Stay
Tinahak ko ang papuntang kwadra, inalis ko sa pagkakatali ang isang itim na kabayo, mabilis ko itong sinakyan at pinatakbo.
Gaano ko man ka gustong manatili, ngunit hindi pwede. It's dangerous! Ang manatili dito ay isang malaking kapahamakan! Pero bakit ganun? Life is so unfair! Sobra sobra kong iniiwasan...pero bakit nangyayari pa rin? Hindi ba pwedeng wag ng mangyari ang itinadhana? Kailan ba matutupad yung kagustuhan ko naman?
Bagama't tumigil na ang aking mga luha masikip pa din ang dibdib ko. Marahas na humahampas ang hangin sa akin dahil sa pagtakbo ng kabayo. Pinatigil ko ang kabayo ng nasa tapat na kami ng gate.
Madilim na ang kalangitan, tanging poste na lang sa gate ang nagiging ilaw. Bumaba ako ng kabayo at tinangala ang gate kung gaano ito kataas.
"Miss, ano pong ginagawa nyo dito?" Napatingin ako sa taga bantay ng magsalita ito. Shit! Nakalimutan kong may taga bantay nga pala dito!
"I'm leaving" matapang kong tanong. Lumapit ako sa gate at hinaplos ito.
"Eh Miss, bawal po.. mahigpit pong pinapasabi ni señorito ma bawal kayong lumabas ng Hacienda" magalang nitong sabi.Napapikit ako ng mariin ng marinig ko ang sinabi nya.
"Did you hear me? I said I'm leaving!" Matigas kong sambit.
"Eh Miss, mahigpit po kasing pinagbabawal-"
"I don't fucking care!! Just open this goddamn gate and I will leave!" Sigaw ko sa galit. Nakita ko ang takot sa taga bantay.
May narinig akong yapak ng kabayo sa likod. At pagtapak ng mga paa sa lupa.
"Try to leave just try it, but you can't escape Messeah" nanglaki ang mata ko. Humarap ako kung san ko narinig ang tinig at doon nakita ko si Matthew na nakapamulsang nakatingin sa akin."Let me leave" mariin kong sabi. Napalunok ako ng naglakad sya papalapit sa akin.
"You think I allow you? Hell Im not" he said.
"Bakit ba hindi mo na lang ako hayaan? Is it hard? Is it wrong?" Sigaw ko. Rinig na rinig ang pangingilig ng boses ko.
Ng isang hakbang na lang ang lapit namin tumigil sya sa paglapit.
"Why am I letting you? Damn. Im not going to let you go again" he said. Nanglalambot ang mga binti ko. Grabe na din ang pagtibok ng puso ko. It's so fast! At feeling ko it's wrong to beat that way.
"Ano bang sinasabi mo? Just let me leave!" Kasabay nun ang paghampas ko sa dibdib nya. Hindi sya natinag at seryosong seryso pa ring nakatingin sa akin.Bakit ba hindi na lang nya ako paalisin? Mahirap ba yung gawin? I think not!
Napatigil ang paghampas ko ng hawakan nya ang pulso ko at ganun na lang ang bigla ko nang hapitin nya ako palapit sa kanya. Napahampas ako sa matigas nyang dibdib.
"What the hell!" Sigaw ko. Tinulak ko sya ngunit mas malakas sya sa akin.
"Why do you like to leave so bad?" He whispered. Napatigil ako sa pag galaw at nanatiling nakahilig sa dibdib nya. Ramdam na ramdam ko ang hininga nya sa tainga ko and it felt shiver down my spine.Hindi ako umimik.
"Why are you so silent when I am asking you?" He whispered again.
"Dahil hindi mo na dapat pang malaman" i whispered. Tila ako isang pusa na umamo sa harapan ng isang leon.
Inangat nya ang kanyang kamay at dinala ito sa baba ko. Lumabas ang ang bolta boltaheng kuryente sa buong katawan ko ng ginawa nya ito. Inangat nya ito at muling nagtama ang mga mata namin."I won't touch you, I won't talk to you except if I need to tell you something important. You will not see me everyday..... just you to stay" he whispered. Nanatili akong walang imik hanggang sa umalis na sya sa harapan ko at sumakay sa kanyang kabayong dala.
Tila nakapako na ang mga paa ko sa lupa. Yun ba ang magiging set up namin habang nandito ako just for me to stay?
Messeah can you survive? I hope I can....
____________________"Miss, nakahanda na po ang almusal nyo sa baba" sabi ni Manang Rosie. Isang kasambahay. Tumango lamang ako at tumayo na. Nag ayos muna ako ng sarili bago bumaba sa dining.
And as usual mag isa akong kumakain ng breakfast, lunch at dinner.
It's been a week noong sinabi nya ang mga salitang yun. And he's true to his word. Hindi ko sya nakikita sa mansyon. He's always in his room o kaya naman umaalis ng maagap. At naiinis ako sa sarili ko dahil ako ang may gusto nito, pero tanong naman ako ng tanong sa mga kasambahay kung nasan sya. Hayy.
"Uhm Manang Rosie, umalis ba sya?" Tanong ko. Hindi ko na kailangan magbanggit ng pangalan dahil alam nya na yun. Sa loob ng isang linggo sya ang naging close ko. Sya kasi ang laging naglilinis ng inuukopa kong kwarto at nakakakwentuhan ko.
"Ay neng, hindi sya umalis ngayon ang alam ko pumunta sya sa library" sabi nya. Tumango ako at nagpatuloy kumain. Hindi ko alam kung anong ginagawa ko. Ayaw ko syang makita o makasama pero ako naman itong tanong ng tanong.
Ng matapos akong kumain ay dumiretso ako sa kwarto, naligo ako at nag ayos ng sarili. Nag suot ako ng isang white flowing dress at flat sandals. Nilugay ko lang ang kulot sa tips kong buhok. Pagkatapos bumaba na ako.
Ang plano ko ay tumambay sa labas. Ayaw kong manatili dito dahil sobrang boring. Dire diretso ang lakad ko papuntang labas. Then nahagilap ko sa aking mata ang isang duyan sa isang ilalim ng puno sa bandang kanan ng fountain.
Naglakad ako papunta doon. Tiningnan ko muna ang mga tali kung safe bang upuan nang napagtanto kong ligtas naman ay naupo na rin ako.Pinagmasdan ko ang paligid. It's so many trees around. Sumasayaw ang mga halaman kasabay ng paghangin. Ang tahimik ng buong lugar at tanging huni ng mga ibon at ihip ng hangin ang maririnig. I really love this place, kung sana lang ay walang gantong pangyayari I will really glad to be here.
Naalala ko nanaman ang nakaraan. Naalala ko nang dalhin ako ni Matthew sa isang tree house. Nasan kaya yun? Hindi ko na maalala ang daan. Tiningnan ko ang mga paa ko na nakatapak sa lupa na may mga maliliit na damo.
If the circumstances are different, nandito kaya ako ngayon? Magkikita kaya ulit kami ni Matthew? Bumuntong hininga ako.
Sumagi sa isip ko ang nangyari sa akin noong nag encounter kami ni tita Lorna. Anong kayang nangyari after that happened? At bakit nandoon si Matthew? Bakit hindi pa rin nahuli si Tita Lorna noon?
Kumirot ang ulo ko. There's so many question in my mind and it's so fucked up.
Tumingin ako sa dagat, hindi ganung ka araw kaya naman naglakad ako papunta sa dalampasigan. Ito talaga ang pinaka gusto kong bahagi dito sa Hacienda, napaka ganda nitong pagmasdan.
Hindi pa ako tuluyang nakakalapit sa dalampasigan ng may nakita akong pigura ng isang lalaki. And it's Matthew! Dinagundong ng kaba ang aking puso and at the same gumaan din ito. Hindi ko na alam ang nararamdaman ko!
Napalunok ako ng napalingon sya sa akin at seryosong tumitig sa akin. It's like he's looking at my soul and my whole mind. Napirmi ako sa kinatatayuan ko ng humakbang sya papalapit sa direksyon ko. Nagsimulang magrambolan ang mga nasa tiyan ko. Ng malapit na sya, aligaga akong tumungo. Shit! I can't stand his damn eyes!
Napalunok ako ng tumigil sya tabi ko, hindi ko nakikita ang mukha nya dahil nakatungo ako. Grabe grabe ang nararamdaman ko ng maramdaman ko ang presensya nya sa tabi ko. Ngunit wala pang isang minuto ng maglakad sya at nilampasan nya lamang ako. Inangat ko ang ulo ko, at unti unting nagbagsakan ang ano man sa kalooban ko.
Lumingon ako sa likod at nakita ko syang dire diretsong lumakad papuntang mansyon.
"Shit!" I cursed. Akala ko pa naman.....
Padabog akong umupo sa buhanginan at tiningnan ang dagat. Mahirap pala..
Alam kong nasa iisang lugar lang kami, pero hindi ko sya maabot dahil sa kagustuhan kong umiwas sa kanya. Pero bakit ngayon, hinahanap hanap ko ang boses at presensya nya? Why is that?
But, yet I will stay... because he said so.....
YOU ARE READING
Wrath Of The Past (UNEDITED)
RomanceMesseah Jade Benosa was sheltered her whole life. Her life was just evolving around his father but when a man named Matthew Kier Aguas was introduced to her she knows that her life will never be the same again. --- Messeah, wished to grow faster so...