TreasureHumiwalay sya sa pagkakayakap at nagkatitigan kami sa mata. Maya maya lang ay bumuntong hininga sya at hinila ako sa mini sala ng kanyang office. Pinasadahan ko ng tingin ang kanyang office at napanganga na lang ako na sobrang lawak nito! Mas malaki pa ito sa kwarto ko noon.
"Come on, we'll talk." Sabi ni Matthew habang pinapaupo ako sa mahabang couch. Kinabahan ako sa sinabi nya. Hindi ko pwedeng sabihin kung anong nangyayari sa buhay ko ngayon. Not Matthew. Hindi ko hahayaang madamay sya.
Tumitig sya sa akin ng makaupo na kami. Umiwas ako ng tingin.
"Talk." He demanded. Anong sasabihin ko?
"N-Namasyal lang ako kanina." Halos maputol ko ang dila sa pagsisinungaling. Sana paniwalaan nya!
"Early in the morning, namamasyal ka? Are you serious?" Malamig nyang tanong. He knows that I'm lying!
"Ano ka ba Matthew, ganun talaga. Para stress free!" Pagkumbinsi ko sa kanya. Halos mapairap ako ng hindi pa rin sya naniniwala. What the hell? Ganun ba ako ka obvious?"Alright" halos magbunyi ako sa sinabi nya. Hays akala ko magtatanong pa sya.
"Did you eat breakfast?" Tanong nya habang sumasandal sa couch pero nakatingin pa din sa akin.
"Hindi pa." Kumunot ang noo nya.
"Namasyal ka pero hindi mo naisip ang kumain?" Shocks! Dapat ba sinabi kong kumain na ako? Napakagat labi ako.
"Kasi-"
"Whatever" he cut me off. Then he called his secretary to buy some food for me.Tumayo sya para makapunta sa table nya at doon na umupo sa swivel chair nya. Lumapit din ako dun at umupo sa harap nya.
"Matthew, may pupuntahan ako mamaya-"
"Where?" Tumigil sya sa pagbuklat ng mga folder at tumingin sa akin.
"Ahm, may usapan kasi kami nung kaibigan ko, makikipagkita lang ako." OMG! Too much lies! Seryoso nya akong tiningnan.
"Kaibigan? A boy?" He asked. Umiling agad ako.
"It's a girl." Sabi ko.Kailangan ko ngayon makausap si tita Lorna. Alam kong sya lang ang makakasagot sa iba ko pang katanungan. Kailangan ko ding basahin lahat ng nasa apat na folder na galing sa office ni Papa.
"Alright, I'm coming with you." He said. Nanglaki ang mata ko.
"What?!" Napasigaw ako sa gulat. Kumunot ang noo nya sa reaksyon ko.
"Why?" nakakunot noo nyang tanong.
"K-Kaya ko naman ang mag isa." Bawi ko. Napalunok ako habang tinitingnan syang nakakunot noong nakatingin sa akin.
"Are you hiding something, Messeah?" He asked. Umiling agad ako.
"Wala, Matthew. It's just that kaya ko naman mag isa. And you have work. You don't need to sacrifice your time for me. " sabi ko sa mahinahon na boses.Huminga sya ng malalim bago tumingin muli sa akin.
"Okay. Just text me time to time." Tumango lamang ako.Nang dumating ang pagkain nagsimula na kaming kumain ng sabay ni Matthew. Hindi ko alam kung nakakahalata na ba sya o ano. Panay kasi ang titig nya sa akin ng mga makahulugang tingin. Sana naman ay hindi nya malaman. Ayaw ko syang madamay. Lalo na ang pamilya nya. I will not break my promise to my father. Hanggang kaya ko, poprotektahan ko sya. Pati ang pamilya nya.
"Bye." I said. Tumango lamang sya. Kaya naman sinarado ko na ang office nya. Diretso ang lakad ko paalis sa building. Nagpara ako ng taxi patungo dun sa lumang park, kung saan lagi kong nakikita si tita Lorna.
Nang makababa ako ay agad akong pumasok sa park. Walang katao tao dito katulad ng mga nakaraang punta ko dito. Makalat ang madamong lupa dahil sa naghuhulugang mga tuyong dahon mula sa mataas na puno. Umihip ang malamig na hangin kasabay ng paglabas mula sa likudan ko. Isa sa mga natutunan ko noon sa martial arts ay ang pakikiramdam sa paligid. Kaya alam ko na agad na may tao sa likod ko. Humarap ako dito and there, nakita ko si Lorna Ignacio. Naka suot sya ng simpleng black dress.
"Messeah." Ngumiti sya sa akin. Bakit ganun? Kahit anong pilit ko hindi ko pa rin matanggap na sya nga ang aking tunay na ina. Lumapit sya sa akin.
"I'm sorry." she said. Kumunot ang noo ko.
"Why are you sorry?" I asked. Confused.
"Because I can't give you a peaceful life like you wanted." She said.
YOU ARE READING
Wrath Of The Past (UNEDITED)
RomanceMesseah Jade Benosa was sheltered her whole life. Her life was just evolving around his father but when a man named Matthew Kier Aguas was introduced to her she knows that her life will never be the same again. --- Messeah, wished to grow faster so...