More Time
Nagising ako sa hindi pamilyar na kwarto. Agad akong napabalikwas ng bangon at nang laki ang mata ko ng makita ko si Matthew na nakaupo sa gilid ng kama. Shit! Dito ako natulog? My goodness!
"Good morning" may ngiti sa mga labi ni Matthew.
"Morning" nakatingin sya sa akin kaya naman hindi ko maiwasan ang tumungo.
"Gusto mo bang ipaakyat ko na lang ang breakfast natin?" Diretso nyang sabi. Nag isip pa ako bago sumagot. Hmm..."Ah sige, pero pwede bang pumunta muna ako sa kwarto ko?" Tanong ko. Kumunot ang noo nya.
"No" seryoso nyang sabi.
"Pero-"
"Your clothes are already here, you can use the bathroom" sabi nya na parang alam kung anong gusto ko. Wait lang! Gagamitin ko ang bathroom nya? Mag poprotesta sana ako kaso nakita kong lumabas na sya ng kwarto.Wala akong nagawa kundi pumasok sa banyo. Mas malaki ito sa bathroom ng kwarto ko. Unang pasok ko pa lang naamoy ko na agad ang pang lalaking amoy na sobrang bango sa ilong. Tiningnan ko ang mga gamit nya dito at halos napa nganga ako ng mapagtantong halos lahat ay mamahalin! Tsk! Ang yaman talaga!
Halos minuto din ang ginugol ko sa banyo. Dun na din ako nag bihis. Ang damit na inihanda nya ay isang yellow na sleeveless dress.
Nang lumabas ako ng banyo ay nakita ko syang nag aayos ng mga pagkain sa isang lamesa dito sa kwarto nya. Nang makita nya akong lumabas ay agad nya akong pinasadahan ng tingin na naging dahilan ng pag init ng pisngi ko.
"Ah... salamat nga pala ulit kagabi" sabi ko para makaiwas sa kanyang mga titig. Lumapit ako sa lamesa at doon ay umupo na. Magkatapatan kami ng upuan kaya naman malaya nya akong natitigan. Hay.. kailan kaya ako masasanay sa mga mata nya?
"Hindi ako tumatanggap ng thank you" nakangisi syang tumitig sa akin habang ako naman ay nagtatakang nakatitig sa kanya.
"Bahala ka, basta nag thank you na ako" umirap ako, nagsimula na akong kumuha ng mga pagkain sa aking pinggan.
"Tsss. It should 'paano ba ako makaka pag thank you' " he said in a serious tone. Tss. Umaarte na naman itong lalaking to.
"Sorry ka na lang, di ko naisip yun eh" sabi ko habang sumusubo ng pagkain sya naman ay humigop ng kape."Mangingisda ako mamaya" biglang sabi nya. Nang laki ang mata ko sa gulat.
"Bakit? Wala ng pagkain sa mansyon?" Gulat kong tanong. Napailing ako sa sinabi ko. Shit! They are so damn rich! Paano maabusan dito ng pagkain?!Humalakhak sya.
"Of course not! I just want to" he said. Nag aalangan akong tumingin sa kanya.
"Pwede ba akong sumama?" Tanong ko.
"No." He said with finality. Ngumuso ako.
"Ang damot mo!" Angal ko. Bigla naman syang ngumisi.
"Okay you can come with me but first you should say please to me" he said with an evil grin. Umikot ang mata ko. Seriously? Bakit ganto mag isip to ngayon? May saltik na naman yata eh!"Bakit ba kasi hindi mo na lang ako isama?!" Pagrereklamo ko. Ngumisi lamang sya. Habang ako ay sobra ang pagsimangot dito.
"Dati naman, sinasama mo ako kahit walang please!" Sigaw ko.
"Do it. Messeah" sabi nya. Umirap na naman ako.
"Bahala ka dyan! E di wag mo akong isama!" Umirap ako sa kanya. Napangisi ako sa isip ko. Alam ko naman na hindi nya ako matitiis eh.
"Okay. It's fine with me" What? Ngising aso na sya ng tiningnan ko sya ng masama. Ano yun? Okay lang sa kanya?! Ehhh! But I want to come with him!"Matthew kasi!" Galit ko ng sigaw.
"You won't do it. Then it's fine with me. But no fishing for you" he said while smirking evilly.Tatayo na sana sya ng mag salita ako.
"Please" walang emosyon kong sabi. Papayag na yan! Papayag na yan! Papayag na-"With emotion Messeah, and it should be pleeeeeaaaassssseee!" Sabi nya. Kung hindi lang si Matthew Kier Aguas ang kaharap ko ngayon tiyak na sapak ko na ito!
"Ano ba naman yan!" Reklamo ko.
"I will leave now" nakataas kilay nyang sabi sa akin.
"Okay! Okay!" Sigaw ko ng akma syang tatayo na. Nakatayo nyang inintay ang sasabihin ko.Pinagdikit ko ang magkabila kong kamay at naka puppy eyes akong tumingin sa kanya.
"Pleeeaaasssse, Matthewwww" sabi ko with matching paawa effect. Hindi ko alam kung bakit bumanghalit sya ng tawa sa harapan ko. Kumunot ang noo ko sa reaksyon nya."Ano ba! Matthew!" Tawag ko sa kanya. Dahil pakiramdam ko sobrang pula ko na dahil sa pagkapahiya. The hell! Pinag hirapan kong sabihin, tapos tatawanan nya lang!? Masama na ang tingin ko sa kanya pero wala pa rin syang tigil sa pagtawa at nakahawak pa sya sa kamay nya ha? Pinagmasdan ko sya. Parang may humawak sa aking puso ng makita ko syang tumatawa dahil sa akin. Ano ba yan! Kahihiyan na nga natutuwa ka pa? Napa iling ako.
"Pag hindi ka tumigil babatuhin kita!" Banta ko. Pero parang wala syang narinig dahil tumatawa pa rin sya. Sumimangot ako. Kumuha ako ng unan at diretsong binato sa kanya. Pero walang effect parang hindi man lang sya nasaktan. Kaya ang ginawa ko lumapit ako sa kanya at pinaghahampas ang braso nya.
"Stop laughing Matthew! Papatayin talaga kita kapag hindi ka pa tumigil dyan!" Sabi ko habang pinapalo sya.Tumigil sya sa pagtawa at tiningnan ako, ganun na lang ang bigla ko ng bigla nya akong higitin papalapit sa kanya. Kaya naman nag huhurumentado na naman ang puso ko sa lapit naming dalawa. Ngayon naman nakangisi na sya, samantalang ako'y gulantang.
"You can't kill the Aguas, Messeah" he said. Kahit kinakabahan ay umirap ako.
"Yabang mo! Bitiwan mo nga ako" sabi ko habang pumipiglas.
"I can't" lalo akong nagulantang ng ilapit nya sa aking tainga ang kanyang labi. Nararamdaman ko na ang kanyang hininga na dumadampi sa aking leeg. Shit!
"A-Ano ba?" Sabi ko ng lalo pa syang lumapit at talaga namang ramdam ko na ang buong init ng kanyang katawan.
"You smell good" he said. Nagdulot ito sa akin ng kakaibang kuryente at halos di na ako makagalaw."You smell like my soap. You used it?" He whispered.
"O-Of course, a-ano naman ang gagamitin ko kung ganun?" Sabi ko rin.
"It's fine, you just need to pay for it, it's expensive you know" hindi ko alam kung nagbibiro ba sya pero automatic na lumanding ang kamay ko sa ulo nya para masapak. Narinig ko naman ang tawa nya.
"Pay your ass Matthew" irap ko sabay tulak sa kanya. Dahil dun nagkaroon ng distansya sa pagitan namin."Lumabas na kaya tayo?" Tanong ko. Muli na naman syang ngumisi, ano kayang sumapi sa lalaking to, at lagi na lang nakangisi?
"It's a good idea, baka kung ano pang mangyari satin dito sa kwarto eh" sabi nya sabay hila sa akin palabas. Kumunot ang noo ko sa huli nyang sinabi."What did you just say?" Tanong ko. Umiling sya sabay tawa.
"Ang sarap mong bigwasan alam mo ba yun?" Inis kong sabi habang humahakbang sa malaki nilang hagdan pababa."I don't know Messeah, ngayon mo lang sinabi di ba?" Nanunuya nyang sambit. Pinag iinit talaga ng lalaking to ang ulo ko.
"Tseh! Ewan ko sayo!" Pagalit kong sigaw. Tumawa lamang sya. Hindi na ako nagsalita dahil nababaliw na yata itong kasama ko. Habang naglalakad sa labas ng mansyon. Napansin kong basa ang mga maliliit na damo siguro dahil sa pag ulan kagabi. Medyo makulimlim pa rin ang panahon pero maaliwalas naman"May bagyo ba?" Basag ko sa katahimikan. Nandito na kami sa likod ng mansyon kung saan may puno na lagi naman sinisilungan upang tambayan.
"None" sabi nya. Nakasandal ako sa dibdib nya na madalas ko nang gawin kaya naman sanay na ako. Sya naman ay nakapulupot ang mga braso sa aking baywang. Hindi ko alam kung bakit komportableng komportable ako. And everytime he do it, I feel safe in his arms, kahit hindi ko naman sya ganung kakilala."Eh bakit ang kulimlim pa rin hanggang ngayon?" Tanong ko.
"Ganun talaga. You can't expect the possible weather may happen everyday. There's no one know. Kahit ang weather caster ay hindi alam." Sabi nya.
"Wehh. Bakit si kuya kim?" Natatawa kong tanong. Tumawa din sya.
"Yes he can tell but it can be change" he said.Tama sya. Kahit gaano mo pa ka alam ang isang bagay maaari pa rin itong mag bago. Dahil walang kasiguraduhan ang lahat. Walang makapagsasabi kung ano ang mangyayari ngayon o bukas it will always be untold. And no one knows, isang araw wala na pala lahat ng nakapaligid sayo so hanggang nadyan pa sila. Treasure them and keep them as long as you can, as long as you live.
Tumigin ako kay Matthew na natiling seryoso. Pumikit ako at tahimik na nanalangin.
"God, please, wag mong hayaan na may magbago. I hope we still remain as this and give me more time to be with him"
YOU ARE READING
Wrath Of The Past (UNEDITED)
RomanceMesseah Jade Benosa was sheltered her whole life. Her life was just evolving around his father but when a man named Matthew Kier Aguas was introduced to her she knows that her life will never be the same again. --- Messeah, wished to grow faster so...