Kabanata 51

1.1K 35 0
                                    

Danger

Walang nagsalita sa buong oras na nandun kami. Para bang parehas naming pinakikiramdaman ang isa't isa. Maya maya lang ay sumagi sa isip ko si Papa. Alam nya kaya kung san nakatira si Papa? Lumingon ako sa kanya at dahil madilim konti lang ang nakikita ko sa kanya.

"Did you know where's Papa?" Tanong ko. Hindi sya bumaling sa akin nanatili syang nakatanaw sa madilim na dagat.
"He bought a house in one of our subdivision." He said. Malakas ang loob kong tumitig sa kanya dahil madilim pero kung maliwanag hindi ko kakayaning tumingin sa kanya.

"I want to see him." Sabi ko. Lumingon na sya sa aking direksyon and even when it's dark I can still felt his intense eyes.
"Ihahatid kita bukas." Nabigla ako sa sinabi nya. Napailing ako.
"Wag na, sabihin mo na lang sa akin yung address-"
"I'll drive you to your father's house." He cut me off. Kinagat ko ang aking labi para matigil na sa pagsasalita.

Tumingin ako sa harapan kung nasaan ang madilim na dagat. Parehas na kami ni Matthew na nakatingin doon habang sya ay nakahilig sa aking kotse habang nakapamulsa habang ako naman ay nakatayo lamang doon at nakacross ang nga braso.

"I have something to ask you." Sobrang lamig ng kanyang pagkakasabi nito. Nangilabot ako.
"A-Ano?" Nauutal kong tanong. Huminga ako ng malalim at handa ng makinig sa kanya.
"In those five years did you think or have plan to come back?" Dinagundong ng sobrang kaba ang aking puso. Sunod sunod ang aking paglunok. Gusto ko na ding maluha sa tanong nya.

Lumingon ako sa kanya at kasalukuyan syang nakatitig sa harapan.
"Y-Yes." Hindi ko alam kung tama ba ang sagot ko. Lumingon na rin sya akin. I'm trembling!

"Why didn't you do it?" He asked again. Hindi na ako nakasagot. Dapat ko ba sa kanyang sabihin ang dahilan? Ang totoo kasi takot ako. Takot sa mga maaaring mangyari. Takot sa maaaring datnan ko dito.
"I don't know." Sabi ko sa nangingilig na boses. Nakita ko ang paglapit nya sa akin. Lalong nanglambot ang tuhod ko ng nasa harapan ko na sya. At tinitignan ang buo kong pagkatao.

"May mahal ka ng iba kaya hindi ka bumalik." Mariin ang kanyang pagkakasabi. Para bang galit sya. Kumunot ang noo ko sa sinabi nya. Bakit naman nya yun nasabi?
"What are you talking about?" Mahina ngunit naguguluhan kong sinabi.
"Magpapakasal ka dapat di ba?" Halos malunok ko ang dila ko sa sinabi nya. Alam nya yun? How?

Kahit madilim ramdam ko ang mga nanunusok nyang mga tingin sa akin.
"Matthew ano bang sinasabi mo?" Maang maangan kong tanong. Nabigla na lang ako ng ikulong nya ako. Padabog nyang inilapat sa kotse ko ang kanyang kamay sa magkabila kong braso para makulong ako. My heart is racing so fast! He leaned forward so that our eyes will meet. Our face is so near to each other.

"Don't fucking fool me, Messeah! Did you think I'll let you leave without following you? I did follow you! So don't say to me that you don't know what I meant." He said harshly. Rinig na rinig ko dun ang sakit at galit. Lalo pang nanglambot ang tuhod ko.

Sinundan nya ako? Hindi ko alam kung bakit mas lalong tinutusok ang puso ko.
"I'm sorry." And with that my tears slowly fall down.

"Tell me the truth." Madiin nyang sabi. Napailing ako. Sasabihin ko ba talaga sa kanya? Hindi ko dapat ipagkait ang katotohanan sa kanya. Pero hindi pa ako handa. Ayaw kong sa huli kapag nalaman nya ang totoo hanggang dun lang, aalis na sya sa tabi ko.

"Why don't you tell me the fucking truth?!" Napapitlag ako sa sigaw nya. Iniangat ko ang kamay ko para punasan ang aking mga luha. Hindi ako nagsalita.

"So you did love another man." He said angrily. Napailing ako.
"O-Ofcourse n-not!" Tanggi ko. Umangat ang kanyang isang kamay at ginamit nya ito para iangat ang paningin ko para magtama ang aming mga mata. Kahit madilim kitang kita ko sa kanyang mga mata ang sakit at galit na lalong nagpaguho sa aking puso.

Wrath Of The Past (UNEDITED)Where stories live. Discover now