na ako umimik. Maya maya lang pumasok kami sa isang pintuan ng buksan nya ito, bumungad sa akin ang malawak na teresa at kitang kita ang malawak na lupain ng hacienda. Excited akong pumasok.
"Wow!" Namamangha kong sambit. Lumapit ako sa dulo para mas lalong makita ang buong lupain. Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na si Matthew."Dito tayo mag memeryenda" sabi nya. Tumango na lamang ako sa sobrang pagkamangha sa mga nakikita ko. Makikita sa baba ang mga kabayong nakatali, pati na rin yung mga hawak ng mga haciendero. Kitang kita ko din ang mga iba pang hayop na nandito sa hacienda. Tanaw ko din sa malayo ang malaking gate ng hacienda na minsan kong pangahasan na tumakas. Kitang kita ko kung paano sumabay sa hangin ang mga halaman at mga puno. Ang ganda ding pagmasdan ng mga bulaklak na nakatanim sa mga tabi ng pathway.
"Do you know why Hacienda Réal is the name of this place? At hindi sinunod sa pangalan namin?" Bigla nyang tanong. Minsan ko na rin yang naging palaisipan. Pwede namang Hacienda Aguas? Ngunit ipinangalan ito kung saan ito matatagpuan. Bumaling ako sa kanya. Sobrang titig na titig sya sa harapan at bahagya ding hinahangin ang kanyang buhok. Ganun din ang akin kaya sinikop ko ito at nilagay sa kabila kong balikat.
"Why?" Tanong ko.
"Because my ancestors was too in love in this place. They was amazed. Kaya nakalimutan na nila na ibigay ang sarili nilang pangalan." He chuckled. Ngumiti din ako. Posible kaya yun? Sa sobra mong pagmamahal nakalimutan mo na ang ibang bagay?"Is that true?" Natatawa kong tanong.
"Yeah, i don't do lies, Messeah" bumaling sya sa akin at tumaas ang kilay. Naputol ang titigan namin ng may pumasok na kasambahay para ihatid ang aming meryenda. Maya maya ay umalis din ito. Lumapit ako sa isang maliit na lamesa at umupo sa katerno nitong upuan.Natakam agad ako sa mga pagkain. May turon, banana cue, pancit at marami pang iba. Nagtaka naman ako dahil hindi halata kay Matthew na kumain ng pang pilipinong pagkain. Ngunit mas nabigla ako ng ilapit nya sa tabi ko ang upuan nya at dun umupo. Sobrang lapit tuloy ng pagitan namin. Or should I say wala kaming pagitan! Isiniwalang bahala ko na lang at kumuha ako ng pagkain. Ganun din sya.
"Hindi ko alam na mas gusto mo ang mga pagkaing pilipino" tawa ko. Sumandal ako sa upuan ko at nanigas ako ng maramdaman ko ang braso nyang nakapahinga sa likod ng upuan ko. Ngunit hindi ko na lang pinansin. Nagpatuloy ako sa pagkain.
"Why not? It's yummy" he said. Masyado kaming malapit sa isa't isa kaya naman alam kong sa isang lingon lang papunta sa kanyang mukha ay siguradong maduduling ako sa sobrang lapit.
"I thought you always prefer foreign foods" i said. Patuloy pa rin akong kumakain. Ang sarap talaga ng mga pagkaing ganito.
"I am a Filipino, Messeah" natawa ako sa seryoso nyang pagkakasabi nito.
"Yeah at halos 1/4 lang ang dugo mong pilipino" natatawa kong sambit. Totoo naman kasi, purong amerikana si tita Kristine magaling lang ito magsalita ng tagalog ngunit halata ito sa buhok pa lang at sa kulay ng mga mata, samantalang ang tatay ni tito Mateo ay purong kastila at ang nanay naman nito ay kalahating kastila at kalahating pilipino, oh di ba? Ang konti ng porsyento ng pagiging pilipino? At syempre nalaman ko yan kay papa no!Ng mabusog ay tumigil na ako sa pagkain samantalang si Matthew ay nainom na ng tubig. Nanatili ako sa aking upo at inintay syang matapos. Pinanuod namin kung paano dumilim ang kalangitan.
"Sa tingin mo kailan si tita Lorna titigil?" Basag ko sa katahimikan. Nanatiling ganun ang posisyon namin. Sa paraan ng pagkakadantay ng kanyang mga braso sa aking upuan ay tila paraan ng pag aangkin, napailing ako sa aking isipan. Ano ba tong iniisip ko!"Until she get what she want" he said.
"Anong kailangan nya?" Tanong ko naman. Ngayon tuluyan ng sinakop ng kadiliman ang kalangitan at naghahari na ang buwan kasama ang mga bituin.
"You" he only said. Ano naman kaya ang kailangan nya sa akin? Naalala ko ang huli naming pagkikita. Ang tanging gusto nya lamang ay ang ilayo ako sa mga Aguas. Alam kong galit na galit sya sa mga Aguas. Pero wala bang lugar sa kanya para ang magpatawad?"I really want this to end" i said.
"Im not" nagtaka ako sa sinabi nya. Hindi ko na napigilan ang pagbaling sa kanya. At tama nga ako sobrang lapit na ng mukha nya at tila mahahalikan ko na ang pisngi nya. Shit! Kung lilingon din sya sa akin ay tiyak ang paglalapat ng aming mga labi! Ngunit paano ako lalayo gayong naninigas na ako sa aking ayos? What the hell?!
"W-what do you mean?" Tanong ko, unti unti din syang lumingon sa akin. At nagpapasalamat ako dahil hindi nagtama ang mga labi namin ngunit ramdam na ramdam ko ang bango ng kanyang hininga."If the ends come then you will leave right? I rather have you in my arms than leaving." He whispered. My heart is beating really fast! And I can't stop it!
Ang bango ng hininga nya! At gustong gusto ko ng magtatalon sa nararamdaman ko!
At lalo pa akong nanigas ng naramdaman ko ang paglapat ng malambot nyang labi sa aking mamula mulang pisngi."But then while you're in my arms I will give you safety and protect you with all I am" he whispered again. And this time...... my heart give up.
YOU ARE READING
Wrath Of The Past (UNEDITED)
RomanceMesseah Jade Benosa was sheltered her whole life. Her life was just evolving around his father but when a man named Matthew Kier Aguas was introduced to her she knows that her life will never be the same again. --- Messeah, wished to grow faster so...