Come....
Ng makapasok ako sa mansyon nakahinga ako maluwag.
"Anak, san ka galing?" Napalingon ako kay papa.
"Im just looking around". Tumango sya at hinawakan ang kamay ko.
"Dito muna tayo tutulog, delikado na kasi ang pag alis ngayon at gabi na" sabi ni papa habang papunta kami sa dining mula doon naririnig ko ang boses nina tito Mateo at ng asawa nya. Ng makapasok kami tumingin silang dalawa sa amin."Oh nandyan na pala kayo. Wag na kayong umalis ha. Dito na kayo matulog" sabi nung asawa ni tito Mateo. I wonder what's her name.
"Salamat Kristine" sabi ni papa. Now I know.
"Ang gagamitin nyong kwarto ay yung sa dulo"sabi ni tito Mateo. Tumingin si papa sa akin.
"Lets go?" Tumango ako. Liningon nya sina tito Mateo.
"Sige una na kami" paalam ni papa bago kami umalis. Umakyat kami sa taas at tulad ng inaasahan magarbo at tiyak na pinag gugulan ng oras ang mansyon na ito. Malaki din naman ang bahay namin sa Maynila pero mas elegante at mahirap pantayan ang mansyon na ito. Pumasok kami sa isang pintuan sa dulo. Malawak ang kwarto. Mas malaki pa ito sa kwarto ko sa Maynila. Guestroom lang ba ito?"Go to the bathroom and have a half bath. After that go to sleep. Okay?" Yumuko si papa para kausapin ako.
Tumango lamang ako at pinanuod syang lumabas ng kwarto. Pumasok akong banyo. Lahat ng gamit ay mukang mamahalin. Hayy nakakasilaw ang mga gamit dito! Ng matapos akong mag half bath, nagsuot ako ng pink na pajama at t-shirt na puti. Pumanhik ako sa kama at humiga.Ang ganda ng lugar na to. Hindi ko inaasahan na may ganto palang kagandang lugar. O dahil naninibago ako dahil ito ang first time kong umalis sa bahay namin. I am only 10 years old but I dont have any experience being a kid. Since that I can remember I always play with myself, minsan si papa pag di sya busy but most of the time I am alone. I matured early because of that sa murang edad nabuksan ang isip ko sa maraming bagay. But the only thing that I can't understand is why papa is always keeping me behind. I am homeschooled. I dont have any experience with other people or a person who equal on my age. Pero kahit minsan hindi ko si papa tinanong even about my mother. Hindi ko sya tinanong kung bakit wala akong ina siguro dahil I am contented with my father? Or I am afraid that if I ask it getting more complicated. Simula noong isang linggo sinasama na ako ni papa sa company kaya marami na sa aking may kakilala na katrabaho ni papa. Natatawa na lang ako kapag napagkakamalan nila na 15 years old na ako. I can't blame them, kahit pangangatawan ko maagap nag matured.
Syempre kaya dinadala nya ako sa kompanya it because he is training me to be a business woman, at inaamin kong gusto ko ang ginagawa ko. Bumangon ako sa pagkakahiga dahil hindi ako makatulog. Tiningnan ko ang wall clock at alas niwebe na ng gabi. Kinuha ko ang manika ko, napangiti ako, kahit ganto na akong mag isip hindi mawawala sa akin ang paghawak sa manikang ito. Papa gave this to me kaya sobra sobra ang pag papahalaga ko dito. Umalis ako sa kama at naglakad palabas. Gusto kong uminom.
Habang naglalakad sa hagdanan hindi ko talaga maiwasan na titigan ang portrait hindi dahil maganda at malaki ito kundi dahil sa lalaking kanina lamang ay nakaaway ko. He's very handsome, halatang may nananalaytay na dugo ng amerika pero mas grabe ang pagiging espanyol. Halos wala kang makikitang dugong Pilipino. Hindi ko talaga maiwasan na hangaan ang pisikal nyang anyo, malamang na madaming nagkakandarapa sa kanya.
Kumunot ang noo ko ng wala kong marinig na ingay sa baba, siguro'y nasa labas sila. Pero napatigil ako sa huling tapakan ng hagdan ng may makita akong tao na nakaupo sa sofa ng living area.It's Matthew! Yung anak ni tito Mateo. Nagkarerahan ang puso ko ng lumingon sya sa akin. Nag iwas ako ng tingin sa kanya at naglakad papuntang kitchen parang mas lalo pa akong nauhaw ah? Binuksan ko ang ref at kumuha ng pitsel ng tubig kumuha din ako ng baso. Habang umiinom nahagilap ko sa peripheral vision ko si Matthew na nakasandal sa pintuan ng kitchen. Halos mabilaukan akong tumingin sa kanya kasabay din nito ang pagkabog ng mabilis ng puso ko. Shit! What is happening?!
"W-what are you doing here?" Mahinahon kong tanong. Sana naman ay hindi halata ang kaba ko.
Mariin syang tumitig sa akin at halos manglambot ang tuhod ko. Ang hirap tumitig sa mga mata nya. Napakaganda niyon at parang wala akong karapatang tumitig dito."Im curious about your name" diretso nitong sabi. Halos mabilaukan ako sa sarili kong laway.
"Why?"nagtataka kong tanong. Umayos sya ng tayo at naglakad papunta sa akin, ngayon ay isang hakbang na lang ay maglalapit na ang katawan namin. Pasimple akong lumunok. Mahigpit na rin ang pagkakapit ko sa manika ko.
"Just tell me" malamig nyang sambit. Sa kabila ng lamig nyang ekspresyon, ignorante din ang lalaking ito. Nilabanan ko ang kaba ko. Umirap ako sa hangin para labanan ang kaba at sure akong nakita nya ang pag irap ko.
"Messeah is my name, Mr. Aguas" sarcastic kong sambit. Kumunot ang noo nya.
"Don't do that again" nakakunot nyang sambit. Nagtataka naman akong tumingin sa kanya at kitang kita ko ang brown nyang mata.
"Ang alin?"nagtataka kong tanong
"Rolling your eyes...It doesn't suite you" he said. Pagkatapos nun umalis sya at iniwan akong naka nganga. How dare he! Napaka arte! Ignorante! Suplado! At walang kwenta nyang lalaki. Grrr! Hindi ako makakapayag na hindi ako makakaganti sa kanya. Naglakad ako ng mabilis kung saan sya pumunta at natagpuan ko sya sa pintuan ng mansyon."You don't have manners don't you know that?" Mataray kong tanong. Pinag krus ko ang mga braso ko. Malamig ang titig nya ng lumingon sya sa akin.
"Do you have that too?" Malamig nyang tanong. Nagtagis ang bagang ko.
"Ikaw sumosobra ka na ha! Akala mo kong sino kang mayaman at gwapo ang sama naman ng ugali mo!" I burst out. Nakitaan ko sya ng konting ngisi. Why he is smirking?
"I am handsome and rich?" Nakangisi nyang tanong. Seriously? Yun lang ba ang narining nya sa lahat ng sinabi ko?
"Yes! E-este N-no! Masama ang ugali mo!" Sigaw ko. Napaatras ako ng inilang hakbang nya ang pagitan namin at ngayon ay isang dangkal na lang ang layo namin dibdib na lang nya ang nakikita ko dahil sa tangkad nya."Well...if you like to know me...then I suggest you to come with me" he whispered.
YOU ARE READING
Wrath Of The Past (UNEDITED)
RomanceMesseah Jade Benosa was sheltered her whole life. Her life was just evolving around his father but when a man named Matthew Kier Aguas was introduced to her she knows that her life will never be the same again. --- Messeah, wished to grow faster so...