GoodbyeKinabukasan nag impake na ako ng mga damit ko. I'm preparing for my flight this afternoon. Kaya ngayon pa lang umaga ay mag checheck out na ako sa hotel na to. Namili ako ng damit na susuotin ko ngayon sa pag alis. At napili ko ang isang jeans at black tube na pinatungan ko ng hanggang sikong white polo shirt pinaresan ko naman ito ng black wedge para sa paa.
Hinila ko ang maleta ko palabas ng kwartong ito at wala sa sariling napabaling ang mata ko sa couch.
Naalala ko na naman si Matthew. Unti unti na namang dinudurog ang puso ko. Actually durog na durog na ito, siguro mamaya magiging pulbos na lang ito.
Bakit sa dinami daming lalaki sa mundo umibig ako sa lalaking ilang beses akong nakaramdam ng sakit at pangungulila, bakit hindi ako umibig sa lalaking alam kong para sa akin? Yung wala ng pagdadaanang sakit at pighati. Poot at galit. Yumuko ako para maiwasan ng tingin ang couch at doon ko lang din naramdaman na lumuluha na naman ang mata ko. Tiningnan ko ang pulso ko na dating pinaglalagyan ng bracelet na binigay ni Matthew. Inalis ko na ito kanina. Dahil alam ko yun ang unanng magiging hakbang ko.
Sinarado ko ang kwartong yun at pumasok na ako sa elevator. Hindi maiwasang mag flashback ng nga nangyari kagabi. Hindi ko alam kung anong namamagitan sa kanila. But I managed to keep it only to myself, baka kasi lalo pa akong masaktan kung haharapin ko pa sya. Atsaka bakit ko sya tatanungin di ba? Hindi na ito katulad noon.
Noon alam kong mahal na....mahal..nya...ako. Pero ngayon...hindi ko na alam.
Naramdaman ko ang pagvibrate ng isa kong cellphone. Itinago ko sa loob ng maleta yung isa kong cellphone dahil ayaw kong macontact ako ni Matthew. Tinitigan ko ang pangalan ni tita Lorna bilang caller.
"Hello?" Sagot ko.
"Susunod ako sayo ngayong thurs-"
"Babalik na ako so you don't need to come." I cut her off."Wait..what?! Ang bilis naman yata? How about the furnitures? Is it done?" Sunod sunod nyang tanong. Pumikit ako ng mariin.
"It'll continue even when I'm gone. I'll come back now. Wait me there." Sabi ko bago ko pinatay ang linya. Kasabay nun ang pagbukas ng elevator. Dumiretso agad ako sa front desk at nakita ko doon ang isang babae.
"How can I help you Ma'am?" Magiliw nitong tanong. Iniabot ko sa kanya ang key card nung room.
"Mag checheck out na ako ngayon." Sabi ko. Nilabas ko ang aking ATM at ibinigay sa kanya ngunit hindi nya ito tinatanggap at nanatiling nakakunot sa akin."Here's my ATM. Babayadan ko ang nagastos ko dito." Mahinahon kong sinabi. Nag aalangan syang tumingin sa akin.
"Ma'am ang sabi po ni Sir. Aguas. Wala pong ipapabayad sa inyo." Sabi nito. Kumunot ang noo ko.
"No. Accept it. Ayaw kong magkakaroon ako ng utang na loob miss." Sabi ko sa mariin na boses. Medyo natakot yung babae kaya naman kita ko ang pangingilig ng kanyang kamay sa pag abot ng aking ATM.Nang matapos ako dun ay dumiretso na ako sa aking sasakyan. Napasandal ako sa back rest ng driver seat at napahinga ng malalim. I'm sure by now Matthew already know that I'm leaving kaya naman agad kong binuhay ang makina at nagdrive ako patungong Ocean Park. Wala akong maisip na pupuntahan dahil maagap pa at mamaya pang hapon ang aking flight.
Tumigil ako sa parking lot ng Ocean Park at kinuha ang aking cellphone para matawagan si Papa. Unang ring pa lang ay sinagot nya na ito.
"Pa." Nabasag ang boses ko sa pagtawag sa kanya.
"Messeah?" Tanong nya.
"Pa, I'm sorry kung sa ganitong paraan ako sa iyo magpapaalam. Aalis na kasi ako ngayon. B-Babalik na akong Russia." Sabi ko."Where are you?" Tanong ni Papa.
"Pupunta na akong airport mamaya Papa. I'm sorry." Sabi ko.Narinig ko ang pagbuntong hininga nya.
"Is this about Matthew? May problema ba kayong dalawa?" Tanong nito na nagpatigil sa akin. Hindi ako nakapagsalita. Paano nya nalaman?
"Kagagaling lang dito ni Matthew. He was asking you to me but I told him that I don't know and that's the truth. Meron ba kayong hindi pagkakaunawaan, anak?"
Tumulo ang mga luha ko sa mga sinabi nya. Bakit lalong nadurog ang puso ko ng malaman ko na naghahanap sya sa akin? Tama ba ang gagawin ko ngayon? Tama bang umalis na lang ako katulad ng ginawa ko noon?
"Pa, wala kaming problema. Sige...Pa....bye." then I hunged up. Humagulhol ako sa loob ng aking sasakyan. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ayaw ko lang naman na maramdaman ko ulit ang sakit na naramdaman ko kagabi kapag nakita ko sya. Anong gagawin ko?
Lumipas ang oras at hindi ko namalayan na alas dos na pala, kaya naman pinaandar ko na ang sasakyan patungo sa airport dahil alas tres na ang flight ko. Tumigil ang sasakyan ko dahil sa traffic.
Ang mga nakaraan....ang nagbigay ng poot at galit sa akin. Kung bakit naging komplikado ang tunay kong ama. Kung bakit nawala ang mga dapat ay pamilya at kasama ko ngayon. I only felt wrath from the past. Pero hindi ko maiitatanggi na dahil dito hindi ko makikilala ang lalaking iniibig ko. But right now, I'm so empty, helpless and broke.
Lutang ang isip ko habang pinapapa xray ang maleta kong dala. Dala dala ko na din ang passport ko para sa pag alis. Siguro tama na din na umalis ako ngayon. Alam kong may magandang ireresulta ito. Siguro hindi ko lang ito gagawin dahil sa nasaktan ako, gagawin ko ito para pakawalan lahat ng galit na dinala ko galing sa nakaraan at papaltan ko ito ng pag ibig ko para kay Matthew pero sa paraang pagpapalaya.
I will set you free. But your memories, touch, smiles, and my love for you will forever be engrave in my heart and mind. I will not set it free. Because I know until in my very last breath you'll always be my first and only love.
Habang naglalakad papunta sa hagdanan pataas sa eroplanong sasakyan ay hindi ko maiwasan ng aking mga luhang mangilid. Ito ba talaga ang tama? Dito ba ako masaya? Hindi ko ba to pagsisihan? Until now pinag iisipan ko pa rin ito?
Humakbang ako sa unang baitang ng hagdan kasabay nito ang pagkabiyak ng puso ko. Patuloy pang nabibiyak ang puso ko ng humakbang na ako ng tatlong beses at hanggang sa isang baitang na lang ang aking ihahakbang at alam kong sa puntong yun ay tuluyan ko ng papakawalan ang lahat.
Bago ako humakbang sa kahuli hulihang pagkakataon, tumingala ako sa kulay asul na langit at malapit na rin itong magdilim.
This is the country where I grew up. This is the country where I learned to stand up on my own. This is the country where my mind opened in reality. And lastly this is the country where I met the only man I love.
I hate goodbyes. But my tears will fall down if I don't say it. So I guess.....this is goodbye....Matthew.
YOU ARE READING
Wrath Of The Past (UNEDITED)
RomanceMesseah Jade Benosa was sheltered her whole life. Her life was just evolving around his father but when a man named Matthew Kier Aguas was introduced to her she knows that her life will never be the same again. --- Messeah, wished to grow faster so...