Kabanata 43

958 27 0
                                    

Crazy

"W-What do you mean?" Naguguluhan kong tanong. Anong ibig sabihin ng kanyang sinabi? Naramdaman ko pa lalo ang higpit at lamig ng kanyang mga kamay.

"Noong kinuha kita at itinago kay Lorna at namatay ang iyong tunay na ama, doon nagsimula ang laro, kung saan itatago kita at hahanapin kanila. Hide and seek Messeah. Itinago kita hangga't sa makakaya ko." Sabi nya.

"Bakit parang magulo? Dapat noon pa man nalaman na nilang nandito ako sa Pilipinas." Sabi ko.

"Because I always tricked them. Bibigyan ko sila ng hint sa ibang bansa o lugar kaya habang pinapalaki kita walang anumang gulo ang nangyari." He said.

"Bakit nila nalaman na nandito ako ngayon? Did you bring them a hint?" I asked. Umiling sya.

"No. Pagkatapos noong accident na nangyari kay Lorna, yung pagkahulog nya sa kabayo sa hacienda Reàl matagal din syang na coma, mas matagal sa nangyari sa akin. Ginamit ko ang pagkakataong yun para lalong magulo ang isipan nila. Gumawa ako ng paraan para malaman nila na pinapagamot ko si Lorna sa Russia para doon nila sya hanapin at hindi sila makaapak dito. But the truth is tinago ko si Lorna sa Hacienda Reàl." He said.

Nanglaki ang mata ko sa sinabi nya.
"What?!" Gulat kong tanong.
"Yes. Kaya lang nagising din sya after so many years. Akala ko nga noon mawawalan na sya ng buhay. Kaya ayun nahanap ka nya, nahanap din sya ng mga kalaban and then those people shoot you." Kumunot ang noo ko sa sinabi nya.

"How did you know that?" Tanong ko. Nagkibit balikat sya.
"Mateo told me everything." He said.

Bumuntong hininga ako. Mas nadagdagan pa ang isipin ko sa mga nalaman ko ngayon. Kaya naman noong gabing yun ay hindi ako makatulog.

Kinabukasan agad akong nag ayos ng sarili. Marami akong gagawin ngayon at aalamin. Kailangan ko na ding pakiramdaman ang paligid. Ngayong nalaman kong nanganganib ang buhay ko kailangan kong mag ingat. Nag suot ako ng high waist jeans at tube top na pinatungan ko ng polong checkered. Tinali ko ang dulo ng polo. Hinagilap ko ang aking sneakers at sinuot ito. Habang ginagawa ko ito ay nakatitig lamang si Papa.

"Pupunta ka kay Lorna?" Tanong nito. Tumango ako.
"Opo" sagot ko.
"Alam mo ba kung saan sya hahanapin." Tumango na lang ako kahit hindi ko naman talaga alam. Ayaw kong isipin pa to ni Papa. Pinuyod ko ang aking buhok ng messy bun. Sorry my hair kahit gustong gusto ko ang buhok ko dahil kulot ang tips at brown ito na lalong nagpapaganda dito ay kailangan ko itong ipuyod para walang sagabal.

Naglagay lang ako ng liptint at konting powder and then ready to go na ako. Tiningnan ko ang aking wrist watch halos alas sais pa lang nang umaga. Kinuha ko ang bag pack ko at sinukbit ito. Lumapit ako kay Papa at hinalikan sya sa noo.
"Aalis na po ako." Sabi ko.
"Hindi ka ba muna mag aalmusal?" Tanong nya. Ngumiti ako.
"Paglabas ko na po. Sige na pa, I gotta go, bye." Sabi ko sabay karipas ng lakad palabas.

Huminga ako ng malalim. I need to be alert this time. Inalala ko lahat ng pinag aralan ko noon sa martial arts at taekwando training ko noon. Yes, pinag aral ako noon ni Papa. Bagama't bata pa ako noon hinding hindi ko naman yun nalilimutan. Lalo na ang hand to hand combat, dahil dun ako pinaka magaling. Noon hindi ko alam kung anong purpose nun at pinag aaral ako ng ganun ni Papa. Pero ng malaman ko ang katutuhanan sa likod ng aking katauhan nagpapasalamat ako kay Papa dahil pinag aral nya ako ng ganun.

Pumasok ako sa elevator. At pinindot ang grand floor ng ospital. Buti na lang ako lang ang tao dito. Napapitlag ako ng may nagvibrate sa jeans ko. Shit! Kinabahan ako dun ah. Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ito.

Hindi ko alam kung bakit napangiti na lang ako sa nabasa ko.
'From: Matthew.

-Good morning.

Wrath Of The Past (UNEDITED)Where stories live. Discover now