Rule #2
Panibagong araw na naman. Tulad ng mga nakaraang araw, mag isa akong kumain ng breakfast. Hindi ko alam kung bakit sa tuwing baba ako ng kwarto sya ang hinahanap ng mata ko.
"Umalis ngayon si señorito, at may pinapasabi sya sayo" napatingin ako kay Manang Rosie.
"Ano po yun?" Tanong ko.
"Hindi daw sya makakauwi ngayong araw baka daw bukas pa sya ng umaga umuwi," napabuntong hininga ako sa sinabi nya. Tumango na lamang ako at hindi umimik."Atsaka nga pala.. sabi nya bisitahin mo daw yung library.. kuhain mo daw yung nasa pulang kahon" sabi nito bago umalis. Bumuntung hininga ako at nag simula ng kumain.
Ano naman kaya yung nasa red box?
Ng matapos akong kumain, dumiretso ako sa library, tinanong ko pa kay Manang Rosie kong nasan ito ang sabi nga nasa kanang bahagi daw ng mansyon. Naglakad ako papunga dun, at nakita ko ang isang malaking pintuan. Pumasok ako dito at napanganga sa nakita ko. Ang daming libro! Maayos itong nakahanay sa bawat dingding kung san ito nakalagay.
Merong isang pahabang lamesa kung nasan ang hinahanap kong red box. Lumapit ako dito at hinawakan ito. Ng buksan ko ito may nakalagay ditong tatlong libro about sa science! My god! It's my favorite! Kinuha ko ang box, nang iangat ko ito may nakita akong sticker paper sa ilalim
'To lessen your boredom
-M.A'Napangiti ako sa nabasa, kahit simpleng ganito lang ay napapangiti ako. Ang malaman na kahit papaano ay may pakielam pa rin sya sa akin ay nakapag papagaan ng loob. Huminga ako ng malalim. Why are you like this, Messeah? Ayaw mo sa kanya pero ganto naman ang inaasal mo?
Lumabas na ako at dumiretso sa duyan malapit sa fountain. Inuna kong basahin ang Physics. Halos ginugol ko ang buong maghapon sa pagbabasa and it really lessen my boredom. Umangat lang ako sa duyan ng matapos ko na ang isang libro. Napatingin ako sa kalangitan, kulay orange ang kalangitan tanda na mag gagabi na. Dala dala ko ang libro papasok sa mansyon.
Nakaramdam ako ng uhaw kaya dumiretso muna ako sa kusina. At halos tumakbo ako papunta sa kwarto ng makita ko si Matthew na na nakaupo sa dining habang presentableng umiinom ng isang wine sa kopita. Nanglalambot ang mga tuhod ko at pawang gusto ko na lang umupo dahil sa pang lalambot nito. Napaiwas ako ng tingin ng bumaling sya sa akin. Bakit sya nandito? Akala ko bukas pa sya uuwi?
Naglakad ako papuntang ref na parang hindi ko sya nakita. Walang imik kami pareho habang nagsasalin ako ng tubig sa baso. Inilapag ko muna ang libro sa lamesa bago uminom.
"You like the books?" Biglang tanong nya. Ito ang unang beses na marinig ko ulit ang boses nya. Sobra sobrang kaba ang nararamdaman ko ngayon sa aking dibdib. Nilapag ko ang baso sa lamesa at tumalikod sa kanya para ibalik ang pitsel sa ref."O-Oo" sabi ko.
Ramdam ko ang mga titig nya sa akin samantalang ako ay hindi ko magawang timitig sa kanya.
"Ah. Im g-going" sabi ko.
"Yeah. You should. I might break the rules if you don't" narinig kong sinabi nya bago ako nag madaling umalis. Tumakbo ako paakyat at mabilis na sinarado ang pintuan ng kwarto ko. Umupo ako sa kama at ramdam na ramdam ko ang paghupa ng mabilis na tibok ng puso ko kanina.'I might break the rules if you don't'
What rules, Matthew? Then I remembered, Im the one who asked the rules he just do me a favor. Ngayon Messeah sabihin mo sa akin, did you like your set up? Ano ba talagang gusto ko? To be with him, hayaan ang damdamin ang masunod at hayaan itong mahulog? O umiwas at pigilan ang lahat ng pwedeng mangyari? It's so hard! Baka naman pinapahirapan ko lang ang aking sarili at ako lang ang nahihirapan?Pinadala ko na lang ang dinner ko dito sa kwarto at dito kumain. Dahil hindi ko na yata kayang maglakad pa pababa. Pagkatapos nun ay nag night bath na ako ang napili kong pantulog ay simpleng pink na pajama at t-shirt na puti. Im so comfortable with this clothes.
Pinilit kong matulog at ipikit ang mga mata but i ended up staring at the ceilling thinking nothing. Hindi ako makatulog! Tiningnan ko ang wall clock and it's already 11 pm. Hanggang sa nakaramdam ako ng uhaw kaya naman tumayo ako at lumabas ng kwarto. Hindi naman madilim ang paligid, naka dim ang lights sa pasilyo hanggang hagdanan. Dumiretso ako ng kusina at doon uminom. Babalik na sana ako sa kwarto ng makita kong bukas ang front door. Bakit bukas ito? Nakalimutan ba ng mga kasambahay na saraduhan ito? Napailing ako. Naglakad ako papunta dito para saraduhan ito.
Ngunit napalunok ako ng may nakita akong pigura ng lalaki sa labas. At kilalang kilala ko ito, hindi ako pwedeng magkamali. It's Matthew! Bat sya nandito? Ang plano ko sana ay magtago bago sya lumingon pero huli na ang lahat. He already saw me!
"Uhm.. isasarado ko sana, akala ko kasi nakalimutan ng mga kasambahay" pagpapaliwanag ko. Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko sya naman ay nanatiling nakatitig sa akin. Buti na lang at medyo madilim ngayon kaya naman nakakaya kong tumitig sa kanyang mukha.
"Why are you not sleeping?" Nangilabot ako sa sobrang lamig ng pagkakatanong nya."I got thirsty so..." nagkibit balikat ako. Lumingon sya sa harapan nya. Nakatalikod na sya sa akin. At hindi ko alam kung anong naiisip ko kung bakit naglakad ako papalapit sa tabi nya. Bullshit! Messeah you should come back to your room!
"You making me break the rules, Messeah... you should sleep now" malamig na sabi nya. Napakagat labi ako.
"I have a question and I want you to answer this" sabi ko. Nakatingin kami pareho sa kalangitan na sobrang dami ng bituin pwedeng pwede mag star gazing kung gugustuhin mo. Maliwanag din ang buwan ngayon na nagbibigay liwanag sa buong Hacienda."What is it?" Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita.
"What happened after I passed out?" Ito ang gumugulo sa isipan ko simula ng magising ako.
Hindi sya kumibo. At tanging pag hinga ko lamang ang naririnig ko.
"Before you went to your house, my guards that I hired in that house called. He said that Lorna Ignacio came. And the other guards passed out because of her. I didn't know that your going to your house. And the guards I hired for you didn't tell me, but anyways their fired so there's nothing to worry about"
tumigil sya sa pagsasalita at nagpatuloy muli."After she shoot you she jumped to the window. I ordered my people to chase her but they are too late she's already gone. So for now I hired detectives, police mans to find her" he said.
Ganun pala ang nangyari. Ngayon na iintindihan ko na.
"Hindi mo na dapat pa ginawa yun" sabi ko. Hindi sya tumugon kaya naman hindi ko napigilang lumingon sa kanya. Mula sa liwanag ng buwan kitang kita ko ang seryoso at gwapo nyang mukha.
"Tell me, ano ba dapat ang gawin ko?" He suddenly asked. Kumalabog ng husto ang puso ko sa sinabi nya. Tumingin muli ako sa harapan.
"Wala.... wala ka dapat gawin Matthew. You already did it all" mahina kong sabi. Tumalikod na ako papasok sa mansyon.
"And thank you for that, Matthew" i said. Ngunit bago pa ako makahakbang napatigil ako sa bigla nyang pagsasalita."We break the rules #2 that we won't talk," he chuckled. Napangiti din ako at humarap sa kanya na ngayon pala ay nakaharap na din sya sa akin.
"I didn't know that you have a numbering in the rules" i said. Seryoso ang titig nya ngunit makikita sa mga mata ang kabaligtaran nito. Seriously,? Pano nya yun nagagawa?
"And yeah break the rule #2 we can now talk" i said before i walk through the mansion.
Smile is still plastered on my face until I sleep. I didn't know that its feel happy on breaking the rules.
Bahala na bukas....
YOU ARE READING
Wrath Of The Past (UNEDITED)
RomanceMesseah Jade Benosa was sheltered her whole life. Her life was just evolving around his father but when a man named Matthew Kier Aguas was introduced to her she knows that her life will never be the same again. --- Messeah, wished to grow faster so...