Dangerous but PrettyPagkababa ko sa magarbong hagdanan ng mansyon ng mga Aguas, wala akong nakita kahit anino man lang ni Matthew. Halos alas diez na ng umaga ako nagising kaya ngayon lamang ako nakababa. Hindi kasi ako ngayon nagising ni Manang Rosie dahil ang alam ko umuwi yun sa kanilang probinsya, kaya pansamantala wala akong kachikahan kapag naiinip.
Lumingon lingon ako sa bawat sulok ng mansyon pero hindi ko talaga sya makita. Nasan sya? Nasa Real Port ba sya? Doon kasi ang main office ng lahat ng hotels na pag aari ng mga Aguas dito sa Reàl Quezon, kaya ang kwento ni Manang Rosie dun lagi gumagawa ng trabaho si Matthew kapag nandito sya sa Reàl.
Tahimik akong naglakad papuntang dining. May mga pagkain na dun. Umupo ako kung san lagi akong umuupo. May lumapit na katulong para magsalin ng juice sa basong nasa harapan ko.
"Nagtrabaho po ba si Matthew?" Tanong ko sa babae na tingin ko'y mas matanda kay Manang Rosie.
"Ay, Ma'am.. wala pong sinabi eh. Ang alam ko po ay umalis sya maaga" sabi nito bago umalis. Walang imik akong kumain. At kahit nang natapos ako ay wala pa rin si Matthew. Pumunta ako sa library at naghanap ng pwedeng basahin.Noong mga nakaraang araw ay hindi sya umaalis at dinadala na lang nya ang trabaho dito. May office din sya dito sa Mansion, at sobrang laki niyon. Napa buntong hininga ako. Bakit ba ako nag iisip tungkol sa kanya? It's just normal na umalis sya para sa trabaho. Hindi ibig sabihin na nandito ako ay mananatili na din sya dito. He have his own life that it's wrong to meddle.
Nakakahanap ako isang libro tungkol sa Biology. Ito ang binasa ko buong umaga. At hanggang sa dumating ang alas tres ng hapon ay wala pa din sya. Nag meryenda ako mag isa na nakasanayan ko nang nasa tabi ko sya. But now he's not here. May dumaan na pait sa aking damdamin. Bakit hindi man lang sya nag paalam? Napapikit ako ng mariin habang pinagmamasdan ang buong kalupaan ng hacienda, nandito ako ngayon sa veranda ng mansyon.
Goddamn it! Syempre hindi nya kailangang mag paalam! Sino ba ako? Parang kahapon lang kasama ko sya. Napa iling ako. Napaka OA ko, umalis lamang sya ng isang araw eh naghuhumerantado na ako.
Paano kung hindi naman pala trabaho at may girlfriend pala sya? Parang tinutusok ang puso ko sa naisip. Hindi yun mali, ang totoo yun ang tama, pero bakit nasasaktan ako? Natawa ako, it's just normal, Messeah, you love him.
Pumunta ako dalampasigan dahil nagsisimula ng lumubog ang araw. Wala pa din sya, siguro ay hindi na sya babalik. Siguro, doon na lang sya sa Manila. Dahil nandun naman talaga ang mundo nya at hindi dito. Huminga ako ng malalim habang pinipigilan ang pagbagsak ng mga luha. My eyes is so blury because of the tears that want to go out. Hanggang sa lumubog ang araw ay walang akong nakitang Matthew.
It's okay, you can't control anything, even him. Mahirap kontrolin ang mga nasa paligid mo. Dahil lahat ng yan ay may sariling patutunguhan. You just let it happen, even it hurts, even you cried. Pinunasan ko ang aking mga luha. At pumasok na ng mansyon. Wala akong gana na kumain ng dinner. Tahimik lang din akong humiga sa kama pagkatapos ng night bath.
Sana lang ay wag na syang bumalik. Siguro tama ang nangyaring ito just me to realize to stop imaginig things, and start to think a way to escape in my own problems. Hindi sila ang mag aalis sa akin, kundi ako. Ako lang.
Sabi nga nila, you can't predict what will happen next. Pero meron kayang pagkakataon na sana ay wag ng mangyari ang hindi na dapat mangayari? Pwede kayang lagpasan na lamang ang mga ayaw mong parte sa iyong buhay? At makarating agad sa dulo? Para wag ng masaktan?
Kailan kaya mangyayari yun? I can't wait. Dahil kung sakali, gusto ko ng makarating sa huling chapter ng aking buhay para hindi ko na maramdaman ang mga pasakit ng buhay. I'm only 16, but I wish to be old enough to stand on my own feet without others help. Sana ay mangyari na yun. I can't wait that to happen.
YOU ARE READING
Wrath Of The Past (UNEDITED)
RomanceMesseah Jade Benosa was sheltered her whole life. Her life was just evolving around his father but when a man named Matthew Kier Aguas was introduced to her she knows that her life will never be the same again. --- Messeah, wished to grow faster so...