Avoid
Galit ang pinakita ko habang walang nakikitang ekspresyon sa kanya.
Nang magkaroon ng pagkakataon ay tinulak ko sya at padabog na naglakad paalis sa harapan nya. Hindi ko alam kung sumunod sya. Hindi ko alam kung bakit nagagalit ako. Ang gusto ko lang naman ay maging malinaw ang lahat sa pagitan naming dalawa. Pinaparamdam nya sa akin na mahalaga ako sa kanya pero may Ruth Guevarra sya. Naaasar ako sa sarili ko ngayon dahil alam ko simula palang noong una na malayong maging kami at magkaroon ng pagkakataon but yet hindi ko pa rin maiwasang umasa.
Pumasok ako sa kwarto ni papa. Umupo ako sa couch at hinayaang humupa ang galit na naramdaman ko kanina lang. Ilang segundo lamang ay sunod sunod tumulo ang luha ko. Kumaripas agad ako sa cr ng may marinig akong nagbubukas sa doorknob.
Tiningnan ko ang mukha ko sa salamin. Parang tinutusok ng maraming karayom ang puso ko, at dahil dito masikip ang paghinga ko dahil sa sakit na nararamdaman. I hope that everything went normal. Sana ay hindi ko na to maramdaman. Ayaw ko na. Tama na. I really need to stop from hoping...that maybe Matthew and me can be together na alam kong malayong mangyari.
Lumabas ako na parang walang nangyari. Nakita ko si tita Kristine at tito Mateo na nakaupo malapit sa higaan ni papa. Nang idako ko ang paningin sa couch ay bumundol na agad ang kaba sa aking puso. Matthew is sitting on the couch. Serious, no expression can see in his handsome face. Ang malaking couch ay tila nagiging maliit dahil sa kanyang pangangatawan.
"Messeah, san ka galing? Sabi sa amin ni Matthew na wala ka daw kanina dito?" Si tita Kristine ay lumapit sa akin. Nag angat ako ng tingin sa magandang si tita Kristine.
"May pinuntahan lang po ako kanina. I'm sorry tita" i said. Tumango lamang ito at ngumiti.
Nangatog ang binti ko ng maramdaman ko ang titig ni Matthew sa akin. Para akong tinutunaw ng kanyang mga titig na hindi ko kayang takasan.
Pumunta ako sa lamesa at kumuha ng isang baso para uminom.
"You should tell us kung san ka pupunta hija. Para naman alam namin" sabi ni tito Mateo. Tumango ako. Alam ko kung bakit nag aalala din sina tito Mateo. Siguro nga ay mali ako. Kaya lang naman ako napuno kanina ay kung paano magsalita si Matthew sa akin para bang wala syang atraso sa akin. And I hate him.
"I'm sorry po talaga" sabi ko. Ngumiti lamang sila sa akin. Dumako naman ang tingin ni tito Mateo sa likod ko kung nasan si Matthew dahil dun lalo pa akong kinabahan.
"Did you talk already to Mr. Lim?" Tanong nya sa nasa likod ko.
"Yeah" maikli nitong tugon.
Nakita ko ang pagkunot ng noo ni tito Mateo sabay nun ang pagtingin nya sa akin. Shit! Mas lalo pa akong kinabahan. Halata ba na mag kaaway kami ngayon ni Matthew?
Tahimik ako habang nag uusap sila about business hindi ko tinitingnan ang direksyon ni Matthew kahit naririnig ko ang baritono nyang boses. Everytime I hear his voice it give me goosebumps and nervousness.
Maya maya lang ay nag paalam na sina tita Kristine ngunit hindi si Matthew. Shit! Mag papaiwan sya? Sana ay hindi!
Tumingin sa kanya si tito Mateo.
"Son, are you coming with us?" Tawag nito kay Matthew.
"No, I have other things to do" sabi nya. Dinagundong ako ng kaba at hindi ko malaman kung para san to. Nagpaalam na si tito Mateo at tita. Tahimik ang paligid. Nilakasan ko ang loob ko para bumaling sa kanya. Ngunit nanghina din ng makita ko syang nakatitig sa akin. He's staring at me like he want to know something in my mind that he needs to figure out.
"You need to go home" sabi ko. Tumalikod ako sa kanya at naglakad papuntang mesa para ayusin ang mga kalat dun.
"Not until we fix this" he said. Nanatili sya doong nakaupo watching my every move.
"There's nothing to fix, Matthew. So better leave now" mariin kong sabi.
"Hindi kami magkasama noon ni Ruth" his voice is very serious and it convince me to believe him, but I really don't care.
"I don't care" mataray kong tugon. I continue to clean the table until I felt his presence in my back. At dahil doon nag simula na naman ang puso ko.
"I was there to talk Mr. Bautista about busine-" pinukol ko sya ng masamang tingin.
"Oh really? Business? In the bar? As if I believe that?" I said at pinagpatuloy ulit ang ginagawa.
"Yun ang gusto nyang lugar-" i cut his words once again.
"Stop, Matthew! There's nothing to explain! Wala kang ginawang masama para mag explain sa akin! Just keep your words and leave me alone!" Napasigaw na ako.
Nabigla ako ng hinigit nya ako sa pulso at tumama ako sa dibdib nya. His force is too much to handle. Nagbigay kuryente ito sa buo kong katawan nagtama ang paningin naming dalawa.
"Then why are you upset?" Ang kanyang mga mata ay naghahanap ng sagot.
"I'm not!" Tanggi ko. Pinilit kong kumawala sa hawak nya pero hindi ko kaya ang kanyang lakas.
"Then tell me why are you like this?" His eyes is telling me that he is so eager to know what is happening to me.
"I just want you to leave me alone....please" hindi ko alam kung bakit may mga luhang pumatak sa aking mga mata. Siguro dahil sa tuwing nagtatama ang aming mga paningin at nakikita ko ang brown nyang mga mata. Hindi ko matanggap. Hindi ko matanggap na hindi kami pwede dahil kahit ang sarili ko ay hindi maintindihan kung bakit hindi pwede. Magulo ang isip ko. Why I always keep telling to myself that we shouldn't be together? Walang nagsasabi na ibang tao na bawal kami. Pero bakit ang sarili ko hinahadlangan ko?
Tinitigan nya ang mga luha kong pumapatak. Hindi ko alam kung guni guni ba yun o talagang nakita ko ang pagsisisi at galit sa kanyang mga mata. Those emotion is perfectly drawn in his eyes right now.
"I'm sorry" he said. He let go of my hands and he stared at me blankly.
"I will leave you this time. But only this time, Messeah" he said and then he turn back at me and walk towards the door. And just a split of a time I'm alone in this room. But I'm wrong, just beside me is papa. Lumapit ako sa kanya at niyapos ang katawan nyang wala pa ring malay.
Bumagsak ang mga luha ko lalo.
"Am I right, papa? Is it right to avoid him? Is it right to believe that he is bad for me? That we should never be together?" Sabi ko sa gitna ng mga hikbi.
I'll try alright! I will try. Avoid Matthew Kier Aguas to save myself from a brokenheart.
YOU ARE READING
Wrath Of The Past (UNEDITED)
Roman d'amourMesseah Jade Benosa was sheltered her whole life. Her life was just evolving around his father but when a man named Matthew Kier Aguas was introduced to her she knows that her life will never be the same again. --- Messeah, wished to grow faster so...