Black
Napatahimik ako sa kanyang sinabi. What did he meant by that? Nabigla na lang ako ng sumigaw si Krisha.
"Ayiehhh! Just make sure kuya ha!" Namumulang tumakbo palabas si Krisha. And now, kami na lang ni Matthew ang tao kasama si papa na hanggang ngayon ay pikit pa rin ang mga mata. Para makaiwas sa kanyang mga mata. I make myself busy. Pumunta ako sa table ni papa at nagligpit ng mga kalat doon."Hey" rinig kong tawag nya. Hindi ako lumingon.
"Messeah"tawag nya ulit. Inulit ulit nya pa ito hanggang sa na irita na ako.
"What!?" Singhal ko kasabay ng paglingon ko. Nakita ko nanaman ang ngisi nya at doon pa lamang kumalabog na ang puso ko.
"Why are you like that?" Tanong nya. Kinunot ko ang kilay ko.
"What do you mean?" Tanong ko pabalik.
"You're always mad at me" seryoso nyang sabi.
"Ano naman?" Sarkasmo kong sambit.
"Tss. It's only 6 years but everything change about you," mas seryoso nya pang sabi.
"Why are you here by the way?" Tanong ko.
"My mom asked me to" he said. Umiling ako. Sabi ko na nga ba eh. He's not here just because he want to he's here because he needs to.
"You can go." Tipid kong sambit. Pumunta ako sa tapat ni papa habang sya naman ay nakatayo na sa pintuan. Yan tama yan. You need to get out of here. I need to save myself from you."Since na nagkita ulit tayo, i always wonder in the act you do towards me. I want to figure it out. For now Im going, but expect me to be here tomorrow" he said. Hindi na ako umimik, narinig ko na lamang ay ang pagbukas at pagsara ng pintuan. Nakahinga ako ng maluwag. He's the death of me. I dont know what this feeling but I know this is the death of me. Sana ay hindi na sya bumalik, dapat hindi ko na to maramdaman! I promise to myself before I went out in that Hacienda na hindi ko na to dapat maramdaman.
Napatigil ang pag iisip ko ng pumasok ang isang nurse. Tumayo ako para ma check nya ng maayos si papa. Papa when will you wake up? Nahihirapan na ako. Hindi lang sa kompanya. Kundi dahil namimiss ko na sya.
Lumipas ang buong araw na binantayan ko si papa buong araw din akong malalim ang iniisip. Paminsan minsan ay tumatawag sina tito Mateo. Pumunta ako sa bag ko at hinalungkat ito, ngunit wala na pala akong pamalit na damit. Hay pupunta akong bahay ngayong gabi? Lumabas ako at nakita ko na may tatlong guard sa labas ng room namin. Nakita ko si Manong Albert.
"Manong Albert ikaw muna magbantay kay papa" sabi ko
"Eh Ma'am san po ba kayo pupunta?" Tanong nito.
"Sa bahay, wala na akong pamalit na damit"
"Ma'am pano po ang pagpunta nyo dun?"
"I'll ask na lang yung ibang guard" tumango na ito at pumasok sa room.
Nagpahatid ako sa isa sa mga guard na binigay ni tito Mateo.
Ng makarating kami sa bahay ay diretso akong pumasok sa gate nito. Nakapatay ang ilaw sa ikalawang palapag, ngunit sa baba ay buhay ang mga ilaw. Hindi pa tulog yung mga katulong? Nagtataka akong lumapit sa pintuan."Kuya dito ka na lang sa labas, ako na lang ang papasok" sabi ko sa guard. Tumango lamang ito. Pumasok ako sa loob. Wala akong marinig na kahit ano mang ingay. Nasan na ang mga katulong? at ang tanda ko may pinadala din ditong guard si tito Mateo, nasan na yung mga iyon?
Bagama't nagtataka umakyat ako sa taas, sobrang dilim dito kaya naman binuhay ko ang switch ng ilaw. Dumiretso agad ako sa kwarto ko. Pagkabukas ko ay naglakad ako papuntang closet, habang naghahalungkat ng damit sa cabinet may narinig akong yapak ng takong. Kumunot ang noo ko, kasabay din nun ang pagsibol ng kaba sa aking puso. Shit!
Unti unti akong lumingon at nagulat na lamang ako sa taong nasa harapan ko ngayon.!
"T-tita L-Lorna?" Gulat kong tanong. She smirked. Isang magandang babae at namangha ako kung pano sya magdala ng damit. She looks so beautiful in her black sexy dress."Hi my dear Messeah" nakakakilabot ang pag banggit nya sa pangalan ko.
"What a-are you doing here?" Gulantang kong tanong. I heard her chuckled.
"You looks so shock, hindi mo nga pala inaasahan ang pagdating ko." She said. Unti unti syang lumapit sa akin. Hindi ako umimik. Tumayo ako ng maayos at hindi pinakita na sobrang kinakabahan na ako.Hinawakan nya ang dulo ng aking buhok at nilaro ito.
"You looks like just me" bulong nya. May katotohanan ang sinabi nya. Totoo pa lang sobrang kamukha ko sya!
"Why are you here?" Matapang kong tanong. Kahit na kinakabahan kailangan kong humarap sa kanya, lalo na ngayon na hindi ko alam ang tunay na pakay nya.
"Are you scared of me Messeah?" Sabi nya sa seryosong boses. Hindi ako umimik. Tumitig ako sa mata nya na katulad ng akin.
"I want you to come with me" diretso nyang sabi. Sumibol ang galit sa dibdib ko. Hindi ko malilimutan na sya ang dahilan kung bakit naghihirap ngayon si papa!"After what you did to my father? You still have the guts to ask that question?" Nagtitimpi kong tanong. She smirked.
"Your father is a hardheaded, hindi sana mangyayari yun sa kanya kung sumunod lang sana sya sa gusto ko" sabi nya. Nakangisi sya sa akin. Tumaas ang kilay ko.
"Hindi lahat ng gusto mo ay pwedeng mangyari! Hindi mo ba yun inisip?" May pagtitimpi kong tanong. Naging seryoso na sya.
"Is it wrong to asked him to go with me.? Hindi nya ako pinakinggan! Sa halip sumama sya sa lintik na mga Aguas na yan! Ngayon sabihin mo sa akin. Mali bang magalit sa mga Aguas?" Seryoso na ang mukha nya ngayon."Bakit ba napakasarili mo. At gusto mo lahat sumama sayo? You're selfish!" Sigaw ko, hindi ko na mapigil ang nagbabadyang galit ko.
Lumapit sya sa akin.
"Hindi mo alam Messeah, kung anong pakiramdam ang mawalan. Isang tanong lang. You will come with me? Or you'll stay?" Kitang kita ko na ang galit sa mga mata nya, ang dahilan kung bakit gusto nya akong sumama sa kanya ay hindi ko alam. Masyado syang makasarili sa puntong hindi nya iniisip ang nararamdaman ng ibang tao."I won't leave my father-" naputol ang sinasabi ko ng tutukan nya ako ng baril. Nanglaki ang mata ko at sumibol ang takot sa buong katawan ko.
"Katulad ka lang nilang lahat" malamig nyang sambit. Lumalagablab ang galit sa mga mata nya na hanggang ngayon ay hindi ko maintindihan kung para saan.
"Why are you doing this?" Lakas loob kong tanong kahit ako'y sobra sobra na ang kaba.
"I want revenge, for all the hurt you all gave to me, you will regret what you choose Messeah, pagkatapos ng gabing ito, hinding hindi kana makakatakas pa." Matapang ko syang tinitigan. Kung ito man ang huling sandali ng buhay ko. Hindi ako magsisi.Because I choose the person I love, simula noong bata ako, sya lang ang minahal ko, Papa gave his life to me. And I will give mine too.
"Shoot me then" malamig kong usal.
Nakita ko ang pag ngisi nya, bago ko narinig ang isang putok ng baril, hindi ko naramdaman ang katawan ko, namamanhid ako. Unti unting pumipikit ang mata ko, pero bago ko ito mapikit, ang taong hindi ko inaasahang makikita ay nakita kong tumakbo papalapit sa akin. But before I utter his name, everything went black.
YOU ARE READING
Wrath Of The Past (UNEDITED)
RomanceMesseah Jade Benosa was sheltered her whole life. Her life was just evolving around his father but when a man named Matthew Kier Aguas was introduced to her she knows that her life will never be the same again. --- Messeah, wished to grow faster so...