Sunset and Sunrise
Nakangiti akong lumabas ng kwarto para mag umagahan. Pero nawala ang ngiti ko ng hindi ko sya naabutan sa dining. Hayy talagang baliw ka na Messeah!
"Hay naku neng umalis nanaman si señorito kaya walang magagawa ang pag nguso mo dyan" sabi ni Manang Rosie. Mabait si Manang Rosie sa totoo nga lang eh gusto ko syang maging nanay.
"Ano po bang pinagkaka abalahan nya?" Tanong ko habang nagsisimula ng kumain habang si Manang Rosie ay nagsasalin ng juice sa baso ko."Hay naku. Sorang dami ng pinagkaka abalahan ni señorito. Marami silang business sa loob ng bansa pati na rin sa labas. Kaya naman ang tawag sa kanilang pamilya ay Billionaire family. Alam mo bang panahon pa lang ng mga kastila ay namamayagpag na ang kayaman nila sa buong mundo?" Kwento ni Manang Rosie na namamangha.
"Lalo silang naging malakas ng nagsama ang isang Walter at Aguas. Ang mga Walter kasi ay kilala rin sa buong mundo lalo na sa New york! Kaya yan si señorito Matthew sya ang magmamana ng lahat!" Sabi pa nito.
Kaya naman pala. Marami syang mas prayoridad kaysa ang manatili dito. Ng matapos akong kumain ay dala ko naman ang libro tungkol sa Chemistry. Umupo akong muli sa duyan. Medyo makapal ito kaya naman panigurado ako na mamaya ko pa ito matatapos.
Nasa kalagitnaan na ako ng pagbabasa ng may magsalita sa harapan ko.
"You should read inside" napatuwid ako ng upo at tumingala para makita ang malalalim na mata ni Matthew. What the hell! Bakit sya nandito?
"Matthew! Why are you here?" Gulantang kong tanong. Kumunot ang noo nya habang pinagmamasdan ako. Tumayo ako para maharapa sya ng maayos."Because I own this place?" He said full of sarcasm. Napairap ako ng wala sa oras.
"Tsss" singhal ko.
"Why are you reading in here?" Tanong nya.
"I just want to" maikli kong tugon. Nilagpasan ko sya at naglakad papuntang mansyon, ramdam ko ang pagsunod nya sa likod ko,"Why are you going?" Tanong nya sa likod ko.
"Ibabalik ko lang tong libro sa kwarto ko" sagot ko. Nagmadali akong umakyat at pumasok sa kwarto. Hindi ko na namalayan kung sumunod ba sya o hindi. Tumingin ako sa salamin at huminga ng malalim. Serioulsy? Why am I so nervous when he's around? Nagpasya akong lumabas at ganun na lang ang bigla ko ng makita ko si Matthew sa labas ng pintuan."Shit! You scared me!" Gulantang kong sambit. His lips form a smirk.
"Well it's my plan" he smirked. Sinamaan ko sya ng tingin. Hindi nya to pinansin at naglakad na sya paalis.
Nakasunod lamang ako sa kanya habang naglalakad kami pababa ng hagdan.
"Where are we going?" Tanong ko ng nasa malaking pintuan na kami ng mansyon.
"Sinong may sabi na kasama ka?" He chuckeld. Nag init ang ulo ko sa sinabi nya. Oo nga naman Messeah sunod ka ng sunod eh hindi ka naman pala kasama. Letse!Umirap ako at masama syang tiningnan.
"Eh di wag! As if naman sasama ako?" Pagtataray ko. Nakita ko ang pag ngiti nya na once in a blue moon lang makikita.
"Lets go" natatawa nya pang sabi. I crossed my arms and I give him a 'what are you talking about look'
"Akala ko hindi ako kasama?" Tanong ko. Lumapit sya sa akin at halos lumabas ang puso ko ng ilapit nya sa tainga ko ang labi nya.
"You should come, cuz if you don't I will break the rule #1 just you to come with me." He whispered. Unti unti syang naglagay ng espasyo sa pagitan namin at mariin akong tinitigan. God! My knees are trembling!'I won't touch you' that's his rule #1
"O-okay" tumango tango ako. Nakitaan ko ng konting ngisi ang kanyang mga labi. Damn his lips! Naglakad sya papuntang dalampasigan kaya naman sumunod na ako sa kanya. Buti na lang at hindi sobrang maaraw ngayon, kaya naman okay lang na tumambay sa malapit sa dagat.
"Bakit tayo nandito?" Tanong ko sa kanya ng makapunta na kami dito.
"Eating" maikli nyang tugon. Kumunot ang noo ko.
"Eating? What?" Nagtataka kong tanong.
"Tsss. What is usually doing when you're in the front of a sea?" He asked. Lalo akong nagtaka. Minsan talaga napaka labo kausap nito ni Matthew!
"Swimming? Walking?" Nagtataka kong tanong.
"That's answer your question" he said. Tapos naglakad sya papalapit sa dagat habang naiwan akong lutang. Napailing na lang ako. Ang hirap talaga kausapin ng lalaking yun. Tsk!Tumakbo ako papalapit sa kanya. Halos matapilok ako dahil sa buhangin. Shit! At ang inaasahan ko ay nangyari. Nadapa ako! What a coward Messeah!
"What happened to you?" Narinig kong tanong ni Matthew ng makalapit sa akin. Tumayo ako at pinag pagan ang sarili.
"Wag kang mag aalala, nag swimming lang ako" ngumisi ako sa kanya. Iniwanan ko syang nakakunot ang noo. Halos humagalpak ako ng tawa sa itsura nya. Yes! Nakaganti din ako!
"It's not funny" malamig nyang sabi ng nakita nya akong tumatawa, nasa tabi ko na sya ngayon habang sabay kaming naglalakad sa dalampasigan.
"It is!" Sabay tawa ko ulit. Ng nahirapan akong maglakad ay tinanggal ko na ang suot kong sandals kaya naman naglalakad na ako ngayon habang yapak. Ganun din ang ginawa nya. Puno ng iritasyon ang mukha nya.Natatawa ako habang pinagmamasdan sya. Hindi ko alam na mas masaya syang asarin kaysa sa mga yaya ko dati.
Hindi ko napansin na tahimik na pala kaming naglalakad ng sabay sa dalampasigan. At parang napakabilis ng oras dahil lulubog nanaman ang araw na hudyat ng kadiliman. Tumigil ako at pinagmasdan ang araw na papalubog.
"I really admire the sunset" sabi ko. Nakangiti ako habang pinagmamasdan ito. Habang ganun din si Matthew.
"I hate it" narinig kong sambit ni Matthew. Napakunot ang noo ko at napabaling sa kanya. Lumakas ang tibok ng puso ko ng makita ko ang ayos nya. Sinasayaw ng hangin ang itim nyang buhok, nagrereflect sa kanyang mga mata ang kulay ng kalangitan na ngayon ay orange na. Kitang kita ko ang anggulo ng mga panga nya at kung gaano kakurba ang mga pilik mata nya at ganun din ang matangos nyang ilong. He's perfect in that view.Lumingon muli ako sa unahan.
"Why?" Tanong ko sa huli nyang sinabi.
"It because it represent darkness" he just said. Tumango ako. Totoo naman yun kapag sunset na it gives people nervousness because of the darkness."It scared you?" I asked.
"No" maikli nyang tugon.
"Then why?" I asked again. Napapikit ako ng humampas ang malamig na hangin."It gives me assurance. If there's a sunset waiting for the darkness then there's also a sunrise waiting for the daylight" he said.
I am so clueless in what he said.
Sunset for the darkness and sunrise for the daylight?Napatingin ako sa kanya na seryosong nakatingin sa halos papalubog na araw.
He's really something......
![](https://img.wattpad.com/cover/152991960-288-k301936.jpg)
YOU ARE READING
Wrath Of The Past (UNEDITED)
RomanceMesseah Jade Benosa was sheltered her whole life. Her life was just evolving around his father but when a man named Matthew Kier Aguas was introduced to her she knows that her life will never be the same again. --- Messeah, wished to grow faster so...