Speechless
Nagising ako ng maagap ngayon, kaya alas sais pa lang ng umaga tapos na akong kumain ng umagahan at ngayon ay pinagmamasdan ko ang isang bisiro na kahapon lamang ipinanganak. Napapangiti ako habang nakikita kong mukhang masaya ang mag ina.
Nakaupo ako sa isang bato kung saan kitang kita ko yung mga kabayo. Maraming dayami dito sa kwadra ngunit gusto ko man pakainin sila, natatakot ako na baka may magawa akong mali.
"Ma'am... hindi po ba kayo nilalamok dyan? Pumasok na po kayo sa mansyon tutal ay sobrang agap pa naman" biglang sabi ng isang haciendero sa likod ko. Lumingon ako dito. Hindi naman ako nilalamok. Naka suot ako ng white long sleeve pinaresan ko ng black jeans at brown boots.
"Hindi naman po ako nilalamok. Okay lang po ako dito" sabi ko at binalik ang tingin sa mga kabayo. Kung sana lang ay may sarili akong pag mamay aring kabayo, nalaman ko sana kung paano mag alaga nito.
Inabot ako ng ala siete sa panunuod ng mga kabayo at namamangha sa bawat galaw ng mga ito. Maya maya lang may lumapit na kasambahay sa akin galing pa sa mansyon.
Mukhang pagod na pagod ito sa itsura nito."Ma'am hinahanap po kayo si señorito" mahinahon nitong sambit. Kumunot ang noo ko. Tatayo na sana ako sa pag kakaupo ng maalala ko yung nangyari kahapon. Hindi ko malimutan ang mga mata nya, at natatakot akong masilayan ang mga mata nyang magbibigay sa akin ng iba't ibang emosyon na hindi ko gustong maramdaman.
"Ahm, Manang sabihin mo may ginagawa pa ako" sabi ko. Ramdam ko na gusto pa akong pilitin nung kasambahay ngunit umalis din ito. Napa buntong hininga ako. I don't understand myself! Hinahanap ko ang presensya nya..ngunit pagnaramdaman ko ito at nahihirapan ako ang gusto ko na lamang ay umiwas.
"What are you doing, then?" Napatayo ako ng marinig ko ang boses nya sa likod. Nagkagulo nanaman ang sistema ko! Humarap ako sa kanya. At isang beses nagtama ang mata namin ngunit gusto ko na agad itong iiwas.
"M-Matthew!" Gulantang kong banggit sa pangalan nya. Seryoso nya akong tinitigan. At halos manghina ako sa kanyang mga titig na tagos sa aking kaluluwa. Nagtaas sya ng kilay na tila ba naghihintay ng kasagutan.
"I'm busy watching the horses" nilipat ko ang paningin sa mga kabayo para maiwasan ang kanyang mga mata.
"This early?" He asked. Tumungo ako.
"I woke up early so,I decided to go here" sabi ko. Sa sobrang kagustuhang makaiwas humakbang ako para umalis na sa kanyang harapan. Nagtuloy tuloy ako sa paglalakad papuntang mansyon habang ramdam ko ang pagsunod nya sa likod."Did you eat already?" He asked when we entered the large door of the mansion.
"Ahh yes" sagot ko. Dumiretso ako sa kitchen dahil ramdam ko ang pagka uhaw ko. I walk towards the fridge and then I opened it to get some bottle of water while Matthew is staring me intently and I'm getting uncomfortable with it.
"I'm going to Réal port to check some things. And probably by lunch I can be here. Is it okay with you?" May pananantya nyang tanong. Medyo kumunot ang noo ko. Bakit nya sinasabi sa akin ito?
"Of course it's okay with me. You don't need to asked me that" may halong pagbibiro kong sabi. Ngunit nanatili syang seryoso."May gusto ka bang ipabili?" Mas seryoso nyang tugon. Marami. Marami akong gustong ipabili, pero ayaw kong umasa sa kanya,
"Nothing" i only said. Aalis na sana ako ng marinig kong syang magsalita.
"Do you have a problem? You seem bothered" sabi nya. Gustuhin ko mang tumingin sa kanyang mga mata ng diretso ngunit hindi ko kaya ang intensidad nito.
"No. I'm okay. You can go now" hinaluan ko pa ito ng ngiti bago tumalikod sa kanya at diretsong umakyat ng kwarto. Napapikit at nagpapadyak ako sa sahig.Bullshit ka Messeah! Ikaw ang nagsabi na bahala na! Pero bakit sa huli naduduwag ka na? Ako ang may gusto na kausapin nya ako! Pero bakit ngayon mas gusto ko na lang ang umiwas? I'm so scared of this feeling. It's very strange na matagal ko ng nararamdaman towards Matthew! Na hanggang ngayon ay hindi ko maintindihan!
Ng dumating ang lunch ay kumatok si Manang Rosie.
"Neng, bumaba ka na at mag tatanghalian ka na" sabi nya ng makapasok sya. Nadatnan nya akong nakahiga sa malambot na kama at malalim ang iniisip.
"Ah Manang, dito na lang ako kakain. Paakyat na lang ng mga foods please? I'm not feeling well, Manang" mahina kong sabi. Lumapit sya sa akin at dinampian ng mainit nyang kamay ang aking noo. Pinagmasdan nya ako."Wala ka namang lagnat ah?" Tanong nito. Tss. Alam kong wala akong lagnat. Pero totoong masama ang pakiramdam ko ngayon.
"Basta po Manang, ipaakyat nyo na lang ang mga pagkain" sabi ko. Tumango sya at lumabas na ng kwarto. Habang iniintay si Manang Rosie tulala kong pinagmamasdan ang ceiling ng kwarto. Maya maya lang dumating na si Manang na may dalang tray ng mga pagkain. Nilagay nya ito sa isang maliit ba lamesa. Tumayo ako tinulungan sya."Andyan na nga pala si señorito" sabi nya. Napatigil ako.
"And?" Tanong ko.
"Eh ano pa. Edi tinanong ka nya sa akin. Sinabi ko na masama ang pakiramdam mo" sabi nya. Tumango lamang ako. Nagsimula na akong kumain habang si Manag Rosie ay tinitigan lamang ako.
"Ay oo nga pala mamaya ang sabi ni señorito aakyat sya dito, para bisitahin ka" bigla akong nasamid sa sinabi nya!The hell!
"Neng! Dahan dahan ka kasi sa pagkain!" Sabi nya habang inaabot nya sa akin ang isang baso na may lamang tubig. Ng mahimas masan ay dumiretso agad ang titig ko sa kanya.
"What did you just say?" Tanong ko.
"Ay neng wag mo kong iingles ingles ha,!" Madrama nyang sabi. Sumimangot ako at the same time kinakabahan.
"Manang! I'm serious!" Sabi ko.
"Ayun nga! Pupuntahan ka daw nya dito para icheck ang kalagayan mo" sabi nya habang nililigpit ang pinag kainan ko."Manang please.. tell him that I'm okay so he'll stop in his plan! I don't want him to go to my room!" Kinakabahan kong sambit. Nagtataka syang tumingin sa akin.
"Ano bang meron neng at tila kinakabahan ka?" Tanong nito.
"Eh basta-" napatigil ako sa pagsasalita ng may kumatok. Napatahimik ako. Ito namang si Manang Rosie, binuksan ang pintuan! Shit! Yare talaga sa akin itong si Manang! Tinambol ng kaba ang aking puso ng tumingin sa akin ang pares ng mga mata ni Matthew. Shit! Gusto ko na lang ay ang tumako papalabas at mag pakalunod sa dagat! Hindi ko yata kaya na manatili dito gayong alam ko na kaming dalawa lang ang nandito sa loob ng apat na sulok ng aking kuwarto. Lumabas na si Manang at umalis.Nanatili sya sa labas ng pintuan at nagpapasalamat ako dun at hindi na sya pumasok pa. Nilakasan ko ang loob ko para makalapit sya sa akin.
"Matthew nandit-"
"Are you okay?" Putol nya sa sasabihin ko. Bumaba ang tingin ko sa dibdib nya.
"M-Maayos na naman ako" mahina kong tugon. Nanatili syang nakatayo sa harapan ko.
"I do not like on how you acted this day... you are avoiding me" siguradong sigurado sya sa sinabi nya dahil hindi ito tanong na kailangan pang sagutin."Of course not-"
"Liar" he accused me. He's so serious right now at alam mong hindi mo sya pwedeng biruin ngayon dahil sa uri ng mga mata nya.
"Im not-" napatigil ako ng humakbang sya papalapit sa akin at wala akong magawa kundi ang umatras.
"I will break the rules right now, like it or not." He whispered, nakakakilabot ang bawat dampi ng hininga nya sa aking tainga.
"The more I give you space you can easily get away. So I will break the space to stop you from getting away" he whispered again. Napatigil ako sa pag atras ng higitin nya ang pulso ko. Nagdikit ang aming katawan na nagbigay ng pagdaloy ng kuryente sa akin. Sa sobrang gulat nanglaki ang mata ko sa ginawa nya. Ang namamagitan na lamang samin ay ang mga kamay kong nakapahinga sa kanyang matitipunong dibdib."Sometimes I wondered.... why we are always opposite..." he trailed off.
Nanglalambot ang mga tuhod ko sa kanyang mga sinasabi. Tumatambol na din ng sobrang lakas ang puso ko."You want to get away from me while I want to be close to you.... why is that?" He said while he put his thumb on my chin and bring my eyes to him. And when our eyes met. There's so many emotion in his eyes that I can't named. I let him controlled me. And this time I am so speechless.
YOU ARE READING
Wrath Of The Past (UNEDITED)
RomanceMesseah Jade Benosa was sheltered her whole life. Her life was just evolving around his father but when a man named Matthew Kier Aguas was introduced to her she knows that her life will never be the same again. --- Messeah, wished to grow faster so...