We're Mutual
Bumaba ako ng hagdanan ng mansyon at wala akong nakitang tao kahit ang mga katulong ay wala. Siguro ay tapos na ang kanilang mga gawain. Pumunta akong dining ngunit halos mapaatras ako ng makita ko dun si Matthew, kumakain syang....mag-isa.
Tahimik akong umupo sa kanang bahagi nya. Wala kaming imikang dalawa habang kumakain. Nasan kaya si Ruth?
Pero bagama't tahimik kami ang puso ko naman ay walang tigil na nag iingay dahil sa pagtibok nito.
"Messeah.." tawag nya. Nanigas ako ng binanggit nya ang pangalan ko.
"Hmm?" Hindi ako bumaling sa kanya, nanatili ang tingin ko sa pagkain ko.
"I will feed the horse later, do... you want to come with me?" Malamig ang bawat salita nya, at sanay na ako dun. Ganito na talaga sya noon pa.
"I....can't" sabi ko ng mahina. Titig na titig sya sa akin, ngunit hindi ko sya dinapuan kahit isang tingin.
"You still mad at me." It's not a question. He's so sure that he is correct in what he was thinking.
"Matthew. I'm tired, I just want to rest this whole day" sabi ko kahit sa totoo lang ay wala naman akong ginagawang nakakapagod na kailangan ko pa ng pahinga. But yes, I'm not tired physically. I'm tired emotionally.Hindi na sya nagsalita. Tumayo ako doon at umalis ng hindi sa kanya nagpapaalam. Pagkalabas ko ng dining nakita ko naman si Ruth na papasok dun. Parang may pinuntahan sya sa suot nya. She's wearing a gray backless dress. It's tracing her every curves she have. Naka stilleto din sya at para syang model na naglakad papuntang dining.
Hindi ko sya pinansin at ganun din sya sa akin. Habang naglalakad ako papuntang duyan sa labas ng mansyon ay naninikip ang dibdib ko. For sure magkasama silang dalawa ngayon. Huminga ako ng malalim. Siguro tama lang na manahimik na lang ako. Mali na nagsalita ako ng ganun kay Ruth kagabi dahil maiisip nya na kalaban ako. But I'm not. Hindi ako lalaban. Dahil sisiguraduhin ko na may maipapagmamalaki na ako bago ako humarap sa lahat. Pagkatapos ng problemang ito kay tita Lorna. Aayusin ko ang buhay ko, kasama si papa.
I will take care of everything and I will be successful.
Natanawan ko si Matthew, ngayon ay nakasakay sya kay Kier, napangiti ako ng maalala ko ang kabayo nya. Pero nawala din ang ngiti ko ng nakita ko din si Ruth, nakasakay din sya sa isang brown na kabayo. Nakapagpalit na sya ng jeans at boots para sa pangangabayo. Naninikip ang dibdib ko sa nakikita ko. Bagama't wala akong nakikita na ngiti ni Matthew, ngunit para silang masayang couple.
Tumawa si Ruth ng medyo gumalaw ang kabayong sinasakyan nya, napatigin si Matthew sa kanya. Bakit ganun? Perpekto sila sa isa't isa, maaaring sya ang gusto ni Matthew. Pero bakit ako nasasaktan? I should be happy for him. Dahil wala akong karapatang masaktan!
Tumungo ako ng maramdaman kong lumandas ang luha ko sa aking pisngi. Hindi dapat ganto ang nararamdaman ko. I am very young! Marami pang lalaki dyan na maaaring magpatibok ng aking puso, yung kapantay ko lang, yung hindi ko mararamdaman ang mga insecurities dahil alam kong bagay kami sa isa't isa, walang mataas, walang mababa, basta pantay lang.
Pinunasan ko ang aking mga luha. Dapat siguro magkulong na lang ako sa kwarto ko. It's better that way. Huminga ako ng malalim bago nagpasyang tumayo. Naglakad na ako papuntang mansyon. Ngunit hindi pa ako tuluyang nakakapasok sa mansyon ng may mainit na palad ang humawak sa aking braso na naging dahilan ng paglingon ko sa likod ko.
Ngunit laking gulat ko nang si Matthew ang humila sa akin.
"B-Bakit?" Tanong ko. Hindi ko alam kung tama ang nakikita ko sa kanyang mga mata. Sobrang lamlam nito na madalang kong makita sa kanyang mga mata. Madalas itong malaming kung tumitig."Please don't go up to your room" nangunot ang noo ko sa sinabi nya. Nakita ko sa kanyang likod si Ruth na kababa ba lang ng kabayo.
"Why? I want to rest" sabi ko.
"And you will lock up yourself to that damn room, right? And then you will not go down anymore in this whole damn time?" Matalim na ang kanyang mga titig. Inalis ko ang kanyang kamay na nasa braso ko pero mahigpit itong nakakapit.
YOU ARE READING
Wrath Of The Past (UNEDITED)
RomanceMesseah Jade Benosa was sheltered her whole life. Her life was just evolving around his father but when a man named Matthew Kier Aguas was introduced to her she knows that her life will never be the same again. --- Messeah, wished to grow faster so...