Pruweba
"Shhhh. Wag kang maingay" saway ko kay Matthew ng bigla syang magsalita tungkol sa walang katuturang bagay. Nagbabasa ako ng librong may pamagat na How Universe work nasa magandang part na ako ng biglang dumating si Matthew galing sa kwadra.
"Sa kababasa mo nan, hindi mo mamalayan malabo na ang mata mo" sabi nya. Tumingin ako sa nakabusangot nyang mukha.
"Hindi ba't ikaw ang nagbigay sa akin nito?" Sabay turo ko sa libro.
"Yeah, and it's because I was leaving. But I'm here now, you don't have to read that" sabi nya. Kukuhain nya sana ang libro ngunit linayo ko to.
"Ibig sabihin magbabasa lang ako pagwala ka? Pano kung ayaw kitang makasama tapos mas gusto ko ang magbasa?" He glared at me. Ewan ko ba kung bakit natutuwa pa ako sa masamang tingin nya kaysa ang matakot."You will choose that damn book over me?" May iritasyon sa tono nya. Halos bumanghalit ako ng tawa dahil sa mukha nya. Buti napigilan ko, ngunit para akong tanga na nagpipigil ng tawa. Ito kasi ang unang beses na naiirita sya sa simple lamang na bagay.
"Tsss. Next time I won't buy you a book" rinig ko ang bulong nya. Napailing na lamang ako. Binaba ko ang libro kong hawak at binigay ang buong atensyon ko sa kanya."Fine. Bakit ba ayaw mo akong magbasa?" Tanong ko. Nag iwas sya ng tingin sa akin at hindi umimik. Pinirmi nya ang tingin sa walang buhay na tv. Nagtatampo ba ang isang to? Lumapit ako.
"Huy..galit ka? Mas childish ka pa yata sa akin eh" nanunuya kong sabi. Binigyan nya ako ng masamang tingin.
"Hell! I'm not childish!" Tanggi nya. Ngumiti ako sa kanya.
"Edi wag ka ng magalit" malambing kong tono.
"Tsss" singhal nya.Lumipas ang isang minuto hindi pa rin sya nagsasalita. Kumunot ang noo ko.
"Okay, kapag hindi mo ako kinausap magkukulong ako sa kuwarto ko at hinding hindi rin kita papansinin" sabi ko. Finally tumingin din sya sa akin.
"Are you threatening me?" Malamig nyang sabi. Halis matawa ako sa tanong nya. Ayaw na ayaw nya kasi ay ang hindi ko sa kanya pagpansin. KSP yan eh. Kulang sa pansin kaya atensyon ko ang hinahanap. Napatawa ako sa iniisip.
"Are you threatened?" Pabalik kong tanong. Bumuntong hininga sya.
"Fine" he said. I win! Akala nya ha!"Anong gusto mong gawin ngayon?" Tanong nya. Excited akong tumingin sa kanya.
"Gusto kong sumakay sa kabayo!" Excited kong sambit. Seryoso nya akong tiningnan.
"No, delikado ang iniisip mo" sabi nya. Nagtaka ako sa sinabi nya.
"I know how to ride a horse!" Pilit ko.
Umiling lang sya.
"It's a no, just pick another" sabi nya. Padabog kong pinag cross ang mga braso ko at sumandal sa sofa.
"Ayaw ko yun ang gusto ko Matthew, bahala ka, hindi ako sayo sasama hangga't hindi tatayo sasakay ng kabayo" sabi ko.Narinig ko ang pagbuntong hininga nya, pagkatapos naramdaman ko ang pagtayo nya.
"Fine, let's go" he said. Nakangiti akong lumingon sa kanya.
"Sasakay tayo sa kabayo?" Tanong ko. Tumango sya.
"Yes!!" Sigaw ko.Kaya naman dumiretso kami sa kwadra para kumuha ng kabayo. Kinuha ni Matthew ang isang itim ba kabayo.
"May pangalan ba yan?" Turo ko sa kabayong hawak nya.
"None" sabi nya. Kumunot ang noo ko.
"Hindi mo pinapangalanan ang mga kabayo?" Tanong ko. Lumapit ako sa kanya para mahawakan din ang kabayo.
"Hindi ako nagpapangalan sa kanila dahil wala naman akong maibibigay" he said. Tumango ako."Alam ko na! May ipapangalan na ako sa kanya!" Excited kong sabi.
"Ano?" Nakangiti nyang tanong.
"From now on, Kier na ang pangalan nya!" Sabi ko. Biglang lumukot ang pagmumukha ni Matthew.
"Why?" Tanong ko.
"Mukha ba akong kabayo? At pati pangalan ko ginamit mong ipangalan dyan?" Seryoso nyang sambit.
"Tsss. Ang arte mo naman! Di ba mas maganda kapag ipinangalan sya sa amo nya?" Sabi ko."No, wag mo na lang syang pangalanan" ngayon naman may bahid na syang iritasyon. Sumimangot ako.
"Ang ganda kaya ng Kier!"padabog kong sabi.
"Messeah" seryoso nyang banggit sa pangalan ko. Alam kong totoong galit na sya.
"Bahala ka!" Sigaw ko. Naglakad ako palabas ng kwadra. Tsss. Ang arte ng lalaking yun! Concern lang naman ako sa kabayo nyang walang pangalan! Kung ako ang nasa kalagayan ng kabayo at malalaman kong wala akong pangalan ay talagang magagalit ako!Hindi pa ako nakakalayo sa kwadra rinig ko na ang mga yapak ng kabayo papalapit sa akin.
"Messeah!" Tawag nya. Hindi ako lumingon. Bahala ka dyan! Hindi kita papansinin! Pero makaya ko kaya?Maya maya lang ay naabutan nya na ako, mabagal na naglalakad ang itim na kabayo na kanyang sinasakyan and he's name is Kier!
"Let's go Messeah. Sumakay ka na" sabi nya. Hindi ko sya nilingon at hindi rin ako nagsalita, tuloy tuloy lang ako sa paglalakad. Nakasunod pa rin sya sa akin at ilang beses nya akong tinawag ngunit di ko sya pinapansin and frustration is visible in his voice.Ng nakalapit na ako sa mansyon ay bigla syang nagsalita na nakapagpangiti sa akin.
"Fine, you can name him Kier" sabi nya. Automatic na akong lumingon sa kanya. Tumingala ako para makita ang mukha nya na may bahid na iritasyon.
"Talaga?" Mangha kong tanong. Bakit ang gwapo nya pag galit?
"Yeah, kaya sumakay ka na" sabi nya. Tumango ako at tinanggap ang kamay nya para makasakay na ako sa kabayo.Nasa likudan ko sya at ako ang nasa unahan, sya ang may hawak ng tali samantalang ako ay kumakapit lamang para hindi mahulog pero alam ko namang hindi ako basta basta mahuhulog dahil naka kulong ako sa mga bisig ni Matthew.
"Hindi mo talaga ako matiis no?" Natatawa kong tanong.
"Tssss" sabi nya kasabay ng pagpapatakbo nya kay Kier. Humampas sa aking mukha ang sariwang hangin.
"San tayo pupunta?" Tanong ko.
"Tree house" sabi nya. Biglang sumibol ang excitement sa akin.
"Yung pinuntahan natin dati?" Tanong ko.
"I'm glad you remembered" he said.
"Ofcourse wala akong amnesya Matthew" irap ko.
"So doon tayo pupunta?" Tanong ko ulit."Yeah" he said. Tahimik kami buong byahe. Yun ay kung tahimik ko yung masasabi dahil ako imik ako ng imik habang sya ay nakikinig lamang.
Maya maya lang tumigil kami sa isang malaking puno.
"Ito na ba yun?" Tanong ko habang inaalalayan nya akong bumaba. Ng makababa ako tiningala ko ang puno para makita ang tree house.
"Yeah it is" he said. Walang pinagbago ang tree house maganda pa rin ito. Ang pagkakaiba nga lang ay araw ko ito nakita kaya walang kumukutikutitap na mga mga ilaw sa katawan ng puno dahil kung gabi ito paniguradong may buhay ang mga ilaw na ito."Ang ganda talaga nito" i whispered. Lumingon ako kay Matthew.
Nakatingin din sya sa tree house.
"Tara, akyat tayo?" Sabi ko. Tumango sya at inalalayan akong umakyat sa tree house, ng makapasok kami namangha ako kung gaano ito kaganda. Halos walang pinagbago. Lahat ng figurines at mga gamit ay nandun pa rin sa dating ayos nito.May nakita akong malaking picture frame sa isang dingding. Sketch ito ng gate ng hacienda. Nilapitan ko ito at tinitigan ng mabuti.
"Who did this?" Tanong ko.
"Me" nanglaki ang mata ko ng maramdaman ko sya sa likod ko. Humarap ako sa kanya at sobrang lapit na namin. Nagrarambolan nanaman ang kung ano sa tyan ko. Pero kahit ganto ang nararamdaman ko I feel comfortable.
"Marunong ka mag sketch?" Tanong ko. Tumango sya. Para akong nalalasing sa mga uri ng titig nya ngayon. Nakatingin kami sa mata ng isa't isa.
"Ang dami mo talagang kayang gawin" puri ko sa kanya.
"I want to sketch you" he whispered. Tinuro ko ang sarili ko.
"Ako? Bakit?" Nagkibit balikat sya at lumayo sa akin, dahil doon nakahinga ako ng maluwag. May kinuha syang sketch book at umupo sa tapat ko.
"Ngayon na talaga?" Tanong ko. Tumango lamang sya at nagsimula ng mag guhit. Bawat minuto ay titingin sya sa akin at muling guguhit. Ako naman ay ngumiti lamang. Pero nakakangalay din pala.Lumipas ang kalahating oras ay bigla syang tumayo at lumapit sya sa akin. Inayos nya sketch book at binalik ito sa dating ayos.
"Let's go" aya nya sa akin. Kumunot ang noo ko.
"Tapos na?" Tanong ko.
"Yeah" he said.
"Patingin muna!" Sabi ko. Ngumiti sya sa akin at binigay ang sketch book. Hinanap ko ang mukha ko. Napanganga ako sa nakita ko. Shit! Kamukhang kamukha ko ito ah? Ang galing nya!"P-Para saan nga pala ito?" Tanong ko ng makabawi sa pagkagulat.
"For memories" he said. Napatingin ako sa kanya.
"Memories?"
"Being with you is part of my memories and I want to sketch it. Dahil ito ang pruweba na nakasama kita" he said in lazy tone.
YOU ARE READING
Wrath Of The Past (UNEDITED)
RomanceMesseah Jade Benosa was sheltered her whole life. Her life was just evolving around his father but when a man named Matthew Kier Aguas was introduced to her she knows that her life will never be the same again. --- Messeah, wished to grow faster so...