Rule Breaker
Tuwing umaga wala si Matthew, yun ang napansin ko siguro dahil inaasikaso nya yung mga kompanya. Ngunit pag dumating ang tanghali ay nandito na sya. Hindi naman kami super close but we were talking. And its fine for me. Natapos ko na ring basahin ang mga libro na binigay sa akin ni Matthew.
Pagkababa ko ng hagdan nabigla ako ng nakita ko si Matthew na may kausap na isang haciendero sa sala ng mansyon. Napatigil ako sa paghakbang. Seryosong nag uusap ang dalawa ngunit titig na titig ako kay Matthew. Himala yata na nandito sya. Humakbang na ako papuntang dining at nakita ko na may mga pagkain ng nakahain.
Hindi ko alam kung bakit gumaan ang pakiramdam ko ng malaman ko na nandito sya ngayong umaga. Maya maya lang naramdaman kong umupo sya sa tabi ko. Tahimik ako habang kumakain habang pinagsisilbihan sya ng mga katulong para sa pagkain nya.
"Wala kang pupuntahan?" Hindi ko mapigilan ang pagtatanong.
"Why? Gusto mo bang may puntahan ako?" Pabalik nyang tanong. Umirap ako. Hindi talaga sya maka usap ng maayos!
"Whatever" nagpatuloy ako sa pagkain habang naririnig ko ang munting tawa nya. Hindi na lang ako umimik.
"Anyways do you want to come with me? Mag papaanak kami ng kabayo" biglang tanong nya. Napa angat ang tingin ko sa kanya."Kailan?" Excited kong tanong. Tumigil sya sa pagkain at kumuha ng juice para mainom.
"Later" sabi nya. Ngumiti ako.
"Sasama ako" tugon ko.It's my first time na makakakita ng kabayong manganganak, kaya naman excited ako! Mabilis akong natapos ng pagkain. Si Matthew naman ay hindi pa. Kumunot ang noo mo. Bakit feeling ko napakabagal nya kumain.
"Hindi ka pa ba tapos?" Tanong ko. Patuloy pa rin syang kumakain.
"Don't you see? I'm not yet done" he seriously said. Napairap ako.
"Bilis! Baka mamaya makaanak na yung kabayo sayang kung hindi ko makikita!" Naiirita kong sabi.
"Don't worry the horse will wait" sabi nya habang kumakain pa rin.
"Anong will wait? Hindi yung kabayo ang mag iintay. Tayo dapat ang pumunta dun ng mabilis!" Sabi ko ulit.
"Tsss. Kung maka sabi ka ng mabilis eh hindi naman ikaw ang mag papaanak" sabi nya bago uminom ng tubig."Tigilan mo na ang pagsasalita, at tapusin mo na yan!" Sabi ko. Kumunot ang noo nya.
"How will I stop when you are the one who's too noisy" sabi nya naman. Sinamaan ko sya ng tingin pero tinaasan nya ako ng kilay. Suplado talaga!
"Come on. Lets go" he said. Excited akong sumunod sa kanya. Kaso bigla syang tumigil.
"What?" Tanong ko.
"Change your clothes" he said. Kumunot ang noo ko.
"It's okay! Maayos naman ang damit ko ah?" Sabi ko.
"No. You change. It's in your closet" he said. Bumuntung hininga ako ng napagtantong wala akong laban. Umakyat ako patungo sa kwarto ko. Nag buksan ko ang closet nakita ko ang isang brown jeans at puting long sleeve may kasama ding itim na boots. Sinuot ko na ito at mabilis na bumaba. Nakita ko si Matthew na nakatayo sa hamba ng pintuan ng mansyon.Naka boots na rin sya. At hindi ko alam kung paano bumabagay sa kanya ang lahat ng damit na suotin nya.
"Lets go!" Sigaw ko ng makalapit na sa kanya. Humarap sya sa akin at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Nag init ang pisngi ko sa ginawa nya. What the hell?!
"It's fine. Come on" sabi nya. Nauna syang maglakad sa akin samantalang ako ay sumusunod lang sa kanya. Hindi maalis sa isipan ko ang maraming imagination kung paano manganak ang isang kabayo. Ng makarating kami sa kwadra lumapit ang isang haciendero kay Matthew."Señorito, halos isang oras syang nag lalabor, tapos ngayon ngayon lang din nakita ko na ang nalalapit na ulo ng bisiro" tumango lamang si Matthew at lumapit sa isang brown na kabayo, halatang halata na naghihirap ito. Umuungol ito ng may kahalong sakit. Lumapit ako ng kaunti para mas lalong makita ang ginagawa ni Matthew sa kabayong nanganganak.
Medyo maputik sa inaapakan ko kaya tumuntung ako sa isang bato. Seryosong pinagmamasdan ni Matthew ang kabayo. Hinaplos nya ang ulo nito at pawang nahimas masan dun ang kabayo. Paano nya kaya yun nagagawa? Hindi ko alam nasa kabila ng pagiging seryoso ay may ganto pala syang side.
Pagkatapos pumwesto si Matthew sa hulihan ng kabayo para silipin ang paparating na bisiro.
"Malapit nang lumabas, kailangan lang mating mag intay." Seryoso na sambit ni Matthew. Tumango ang mga haciendero na nandito. Ng magtama ang mata namin ni Matthew ay nginitian ko lang sya but he still remain serious. Lumapit sa tabi ko si Matthew at katulad ko pinagmasdan namin ang kabayo.
Then I realize, nahirapan din kaya ang mama ko sa pag aanak sa akin? Napahirapan ko kaya sya?
Ngayon lang sumagi sa isipan ko ang mama ko na kahit minsan ay hindi ko nakita at nakilala. Kailan man ay hindi namin sya pinag usapan ni papa. At hindi ko rin sya natanong. Nasan na kaya sya? Ano kayang pangalan nya? Did she know me?
Ng makita ko ang kabayong ito na naghihirap dahil sa panganganak na realize ko na sobrang mahalaga pala ang isang ina, sya ang nagluwal at naghirap para makita mo ang mundong ito. Ano kaya ang pakiramdam ng may ina. Is it feel good? Or not?
Nanglaki ang mata ko ng lumabas na ang batang kabayo, nagtulong tulong ang mga haciendero para makuha ang bisiro. Lumapit din si Matthew doon. Habang pinagmamasdan ko ang inang kabayo na nakatingin sa kanyang niluwal ay hindi ko na napigilan ang mga luha ko na pumatak.
Tinitigan din kaya ako ng ina ko ng unang makita nya ako?
Agad na pinunasan ko ang luha kong tumulo ngunit napansin agad ito ni Matthew ang lumapit sya sa akin.
"Are you crying?" Tanong nito.
"I can't help to get emotional. Im so happy to the mother that she survive it" i said. Hindi ako makatingin kay Matthew dahil natatakot akong malaman nya kung ano ang nasa isip ko.Pagkatapos ng panganganak ng kabayo, nagpaalam muna ako kay Matthew na aalis muna. Tumango lamang sya dahil abala sila sa bagong bisiro na naipanganak.
Pumunta ako sa dalamapasiga. At muling sinariwa ang mga pangyayari kanina. Masama ba akong anak? Hindi ko man lang hinanap o tinanong ang tungkol sa ina ko. Tumulo na naman ang mga luha ko. If I have a mother... magkakaganito kaya si papa, hindi na ba kami guguluhin ni tita Lorna?
Noong bata ako, hindi ko man lang naisip ang tungkol sa ina ko, mali ba ako?
"I know that you have another reason behind your tears" narinig ko ang boses ni Matthew sa likod, hanggang sa nasa tabi ko na sya.
"Im just too emo-" napatigil ako sa pagsasalita ng naglakad sya sa harapan ko. And now he's blocking my view to the sea."Your mother right?" Tanong nito na ikinabigla ko. Tumungo ako.
"Can you tell me, why I don't have a mother?"mahina kong tanong. Hindj sya nagsalita nanatili sya sa harapan ko."I can't." Tanging nasabi nito. Muling tumulo ang mga lintek kong luha! Ngunit nakatungo ako kaya hindi nya ito kita.
"W-why?" Tanong ko.
"Because your father only know about that" he said. Humikbi ako. Pero bakit ang sarili kong ama walang sinasabi. Kilala ko ba talaga ang sarili kong ama?
"But it's so sad that I can't ask him about that now" sabi ko. Pinunasan ko ang mga luha sa aking mata at medyo huminahon na ang pakiramdam ko. Tumingala ako para magtama ang mga mata namin ni Matthew."I really want so bad to wipe all your tears" he said while looking deeply into my eyes. My knees are trembling and there's something in my stomach!
"But Im scared that I might break the rule #1" he said again. Nilakasan ko ang loob ko na mas lalong titigan pabalik ang mga mata nya.
"Hindi ko alam na takot ka pa lang mag break ng rules?" Nagawa ko pang magbiro habang nakatingin sa kanya.
"Ofcourse Im not a rule breaker" he whispered. Lalo pa syang lumapit at lalo ding nanglambot ang mga binti ko."But I can be, if you want to" he said. Halos maubusan ako ng hininga sa lahat ng sinasabi nya. Kaya naman mas pipiliin kong umiwas.
"Uhm... Im just taking a bath" paalam ko sa kanya bago tumakbo papuntang mansyon, pero bago ako makapasok ng mansyon kitang kita ko ang seryoso nyang tingin patungo sa akin.
YOU ARE READING
Wrath Of The Past (UNEDITED)
RomanceMesseah Jade Benosa was sheltered her whole life. Her life was just evolving around his father but when a man named Matthew Kier Aguas was introduced to her she knows that her life will never be the same again. --- Messeah, wished to grow faster so...