Both
"You alright?" Tanong sa akin ni Matthew. Nasa harapan namin ang isang helicopter na magdadala sa amin patungong Manila. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako and at the same time nalulungkot. Di ba dapat masaya na ako? Makikita ko na si papa. Nanikip ang dibdib ko ng maalala na nakaratay pa rin si papa sa hospital bed.
"Yeah, I'm fine" tugon ko kay Matthew na ngayon ay titig na titig sa akin.
"Señorito, pede na po kayong umakyat" sabi ng isang piloto. Tumango lamang si Matthew sa kanya at muling bumaling sa akin. Hinawakan nya ang kamay ko kaya naman automatic na nagtagpo ang aming mga mata sa gitna ng papalubog na araw."Let's go?" He asked. Tumango ako sa kanya at nagsimula na kaming humakbang patungong helicopter. Agad kaming naglagay ng headphone sa tainga at magkahawak kamay kaming umupo doon ni Matthew. Maya maya lang ay naramdaman ko na unti unting umaangat ang helicopter pataas. Naramdaman kong marahang hinaplos ni Matthew ang aking ulo at ginabayan itong ihilig sa kanyang balikat. Hindi na ako umalma at hinayaang syang ganun ang gawin.
Napahinga ako malalim dahil sa simpleng kilos nya ay sobra sobrang epekto na sa akin. Gumaan ang pakiramdam ko habang nakahilig sa kanyang balikat.
Ngayong babalik na ako sa Manila haharapin ko na ang realidad. Hindi dapat ako tumakbo sa mga problema at hayaan ang sarili ko na labanan ito at maging matapang. Hindi dapat ako umasa sa mga taong nasa paligid ko I should be independent in my life and learn to fight for my own problems. Hindi ko alam kung anong kahaharapin ko sa oras na tumapak ako sa Manila, kung magdudulot ba ito ng trahedya o kasiyahan.
Nagising ako sa marahang dampi ng daliri sa aking pisngi, hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Unti unti kong minulat ang aking mga mata at ang nakita ko ay ang gwapong mukha ni Matthew. Napaayos ako ng upo at tumingin ng diretso sa kanya.
"We're here" he said. Napatingin ako sa labas. Madilim pa ang paligid ngunit alam kong malapit ng lumabas ang haring araw.
"N-Nasa Manila na tayo?" Paninigurado ko. Tumango sya kasabay ng ngiti. Pinagbuksan kami ng piloto at lumabas na si Matthew, inalalayan ako ni Matthew pababa.Nang makalabas na sa helicopter na pagtanto kong nasa isang rooftop kami ng building! Napalingon ako kay Matthew na hawak ang kamay ko habang kami ay naglalakad.
"Anong building to?" Tanong ko. Kitang kita ko ang city lights sa baba at sadyang napakaganda nitong pagmasdan.
"Aguas Company" he said. Nanlaki ang mata ko. Ang building na to ay sobrang taas! Ito ang pinaka tanyag at pinaka malakas ang income sa lahat ng pag aaring negosyo ng mga Aguas! Meron itong 50 floor at maganda ang mga kagamitan dito. Magagaling din ang mga empleyado.Binuksan ni Matthew ang isang pinto palabas ng rooftop. Isang maliwanag na hallway ang bumungad sa amin. Kakaunti ang tao at pawang mga janitor ang mga ito.
"San na tayo pupunta?" Tanong ko habang nag iintay sa pagbukas ng elevator.
"Hospital" maikli nyang tugon. Tahimik kaming sumakay sa elevator. Pinindot nya ang basement at nag patuloy ang elevator.
"Are you hungry?" Biglang tanong nya. Magkahawak pa rin ang aming kamay, tumingin ako sa kanya at tumitig.
"Hindi naman," sabi ko.
"You sure? Halos 6 hours tayong bumyahe. I think we should eat first" patuloy nyang sabi. Bumukas ang elevator at bumungad sa amin ang walang katao taong parking lot sa baba ng building. Hinila nya ako patungo sa isang Mercedes Benz. Napailing na lang ako ako sa kotse nya. Masyado itong agaw pansin."Where do you want to eat?" Tanong nya habang pinagbubuksan ako sa front seat.
"Hindi na-" naputol ang pagsasalita ko ng bigla nyang sinarado ang pintuan. Kumunot ang noo ko. Ano yun? Umikot sya patungong driver seat at doon umupo. Inistart nya ang kotse at nagsimulang magdrive.
"Hindi ako nagugutom Matthew" mahinahon kong sabi.
"Kaya ka namamayat, you don't eat much" he said in a serious tone. Pag aawayan ba namin to?
YOU ARE READING
Wrath Of The Past (UNEDITED)
RomanceMesseah Jade Benosa was sheltered her whole life. Her life was just evolving around his father but when a man named Matthew Kier Aguas was introduced to her she knows that her life will never be the same again. --- Messeah, wished to grow faster so...