Tender Love
Nagising ako sa isang haplos sa aking pisngi. Minulat ko ang aking mata at nakita ko si Matthew sa harapan ko. Masuyo nya akong tinitigan.
"Good morning" he smiled. I smiled too. Nakatulog ako sa sofa samantalang inuunanan ko ang kanyang hita. Sa ganoong posisyon kami natulog kagabi. Pinapauwi ko sya pero ayaw nya. He wants to sleep here so I allowed him."Morning.." halos paos pa ang boses ko.
"What do you want for breakfast?" He asked. Tumitig ako sa kanyang mukha. Narealize ko na basa ang buhok nya kaya malamang nakaligo na sya. Samantalang ako galing pa sa pagkakahiga. Shocks! Kamusta naman kaya itsura ko?"Kahit ano.." sagot ko. Tumayo sya at hinagilap ang cellphone nya.
Simula nung magkausap kami kagabi, I realize something. Gaano ko man kagusto na mawala sya sa buhay ko pero may parte sa puso ko na gusto ko syang manatili. Ang pagpilit ko sa kagustuhan ko ay makakasakit sa kanya lalo nasa akin. Ito na siguro ang panahon para tigilan ko ang pagbabawal sa sarili ko. Bahala na bukas o sa mga susunod na araw. Basta nasa tabi ko si Matthew okay na ako.
"Sinong tinawagan mo?" Tanong ko ng umupo ulit sya sa tabi ko. Nilagay nya sa backrest ang kanyang kanang braso at tiningnan ako.
"My secretary, inutusan ko syang magdala ng breakfast dito" he said. Napatigil ako ng maramdaman kong bumaba ang kamay nya sa baywang ko at lalo inilapit sa kanya.
"Dapat tayo na lang ang b-bumili para hindi na tayo makaabala" sabi ko. Inilapit nya ang kanyang labi sa aking ulo at naramdaman ko dun ang kanyang mga halik. Kasabay din nun ang sunod sunod na kabog ng puso ko at sana lang ay hindi nya ito marinig."That's her job" he said. Napakunot noo ako.
"Her? It's a girl huh?" Lumayo sya ng kaunti kaya napalingon ako sa kanya ngunit isang dangkal ang layo ng aming mga mukha.
"You jealous?" He chuckled. Umirap ako.
"Of course not! Naisip ko lang kung pati secretary mo napatulan mo na" i said with sarcasm. Kumunot ang noo nya.
"Tss. I'm not the boy next door that you expected" he said with a serious tone. Tumaas ang kilay ko."As if I know that? Sige nga ilan na ang naging girlfriend mo?" May paghahamon kong tanong. Tumaas din ang kilay nya.
"It's still early in the morning yet this is our topic?" He said. He looked at my lips that made me tremble.
"Iniiwasan mo?" Tanong ko. Tumaas ulit ang tingin nya sa akin."No." He said. I crossed my arms and look at him confidently.
"Then answer my question" i said. Pinatong nya ang kanyang ulo sa aking balikat na naging dahilan ng pagtigil ko. Baka marinig nya ang mabilis at malakas na kabog ng puso ko!
"I didn't had a girlfriend" he whispered pero rinig ko naman.
"Liar" I whispered too. Pinalibot nya ang kanyang dalawang braso sa aking baywang na naging dahilan ng lalong paglapit ko sa kanya. Napahawak din ako sa kanyang balikat para sa suporta. We're intimate!"I don't do lies, My Messeah" nangilabot at nagbigay ng kuryente sa akin ang kanyang sinabi. Shit! This is too much.
"P-Pero panigurado akong madaming kang flings o kaya ka one night stand-" napatigil ako ng inangat nya ang tingin sa akin with a smirk in his lips.
"Atleast not a girlfriend" he said. So totoo nga! Meron syang mga flings! Hayy sabagay kung ganyang kagwapo at kayaman paniguradong babae pa ang luluhod para lang maikama nya di ba?"So totoo nga na may flings-" he kissed the tip of my nose that made me stop from talking.
"Let's drop that topic please" then he chukcled. Umirap na lang ako, pero ng titigan nya ang labi ko ay para akong mahihimatay. Did he want a kiss? Hindi pa ako nag totoothbrush! Akma syang lalapit para ako'y halikan ngunit lumayo ako ng kaunti that made him stop."Matthew, hindi pa ako nagtotoothbrush" sabay takip ko sa bibig ko. He chuckled and he looked at me with full of amusement.
"I don't care. " inalis nya ang kamay kong nakataklob sa aking bibig at walang sabi sabi nya akong hinalikan. Electricity traveled through my body. Para akong nalulunod sa hindi ko malaman na lugar. Pinikit ko ang aking mata kasabay ang pag angat ng aking kamay patungo sa kanyang batok.
YOU ARE READING
Wrath Of The Past (UNEDITED)
Roman d'amourMesseah Jade Benosa was sheltered her whole life. Her life was just evolving around his father but when a man named Matthew Kier Aguas was introduced to her she knows that her life will never be the same again. --- Messeah, wished to grow faster so...